Glaiza de Castro gets engaged to boyfriend David Rainey in Ireland

by Arniel C. Serato
Dec 24, 2020
Glaiza de Castro engagement
Glaiza de Castro announces on Instagram today, December 24, her engagement to boyfriend David Rainey in Ireland.
PHOTO/S: Courtesy: @glaizaredux on Instagram

Engaged na ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro, 32, sa Irish boyfriend niyang si David Rainey, 31.

Nasa Ireland ngayon si Glaiza dahil doon siya magse-celebrate ng Pasko at Bagong Taon, kasama ang pamilya ni David.

Inanunsiyo ni Glaiza ang kanyang engagement ngayong bisperas ng Pasko, December 24 (oras sa Pilipinas), sa pamamagitan ng Instagram.

Nauuna ang Pilipinas ng walong oras sa Ireland.

Sabi ng Kapuso actress sa kanyang caption, “Who would’ve thought I’d say yes in freezing cold weather.

"...it just felt right. (sparkling wine, Christmas tree, ring emojis)”

Sinamahan niya ang kanyang post ng apat na larawan kung saan makikita ang engagement ring niya.

Glaiza de Castro engagement ring

Continue reading below ↓

David Rainey engagement ring

Kinakiligan naman ito ng maraming celebrities, kabilang na ang best friend ni Glaiza na si Angelica Panganiban.

Pati na sina Jasmine Curtis Smith, Solenn Heussaff, Iza Calzado, Bea Binene, Jolina Magdangal, Khalil Ramos, Yeng Constantino, at iba pa.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

GLAIZA-DAVID RELATIONSHIP

Mahigit dalawang taon na ang relasyon nina Glaiza at David.

February 2019 nakilala ni Glaiza ang buong angkan ni David nang magbakasyon siya sa England para sa 30th birthday ni David.

Kuwento niya noon, “Na-meet ko na yung family niya kasi nung nag-celebrate ng birthday yung twin niya sa England.

"May twin sister siya. It’s a big birthday. 30th birthday nila.

“Supposedly, isu-surprise ko siya. But since I was only given a limited time to be there, sinabi ko na eventually.

“Yung mga pamilya niya talaga, ‘Oh my god, we’re so happy that you’re coming.'”

Nitong 2020 naman, bumisita sa Pilipinas si David at inabutan siya ng enforced quarantine sa Baler, Aurora.

Pansamantalang nanirahan si David sa bahay nina Glaiza sa Aurora, kung saan may bed and breakfast business ang Kapuso star.

Nang kumustahin kay Glaiza si David ng 24 Oras reporter na si Aubrey Carampel, sagot ng 32-year-old Kapuso actress, "Parang mas lokal pa siya kaysa sa 'kin.

Continue reading below ↓

"Namamalengke siya, naggo-grocery siya...”

Mabilis daw na nakapag-adjust si David sa buhay sa Pilipinas.

Sa isang panayam, sinabi ni Glaiza na si David mismo ang nangulit sa kanyang makilala ang mga magulang nito.

Saad Glaiza, “Well, kasi siya yung nag-initiate na ma-meet yung parents ko. Sabi ko, ‘Talaga ba?’”

Noon daw napatunayan ni Glaiza na talagang sincere ang pagmamahal ni David sa kanya.

Sabi pa niya, “Dun mo makikita na, ‘Ay, itong tao na ito, walang itatago.'

"Kahit hindi marunong mag-Tagalog yung tao, nag-exert siya ng best niya to communicate sa family ko.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro announces on Instagram today, December 24, her engagement to boyfriend David Rainey in Ireland.
PHOTO/S: Courtesy: @glaizaredux on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results