Bea Alonzo admits to dating unnamed guy; is it Dominic Roque?

by Rachelle Siazon
Dec 23, 2020
While Bea Alonzo didn't reveal who she is currently dating, the Kapamilya actress has been consistently linked to Dominic Roque since the start of year 2020.
PHOTO/S: @beaalonzo / @dominicroque Instagram

Umamin si Bea Alonzo na "dating" ang status ng kanyang love life ngayon.

Ito ay matapos siyang malagay sa hot seat sa Q&A sa vlog ng celebrity dermatologist na si Aivee Teo noong December 16.

Tanong ni Dra. Aivee, "Is it true that you are currently dating someone?"

Noong una ay hindi pa agad umamin si Bea. Sabi lang niya, bukas siyang maging maligaya muli.

Isang taon at limang buwan na ang nakalipas mula nang dinaanan niyang heartbreak sa hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

Pahayag ni Bea: "Actually, natanong na ito sa akin nung Q&A sa vlog ko. And I said, right now I'm open to dating and also being happy.

"If there's anything that I learned from this quarantine, from all these things that have been happening, na-realize ko life is short and that you have to be open to being happy.

"Dapat hindi ako mag-suffer.

Continue reading below ↓

"If it's going to happen, it's going to happen. If it doesn't happen..."

Sumingit si Dra. Aivee para diretsahin na ni Bea kung anong ibig nitong sabihin.

Sabi ng doktora, "So ano siya, yes or no?"

Natatawang pag-amin ni Bea, "I'm dating."

Hirit ni Dra. Aivee, "Eto si Bea, pinaikot-ikot pa ako, yes or no lang naman, e."

Sabi naman ni Bea, "I learn from the best."

Hirit ulit ng doktora, "There's nothing wrong with dating. You're single. Pero mamaya, kuwento mo sa akin."

BEA-DOMINIC ROMANCE RUMORS

Hindi pinangalanan ni Bea kung sino ang lalaking nakaka-date niya, pero ang matunog na nauugnay sa kanya ay si Dominic Roque.

Hindi kailang malapit na magkaibigan ang dalawa, pero mahihinuhang may pagtatangi si Dominic kay Bea.

Kaya matagal nang espekulasyon kung nahulog na rin ba ang loob ni Bea kay Dominic.

Si Bea ay 33 years old, habang 30 naman ang edad ni Dominic.

Continue reading below ↓

Noong October 17, kinakiligan ng netizens ang low-key na birthday message ni Dominic kay Bea.

Nag-post si Dominic ng litrato nila ni Bea na nakatingin sila sa isa't isa.

"Happy birthday" ang simpleng caption ng binata na may kalakip na flying kiss emoji.

Noong July, nag-post din si Dominic ng picture nila ni Bea na kumakain sa isang restaurant sa Japan.

Continue reading below ↓

Hindi man kita ang mukha nila sa litrato, naka-tag naman ang aktres sa post ng binata.

Malinaw na throwback post iyon nang magbakasyon sila sa Japan noong October 2019.

Sa caption ni Dominic, sabi niya, "tila ako'y nabighani..." May kasama rin iyong heart emoji.

2020 SIGHTINGS OF BEA AND DOMINIC

Noong simula ng COVID-19 pandemic, hindi rin nakaligtas sa mapanuring netizens na kasama ni Bea si Dominic noong nagpa-deliver ang aktres ng supplies para sa ginagawa nilang face shields.

Continue reading below ↓

Noong Abril, namataan kasi ang pickup ni Dominic sa isang litrato ni Bea na kuha sa tapat ng kanyang bahay sa Quezon City.

Natukoy na pick-up iyon ni Dominic dahil tugma iyon sa kulay at estilo ng sasakyan ng binata.

Noong February 2020, kumalat din ang litrato nila na kuha sa baby shower ng noo'y fiancée pa lang ng nakababatang kapatid ni Bea.

Continue reading below ↓

Noong buwang ding iyon ay namataan sina Bea at Dominic na magkasamang naggo-grocery.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
While Bea Alonzo didn't reveal who she is currently dating, the Kapamilya actress has been consistently linked to Dominic Roque since the start of year 2020.
PHOTO/S: @beaalonzo / @dominicroque Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results