Andre Paras tries his luck at PBA Draft 2021

by Rachelle Siazon
Dec 24, 2020
Kapuso actor Andre Paras continues to chase his dream as a basketball player by applying for PBA Draft 2021.
PHOTO/S: James Patrick Anarcon

Susubukan ni Andre Paras, 25, ang kanyang suwerte sa mundo ng Philippine Basketball Association (PBA).

Si Andre ay huling napanood sa papatapos pa lamang na Kapuso primetime series na Descendants of The Sun.

Noong December 22, ibinalita ng official website ng PBA na isa si Andre sa mga naunang nagpasa ng kanilang application para sa PBA Draft.

Ang PBA Draft ay tumutukoy sa rookie selection kunsaan may tsansa ang bawat PBA team para mamili sa amateur basketball players at iba pang eligible players na sasali sa kani-kanilang team.

Nabanggit sa official website ng PBA na si Andrea ay anak ng two-time Most Valuable Player sa PBA na si Benjie Paras.

Isa sa mga qualification ni Andre ay ang kanyang background bilang bahagi ng AMA Online Education sa PBA D-League mula noong 2017.

Hanggang sa January 27, 2021 pa ang deadline ng submission para sa applicants ng PBA Draft, na gaganapin sa March 14, 2021.

Continue reading below ↓

Tulad ng kanyang ama, si Andre ay pang-basketball ang height sa taas niyang 6'5.

CHASING HIS BASKETBALL DREAM

Sa Instagram feed ni Andre, hindi na viewable ang kakaunting pictures na ipinost niya roon nitong 2020.

Pero itinira niya ang ilang posts kabilang ang litrato ng isang basketball ring na may petsang April 2019.

Sabi niya sa caption, "there are dreams I'm still chasing."

Continue reading below ↓

SIBLING WORKOUT

Sa kanyang Instagram Story ngayong Huwebes, December 24, ni-repost ni Andre ang litrato na kuha ng nakababata niyang kapatid na si Kobe Paras.

Makikitang sabay silang nagwo-workout.

Inilarawan naman ni Kobe si Andre na mala-"the hulk," ang fictional superhero na malahigante ang matiponong katawan.

Continue reading below ↓

Si Kobe ay kasalukuyang bahagi ng Team Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Andre Paras continues to chase his dream as a basketball player by applying for PBA Draft 2021.
PHOTO/S: James Patrick Anarcon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results