Atom Araullo tweets about overkill of red-tagged doctor; other celebs react

by Jet Hitosis
Dec 26, 2020
Atom Araullo, Dr. Mary Rose Sancelan, Edwin Sancelan red tagging
Journalist-documentarist Atom Araullo (left) on December 16 tweets about how Dr. Mary Rose Sancelan and husband Edwin (right) were peppered with bullets ten days before Christmas. Both Dr. Sancelan and Atom were victims of red-tagging.
PHOTO/S: @atomaraullo on Instagram, Karapatan via @atomaraullo on Twitter

Binigyang-diin ng journalist na si Atom Araullo kung paanong tinadtad ng bala ang nag-iisang doktor sa Guihulngan City, Negros Oriental na biktima ng red-tagging.

Sa tweet ng 38-year-old documentarist-news anchor nitong December 16, sinabi niyang umabot sa 15 basyo ng bala ang narekober sa lugar kung saan pinagbabaril si Dr. Mary Rose Sancelan.

Pauwi ng bahay at nakaangkas noon ang doktor sa motorsiklo ng asawang si Edwin Sancelan, isang local government employee, nang mangyari ang krimen.

Kapwa napatay ang mag-asawa sa pamamaril na nangyari sa Carmen Ville Subdivision sa Barangay Poblacion ng lungsod, pasado 5:00 ng hapon nitong December 15.

Dr. Mary Rose Sancelan, Edwin Sancelan killed

Continue reading below ↓

Si Dr. Sancelan ang hepe ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ng Guihulngan.

Siya rin ang nag-iisang doktor sa Guihulngan, na may halos 100,000 populasyon.

Nangangahulugan itong napakalaki ng ginagampanang papel ni Dr. Sancelan para sa mga taga-Guihulngan bilang pangunahing medical frontliner ng siyudad kontra COVID-19.

RED-TAGGED DOCTOR

Noong 2019, nanguna si Dr. Sancelan sa listahan ng local anti-communist group na Kagubak (Kawsa Guihulnganon Batok Kumunista) ng 15 kataong iniuugnay nito sa New People’s Army (NPA).

Ang NPA ang armed unit ng 52-year-old revolutionary organization na Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF).

Bintang ng Kagubak, si Dr. Sancelan daw ay si JB Regalado, isang mataas na opisyal ng NPA sa Negros Oriental.

Sa isang video na kuha ng Archdiocese of San Carlos sa Negros Occidental ilang linggo bago paslangin si Dr. Sancelan, nagpahayag ang doktor ng matinding pangamba para sa sariling buhay dahil sa red-tagging ng Kagubak laban sa kanya.

Continue reading below ↓

Sa translated na pahayag ni Dr. Sancelan, sinabi niya: “I am accused of being [alias] JB Regalado, a commander and head of the CPP-NPA.

“I felt helpless and paranoid when I go out and work.

“Of course, I am afraid to get killed and I'm not free to go to the mountain communities.”

Dr. Mary Rose Sancelan

Continue reading below ↓

Ang pag-uugnay na ito kay Dr. Sancelan sa NPA ang pangunahing anggulong iniimbestigahan ng pulisya sa pagpatay sa doktor.

ATOM, OTHER CELEBS REACT

Ang red-tagging kay Dr. Sancelan din ang bungad ng tweet ni Atom.

Ibinahagi ni Atom sa tweet niyang ito ang litrato ng mag-asawang Sancelan noong nabubuhay pa, gayundin ang litratong kuha sa crime scene.

Kalakip din sa tweet ni Atom ang aktuwal na listahan ng mga personalidad na iniuugnay ng Kagubak sa NPA.

Sabi ni Atom: “Red-tagged doctor, who headed the local IATF, and her husband were shot in broad daylight.

“Reports indicate 15 spent caliber 45 rounds recovered from the scene.

“Fifteen,” diin ni Atom.

Continue reading below ↓

Ang post na ito ng Kapuso journalist ay ni-retweet ng filmmaker na si Antonette Jadaone at ng writer-actor na si Juan Miguel Severo.

Nag-reply rin sa tweet na ito ni Atom ang dating Kapuso TV host na si Kiko Rustia.

Komento ni Kiko: “This is Duterte's legacy.”

Pinasaringan ni Kiko si Pangulong Rodrigo Duterte, na nasa likod ng pinaigting na kampanya ng gobyerno kontra insurhensiya.

Continue reading below ↓

Para sa kampanyang ito, ipinag-utos ni Duterte ang pagtatatag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Gayunman, mas pinagtuunan ng NTF-ELCAC ang pag-uugnay sa iba’t ibang personalidad sa bansa sa NPA, o red-tagging.

RED-TAGGING CELEBRITIES

Mismong si Atom ay nabiktima ng red-tagging ng task force na ito ni Pangulong Duterte.

Ito ay matapos na ilabas noong August ang I-Witness documentary ni Atom tungkol sa mga batang Lumad na lumikas mula sa Mindanao dahil sa kaguluhan sa rehiyon.

Reklamo ng NTF-ELCAC, “replete with gross inaccuracies and outright lies” daw ang dokumentaryo ni Atom.

Kinatigan din ng task force ang komento ng ilang indigenous peoples (IP) leaders na isinusulong daw ng dokumentaryo ni Atom ang “agenda ng NPA.”

Ang NTF-ELCAC din ang nasa likod ng red-tagging sa Kapamilya actresses na sina Liza Soberano at Angel Locsin noong October.

Iniugnay kasi ni Lieutenant General Antonio Parlade Jr., tagapagsalita ng NTF-ELCAC, sina Liza, 22, at Angel, 35, sa mga progresibong grupo na tinawag nitong front organizations ng NPA.

Continue reading below ↓

Nadamay rin sa red-tagging Facebook post ni Parlade maging si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Kalaunan, nilinaw ni Parlade na binigyang-babala lang daw niya si Liza laban sa recruitment ng women's group na Gabriela.

Personal ding nakipagdayalogo si Parlade kay Angel kaugnay ng red-tagging sa actress-humanitarian.

Samantala, inamin ni Parlade na nagkamali siyang idamay sa issue si Catriona at humingi ng paumanhin sa beauty queen.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Journalist-documentarist Atom Araullo (left) on December 16 tweets about how Dr. Mary Rose Sancelan and husband Edwin (right) were peppered with bullets ten days before Christmas. Both Dr. Sancelan and Atom were victims of red-tagging.
PHOTO/S: @atomaraullo on Instagram, Karapatan via @atomaraullo on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results