Ai-Ai delas Alas gets bashed for "Lovesick Girls" performance

by Nikko Tuazon
Dec 27, 2020
Aiai delas Alas Lovesick Girls
On December 25, 2020, Kapuso star Ai-Ai delas Alas performed BlackPink's latest single "Lovesick Girls" on The Clash Christmas Special: Pasko Para Sa Lahat.
PHOTO/S: Screengrab from GMA-7

Trending na naman sa social media ang panibagong K-pop cover performance ni Ai-Ai delas Alas.

Noong araw ng Pasko, December 25, pinerform ni Ai-Ai sa The Clash Christmas Special: Pasko Para Sa Lahat ang "Lovesick Girls," ang kanta ng K-Pop girl group na BlackPink.

Sa kanyang performance, makailang ulit nagpalit ng costume si Ai-Ai habang kinakanta ang latest hit song ng BlackPink.

Makikita ring nahirapan si Ai-Ai sa ibang bahagi ng kanta at sinabi pang "Kaya ko 'to!"

Sa isang Instagram post matapos ang performance, nag-iwan ng mensahe si Ai-Ai sa Blinks, tawag sa fans ng BlackPink, na nakapanood ng kanyang performance.

Aniya, "Black pink ka pala e ...mga blinks pasensya na muntik ng d kayanin pero INILABAN KO NAMAN... (apat naman sila na nakanta at nag rarap mag isa lang ako gumawa tulong naman [emoji]) wohoooooo

"MERRY CHRISTMAS NALANG MGA KA BLINKS KO !!!!!!#5thmemberoftheblackpink #lovesickgirlsblackpink #nasickakogirlpasensyana #payting #isalangakounawainnyonaman #mahirap palangkantahinangbpna4sila1langako"

Continue reading below ↓

NETIZENS REACT

Umani ng samu't saring reaksiyon ang performance ni Ai-Ai mula sa netizens.

May ilang natuwa sa kanyang performance kabilang na ang Kapuso singer at The Clash host na si Julie Anne San Jose.

Nag-iwan si Julie Anne ng komento sa post ni Ai-Ai: "Grabe walang kupas talaga! Nakakagood vibes palagi HAHAH merry Christmas Ate @msaiaidelasalas labyuuuu"

Nagpasalamat naman si Ai-Ai kay Julie Anne.

Reply nito, "@myjaps ano ba naman shooolie d ako makahinga sa ginaw ko hahahahha rap kanta palit hahaha nag memorize pa ko ny ganun din hahahahaha labyu shoolie ingat always and maligayang pasko."

Suportado naman ng isa pang netizen si Ai-Ai bilang "fifth member" ng BlackPink.

Komento nito, "GO FIFTH MEMBER! GUSTO MO YAN EH HAHAHAHHAHAHA. AKO PO HININGAL SAYO GOODVIBES! GRABE NGA NAMAN YON."

Aiai delas Alas Lovesick Girls

Continue reading below ↓

Ngunit umani rin ng negative comments si Ai-ai mula sa ibang K-Pop fans na hindi nagustuhan ang kanyang performance.

Sa Twitter, binatikos ng ilan si Ai-Ai sa di maayos nitong pagbigkas sa lyrics ng kanta.

Tweet ng isang netizen, "Kpop idols trying hard to sing OPM correctly and there’s Ai Ai Delas Alas At this point, what she’s doing is just disrespectful...if she can’t sing it properly, just stick to dancing"

Aiai delas Alas Lovesick Girls

Continue reading below ↓

Isa pang netizen ang nagkumpara sa ginawang peformance ni Ai-Ai sa cover ni Sandara Park at iKon member na si Jay ng Tagalog song na "Dahil Sa 'Yo."

Tweet ng isang K-Pop fan, "When Dara of 2ne1 and Jay of iKON sing's a cover of 'Dahil Sayo', they tried to correctly pronounce each words to respect the language.

"On the contrary, Ai Ai Delas Alas butchered Lovesick Girl's of Blackpink and sounded so disrespectful especially to language itself. Gross."

Aiai delas Alas Lovesick Girls

Continue reading below ↓

Bukod dito, ikinumpara ng isa pang netizen ang performance ni Ai-Ai sa performance nina Maris Racal at Jayda Avanzado sa opening ng TV5 musical-variety show na Sunday Noontime Live noong December 27.

Aiai delas Alas Lovesick Girls

Aiai delas Alas Lovesick Girls

Continue reading below ↓

AI-AI'S BLACKPINK COVERS

Hindi ito ang unang beses na na-bash si Ai-Ai dahil sa kanyang cover performances ng mga kanta ng BlackPink.

Halu-halong komento rin ang nakuha ni Ai-Ai matapos niyang kantahin ang "Ddu Ddu Ddu Ddu," kasama ang P-Pop group na SB19, sa grand finals ng The Clash, noong December 2019.

Noong September 27, 2020, pinerform naman ni Ai-Ai ang "How You Like That" sa All-Out Sundays.

Sa panayam ng PEP.ph, (Philippine Entertainment Portal) kay Ai-Ai, sinabi nitong big fan din siya ng BlackPink at nais lang niyang magpasaya.

Aniya, "Wala naman akong intensiyon na masama kundi ang ibahagi ang talent ko sa pagkanta sa mga idol ko na BLACKPINK.

"Napasasaya ko sila, at the same time, okey nang ma-shock sila sa akin kesa ma-shock sila sa sakit na dulot ng COVID-19.

"Happy thoughts and good vibes lang."

Muling naging trending topic si Ai-Ai nitong October 31, 2020, nang kantahin naman niya ang "Ice Cream" bilang opening number sa The Clash.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On December 25, 2020, Kapuso star Ai-Ai delas Alas performed BlackPink's latest single "Lovesick Girls" on The Clash Christmas Special: Pasko Para Sa Lahat.
PHOTO/S: Screengrab from GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results