SSS set to hike contribution rate to 13% next month

by Jet Hitosis
Dec 23, 2020
The Social Security System (SSS) is set to implement a one-percent hike on its members' monthly contribution beginning January 2021.
PHOTO/S: unsplash.com

Mas mataas na ang sisingiling monthly contribution sa mga miyembro ng Social Security System (SSS) simula sa susunod na buwan.

Simula sa January 2021, 13 percent na ng sahod ng SSS member ang sisingilin bilang buwanang kontribusyon niya, mula sa dating 12%.

Ito ang nakasaad sa official statement ng ahensiya ngayong Miyerkules, December 23.

Ang pagpapatupad ng one-percent contribution rate hike, gayunman, ay hindi dapat lumampas sa itinatakdang maximum monthly salary credit (MSC), ayon sa SSS.

Ang MSC ang tumutukoy kung magkano ang dapat na kontribusyon at ang mga benepisyo ng manggagawang miyembro.

Nakabase ito sa buwanang kita ng SSS member.

Ayon sa Social Security Commission (SSC), dahil sa dagdag-kontribusyon ay tataas ang minimum MSC sa PHP3,000 mula sa dating PHP2,000.

Ang maximum MSC naman ay magiging PHP25,000 na mula sa PHP20,000.

Nilinaw naman ng SSC na ang minimum MSC para sa mga miyembrong kasambahay at overseas Filipino workers (OFWs) ay mananatili sa PHP1,000 at PHP8,000, ayon sa pagkakasunod.

Continue reading below ↓

ENSURING FUNDS’ VIABILITY, MORE BENEFITS

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, layunin ng dagdag-kontribusyon na matiyak ang “long-term viability of the SSS Fund, expand its coverage and provide more and higher benefits for its current and future members and their beneficiaries.”

Si Dominguez din ang chairman ng SSC, na sumasaklaw sa SSS.

Dagdag-paliwanag ni Dominguez, ang pagpapatupad ng restructured rates—na inuunti-unti hanggang sa 2025—“will offset the adverse financial impact of the PHP1,000 pension increase granted in 2017.”

Ang pagtataas ng pensiyon ng SSS ay alinsunod sa mga repormang itinatakda ng Social Security Act of 2018 (Republic Act 11199).

“Any drop in collections may lead to cash flow and liquidity issues,” sabi pa ni Dominguez.

“This could endanger the SSS’ ability to provide its members and their beneficiaries with benefits and loan privileges,” dagdag niya.

CONTRIBUTIONS ARE MEMBERS’ SAFETY NET

Umaasa si Dominguez na mauunawaan ng SSS members na ang mas mataas na buwanang kontribusyon ng mga ito ay madadagdag sa kanilang “savings and safety net against the future hazards of sickness, maternity, disability, unemployment, old age, death, and other contingencies.”

Continue reading below ↓

Kasabay nito, tiniyak ni Dominguez sa publiko na maayos na napapangasiwaan ang mga investments ng SSS.

Ito raw ang dahilan kaya epektibong natugunan ng ahensiya ang mga pinansiyal na pangangailangan ng mga miyembro nito ngayong may pandemic.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Social Security System (SSS) is set to implement a one-percent hike on its members' monthly contribution beginning January 2021.
PHOTO/S: unsplash.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results