Showbiz History: The great Lino Brocka questions MMFF 1977 winners; walks out in protest

by Jet Hitosis
Dec 24, 2020
Lino Brocka, Celso Ad Castillo, MMFF 1977 controversy
In December 1977, the country's most influential filmmaker Lino Brocka (left) fields his movie Inay for the 3rd Metro Manila Film Festival (MMFF) against eight other entries, including Celso Ad Castillo's (right) masterpiece Burlesk Queen.
PHOTO/S: Getty Images

Ibang-iba ang idaraos na 46th Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong 2020.

Sa kauna-unahang pagkakataon, dahil sa pandemic, ay online mapapanood ang 10 pelikulang kalahok sa taunang Christmas film festival.

Naka-livestream din maging ang tradisyunal na MMFF Parade of Stars at ang pinakaaabangan—at minsan ay kontrobersiyal—na MMFF Awards Night.

Ngayong bago at makabago na ang sistema ng MMFF 2020, walang inaasahang malaking kaganapan sa awarding ceremonies na maaaring pagmumulan ng kontrobersiya.

Sa nakalipas na mga taon kasi, mas nagiging laman ng balita ang mga hindi inaasahang eksena sa MMFF Awards Night kaysa mga personalidad at pelikulang nagsipag-uwi ng parangal.

BATTLE OF THE MASTERPIECES

Apatnapu’t tatlong taon na ang nakalipas, December 1977, nang unang beses na mabahiran ng kontrobersiya ang MMFF Awards Night.

Noon ay ikatlong taon pa lang ng MMFF, at mga obra ng pinakamahuhusay na Filipino filmmakers ang mga pelikulang kalahok.

Kabilang sa entries ang:

  • Babae… Ngayon at Kailanman, sa direksiyon ni Joey Gosiengfiao, at pinagbidahan nina Charito Solis, Gloria Diaz, Chanda Romero, at Vivian Velez;
  • Bakya Mo Neneng ni Augusto Buenventura, na tinampukan nina Nora Aunor, Tirso Cruz III, at ni future Philippine President Joseph Estrada;
  • Banta ng Kahapon ni Eddie Romero, kung saan nagbida sina Vic Vargas, Bembol Roco, at Roland Dantes;
  • Burlesk Queen ni Celso Ad. Castillo, na pinagbidahan ni Vilma Santos, kasama sina Rolly Quizon, Rosemarie Gil, Joonee Gamboa, at Leopoldo Salcedo;
  • Inay ni Lino Brocka, na tinampukan nina Alicia Vergel, Dindo Fernando, Laurice Guillen, Orestes Ojeda, Ace Vergel, at Chanda Romero;
  • Kung Mangarap Ka’t Magising ni Mike de Leon, na pinagbidahan nina Christopher de Leon at Hilda Koronel;
  • Mga Bilanggong Birhen nina Mario O’Hara at Romy Suzara, kung saan bida sina Alma Moreno, Trixia Gomez, Monang Carvajal, Armida Siguion-Reyna, Rez Cortez, at Leroy Salvador;
  • Sa Piling ng mga Sugapa ni Gil Portes, na pinagbidahan nina Mat Ranillo III, Bembol Roco, at Chanda Romero; at
  • Walang Katapusang Tag-araw ni Ishmael Bernal, na tinampukan nina Charito Solis, Eddie Garcia, at Mat Ranillo III.
Continue reading below ↓

BROCKA VS BURLESK QUEEN

Sa kalagitnaan ng awarding ceremonies sa Metropolitan Theater sa Maynila, nag-walkout si Direk Lino Brocka.

Ayon sa media reports, kinuwestiyon ng direktor kung paano nangyaring hinakot ng Burlesk Queen ang pito sa siyam na parangal ng gabing iyon, kabilang ang Best Film.

Kinopo ng Burlesk Queen ang Best Director recognition para kay Direk Celso, maging ang Best Actress (Vilma), Best Actor (Rolly), Best Supporting Actress (Rosemarie), Best Supporting Actor (Joonee), at Best Screenplay awards (Mauro Gia Samonte).

Continue reading below ↓

Ang dalawang natitirang parangal ay iginawad sa Mga Bilanggong Birhen.

Ang mga ito ay ang Best Cinematography (Romeo Vitug) at Best Art Direction (Laida Lim-Perez).

Ibig sabihin, sa siyam na MMFF entries—na pawang classic masterpieces na ngayon—pitong direktor, grupo ng mga artista, at production teams ang umuwing luhaan.

BROCKA ROOTING FOR MIKE DE LEON

Ayon sa report ng ABS-CBN News na “A look at the past MMFF controversies,” na inilathala noong December 28, 2010, ikinagalit daw ni Brocka ang resulta ng awarding ceremonies.

Bago tuluyang lisanin ang venue, pinagmumura raw ni Brocka ang dramatist-director na si Roland Tinio.

Si Tinio—na naging National Artist for Theater—ang chairman ng panel of judges ng 3rd MMFF.

Batay sa ABS-CBN report, hindi raw ang kawalan ng napanalunang major award ng Inay ang ikinasama ng loob ni Brocka.

Continue reading below ↓

Nagalit daw si Brocka na hindi kinilala ng MMFF ang husay ng pagkakadirek ni Mike de Leon sa Kung Mangarap Ka’t Magising.

Sa katunayan, ilang taon na ang nakalipas matapos ang kontrobersiya, nababanggit pa rin daw ni Brocka ang hindi pagkakapanalo ni Direk Mike sa 3rd MMFF.

Quoted ng ABS-CBN News si Brocka: “Mahusay ang direction ni Mike de Leon, bakit hindi man lang siya na-notice?”

Samantala, sa "Through the years: Controversies in the MMFF" report ng Business World noong January 11, 2013, sinabing dahil sa protesta ni Brocka, ipinag-utos ng organizers ng 3rd MMFF na isauli ng mga nanalo ang natanggap nilang medalya.

Medalya pa noon, at hindi trophy, ang ipinagkakaloob sa MMFF winners.

Gayunman, walang kumpirmasyon kung isinauli nga ng mga nanalo ang kani-kanilang medalya.

THE GREAT LINO BROCKA

Kinikilala bilang most influential filmmaker sa kasaysayan ng Pilipinas, likas na maprinsipyo at may paninindigan si Brocka.

Noong dekada ’70 at ’80, isa siya sa mga personalidad mula sa entertainment industry na aktibong tumutol sa batas militar at sa diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Continue reading below ↓

Masasalamin ang paninindigan ni Brocka maging sa kanyang mga pelikula, tulad ng Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag (1975), Insiang (1976), Bayan Ko: Kapit sa Patalim (1984), Macho Dancer (1988), at Oropronobis (1989).

May 22, 1991 nang nasawi sa aksidente ang multi-awarded filmmaker.

Nabangga sa kongkretong poste ng kuryente sa Tandang Sora, Quezon City ang kotseng sinasakyan ni Brocka.

Dead-on-arrival sa ospital ang 52-anyos na direktor.

Makalipas ang anim na taon, iginawad kay Brocka ang posthumous recognition bilang National Artist for Film noong 1997.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In December 1977, the country's most influential filmmaker Lino Brocka (left) fields his movie Inay for the 3rd Metro Manila Film Festival (MMFF) against eight other entries, including Celso Ad Castillo's (right) masterpiece Burlesk Queen.
PHOTO/S: Getty Images
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results