Ellen Adarna to netizen asking her to stop singing: “Go away from this world and let us be free!!!!!”

by Arniel C. Serato
Dec 23, 2020
Ellen Adarna Star ng Pasko singing
Ellen Adarna shares on Instagram her moving-on song: "Hope this helps! This song will give you that powerful moving on mindset.”
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram

Sinupalpal ni Ellen Adarna ang isang netizen na pinapatigil siyang kumanta.

Sa kanyang Instagram noong Lunes, December 21, nag-upload si Ellen ng one-minute video clip kung saan kumakanta siya habang nag-i-stroll sa kanilang subdivision.

Ang kinanta niya ay ang “Star ng Pasko,” ang theme song ng ABS-CBN Christmas Station ID noong 2009.

Caption ng Cebuana sexy actress, “And it feels like, Finally... Pasko Na! What will i do without you @jessamucho

View this post on Instagram

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

Nagkomento rito ang basher: “Pls dont sing anymore”

Pang-asar na tugon ni Ellen: “how about ill sing to you, go go go away _______! Go away from us! Go away from this world and let us be free!!!!!”

Ellen Adarna basher Star ng Pasko

Continue reading below ↓

Tawang-tawa naman dito ang maraming followers ni Ellen.

MOVING ON SONG

Sa isa pang in-upload niyang short clip, kinanta naman ni Ellen ang 1990 hit song ng Neocolours na “Tuloy Pa Rin.”

Ito raw ang akmang moving on song para sa mga nais nang kalimutan ang kanilang nasirang relasyon.

Caption ni Ellen, “How to Move on

“To those asking me “pano po mag move on?” This is my answer! Hope this helps!

“This song will give you that powerful moving on mindset”

View this post on Instagram

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

Komento rito ni Anthony Pangilinan, “Ang saya pala magmove on!”

Tugon ni Ellen, “@anthonypangilinan ganyan ang galawan sa mga nag iisip ng brighter future lolllll”

Anthony Pangilinan comment Ellen Adarna move on song

Continue reading below ↓

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na lagpas isang taon nang hiwalay si Ellen sa dati nitong partner na si John Lloyd Cruz. Mayroon silang isang anak na halos magdadalawang taon na ngayon, si Elias Modesto.

Noong April 2020, kinumpirma ni Ellen ang pagkakamabutihan nila ng Spanish guy na si Carlos Lemus. Wala nang balita kung ano ang nangyari sa kanilang relasyon.

Nakatakdang magbalik sa limelight si Ellen sa pamamagitan ng isang sitcom sa TV5.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna shares on Instagram her moving-on song: "Hope this helps! This song will give you that powerful moving on mindset.”
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results