Bea Alonzo, Dominic Roque spotted in Baguio

by Rachelle Siazon
Dec 28, 2020
Dominic Roque is seen watching Bea Alonzo while she sings "Waiting In Vain" at a popular restobar in Baguio. The two were also seen with a group of friends touring around the city.
PHOTO/S: @beadom.fanpage / @beadom_shippers Instagram

Bago nag-Pasko ay namataan sa Baguio ang rumored couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Hindi man nag-post sina Bea at Dominic ng litrato nilang magkasama, tila hindi rin naman nila itinago nang husto ang pamamasyal nila roon.

Hindi nakaligtas sa avid followers nila ang isang video kunsaan naki-jam si Bea sa isang restobar na isa sa mga kilalang hangout place sa Baguio.

Ganadong kumanta si Bea ng "Waiting In Vain" habang tumutugtog ang isang live band.

Sa di kalayuan, makikita si Dominic na lumapit para kunan si Bea ng litrato o video bago bumalik sa kanyang puwesto.

Continue reading below ↓

Namataan din sila sa isa pang café sa upper Session Road ng Baguio.

Kakatwang hindi rin nakaligtas sa eagle-eyed netizens pati ang red nail polish ni Bea na makikita sa ibang Instagram Stories ni Dominic habang nasa Baguio.

May kuha kasi si Dominic ng isang kamay na nagsasalin ng drink sa isang baso.

Continue reading below ↓

Tugma iyon sa red nail polish ni Bea na makikita sa vlogs ng aktres noong December 12 at 19.

Continue reading below ↓

BEA AND DOMINIC SEEN WITH COMPANIONS IN BAGUIO

Between December 11 to 13 naman ang petsa nang i-post ng fans ang updates tungkol sa pamamasyal nina Bea at Dominic sa Baguio.

Kasama rin nina Bea at Dominic ang ilang mga kaibigan at kaanak.

Narito ang kanilang group photo na kuha nang sila ay maglaro ng bowling sa Baguio Country Club:

Continue reading below ↓

DATE AT A JAPANESE RESTO?

Noon namang December 16, napansin ng fans na tila magkasama uli sina Bea at Dominic na kumain sa isang Japanese restaurant sa BGC, Taguig City.

Base ito sa magkatugmang post nila ng litrato ng chopsticks sa kani-kanilang Instagram Story.

Continue reading below ↓

May Instagram Story rin si Dominic na may kausap siyang babae na katabi lamang ng binata.

Pero tanging kamay lang ng babaeng may red nail polish at sumenyas ng peace sign ang makikita sa maiksing video clip. Pinaniniwalaan ng fans na si Bea ulit ang kasama ni Dominic rito.

BEA ALONZO & DOMINIC ROQUE'S RUMORED ROMANCE

Matagal nang espekulasyon kung may espesyal na ugnayan nga ba sina Bea at Dominic, lalo pa't madalas silang magkasama kahit kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Continue reading below ↓

Makailang-beses na ring nagpahiwatig si Dominic ng pagtatangi niya kay Bea, base sa mga ipinu-post ni Dominic na litrato nila ni Bea.

Sabi ni Dominic noong July 2, "nabighani" siya kay Bea.

Sa vlog ni Bea noong October 10, umamin si Bea na nasa "dating" stage ang estado ng kanyang love life.

Paglalarawan pa ni Bea sa lagay ng kanyang puso, "Okay naman siya. Nagde-date siya. Open siya maging masaya."

Nitong December 16, inulit ulit ni Bea na nakikipag-date siya.

Hindi pa rin niya tahasang pinangalanan kung sino ang nagpapasaya sa kanyang puso, pero si Dominic ang madalas nakikitang kasama ng dalaga.

Si Bea, 33, ay kilalang premyadong aktres ng ABS-CBN.

Si Dominic, 30, ay isa ring Kapamilya actor na napanood sa mga telesereng Pamilya Ko (2019) at La Luna Sangre (2018). Pamangkin si Dominic ng aktres na si Beth Tamayo, na nakabase na sa U.S. ngayon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dominic Roque is seen watching Bea Alonzo while she sings "Waiting In Vain" at a popular restobar in Baguio. The two were also seen with a group of friends touring around the city.
PHOTO/S: @beadom.fanpage / @beadom_shippers Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results