Jennylyn Mercado says “tumaba ka” comment during reunion is “maling mali”

Dec 28, 2020
Jennylyn Mercado
Kapuso actress Jennylyn Mercado on people commenting negatively about other people's physical looks during reunions: “It's not okay. First of all it’s rude, second it may trigger some people na may Ed. Maling mali."
PHOTO/S: @mercadojenny on Instagram

Umapela si Jennylyn Mercado laban sa pagkokomento tungkol sa pisikal na anyo bilang pagbati sa isang kakilalang matagal na hindi nakita.

Para sa 33-year-old Kapuso star, isa itong “toxic Filipino trait” na dapat nang matigil.

Idinaan ni Jennylyn ang panawagan niyang ito sa isang tweet nitong Linggo, December 27.

Nagkataon namang may ilang family reunions ang nairaos nitong Pasko at karaniwan ang mga ganitong batian, lalo na sa magkakamag-anak.

Tweet ni Jennylyn (published as is): “Can we discontinue this toxic Filipino trait na tuwing nagkikita ang hilig mag komento tungkol sa physical looks ng iba tulad ng – ‘uy tumaba ka.’”

Nagbigay ng dalawang dahilan si Jennylyn kung bakit para sa kanya ay “not okay” ang ganitong pagbati sa isang kakilala.

“First of all it’s rude, second it may trigger some people na may Ed.

“Maling mali,” aniya pa.

Continue reading below ↓

Ang “Ed” sa tweet ni Jennylyn ay tumutukoy sa “eating disorder.”

Ang eating disorder, ayon sa helpline.com, ay ang “range of psychological conditions that cause unhealthy eating habits to develop.”

Ipinahihiwatig ni Jennylyn na maaaring lumala ang eating disorder ng isang tao kung makakarinig ng mga ganitong komento at pagbati, lalo na mula sa mga taong malapit dito.

SOME WOULD RATHER NOT ATTEND REUNIONS

Maraming Twitter followers ni Jennylyn ang sumang-ayon at naka-relate sa kanyang tweet.

Sa katunayan, ang nakasanayan nang pagbating ito sa kanila, ayon sa ilang netizens, ang dahilan kaya hindi na raw nila sinisipot ang kani-kanilang family reunion.

Continue reading below ↓

“Insensitive” din daw para sa ilang Twitter users ang pagkokomento ng iba tungkol sa pisikal na hitsura ng kapwa, at maging sa mga masyadong personal at sensitibong bagay.

Continue reading below ↓

Ibinigay nilang halimbawa ang mga bating tulad ng “kailan ka mag-aasawa,” “kailan kayo mag-aanak,” at “e, di mayaman ka na, pautang naman.”

Continue reading below ↓

Isang Twitter user ang nagpayo na upang makaiwas sa mga ganoong pambabatikos, “alagaan mo sarili mo ganun lang yun.”

Nag-reply rito si Jennylyn at sinabing “maling mentality” ang ipinaiiral ng Twitter user.

Ipinaliwanag ng aktres ang kanyang punto: “Unang una, bakit kailangan may mapuna? Hindi ba dapat wala to begin with?

“Unless someone asks you a question, don’t give unsolicited advice.

“Hindi ba natin kaya makipagusap sa isa’t isa na walang punahan o judgement?”

Continue reading below ↓

Sinang-ayunan si Jennylyn ng iba pang netizens na sumali sa thread, samantalang hindi na sumagot pa ang Twitter user.

“FILIPINOS ARE THE WORST BODY SHAMERS”

Nanawagan si Jennylyn laban sa pagkokomento sa pisikal na anyo isang araw makaraang mag-viral ang tweet ng aktres na si Janella Salvador kontra body-shaming.

Sa tweet ni Janella nitong Sabado ng gabi, December 26, sinabi niyang “Filipinos are the worst body shamers.”

Continue reading below ↓

Ito ay matapos na pansinin ng ilang Instagram followers ni Janella ang pagdadagdag niya ng timbang sa latest video na kanyang in-upload sa parehong social media platform ng araw ring iyon.

Janella and Markus

Continue reading below ↓

Kuha ang video sa England, kung saan isinilang ni Janella ang kanyang anak sa boyfriend niyang si Markus Paterson, 22, noong October.

At press time, mayroon nang mahigit 66,000 likes at halos 6,000 retweets ang post na ito ni Janella.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Jennylyn Mercado on people commenting negatively about other people's physical looks during reunions: “It's not okay. First of all it’s rude, second it may trigger some people na may Ed. Maling mali."
PHOTO/S: @mercadojenny on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results