Glaiza de Castro narrates how fiancé David Rainey proposed to her

by Arniel C. Serato
Dec 28, 2020
Glaiza de Castro David Rainey wedding
Glaiza de Castro still on cloud nine after engagement to Irish boyfriend David Rainey.
PHOTO/S: Courtesy: @glaizaredux on Instagram

Mababanaag pa rin ang kilig sa boses ni Glaiza de Castro, 32, habang nagkukuwento tungkol sa kanyang engagement sa fiancé na si David Rainey, 31.

Nitong Bisperas ng Pasko, December 24, nag-propose ang Irish boyfriend niyang si David habang nasa Ireland sila para sa kanilang holiday vacation.

Sa 24 Oras ng GMA-7 ngayong gabi, December 28, ikinuwento ni Glaiza kung paano nag-propose sa kanya si David.

Breakfast time daw nangyari ang lahat.

Lahad ng Kapuso actress, “Until finally, after naming kumain ng konti, 'tapos lumipat kami ng area kung saan mas sheltered, medyo hindi ganun kalamig.

“Nagpatugtog siya, ito yung song na kung saan, kung paano kami nagkakilala.

“Ito yung song na tinanong ko sa Siargao kung sinong nagpapatugtog.

“And then, finally sinabi niya na, ‘Can I ask you something?’ ganyan.

“'Tapos ayun, nag-hit sa akin na, ‘Oh, my gosh, ito na yun!’

“'Tapos, naiyak na ako. 'Tapos lumuhod na siya, ayun, tinanong na niya ako.”

Continue reading below ↓

Alam na raw ng mga magulang ni Glaiza na magpu-propose si David dahil nagpaalam ito ilang araw bago ang actual proposal.

Lahad ni Glaiza, “Before pa ako pumunta dito, humingi na siya ng blessing. Tumawag siya sa nanay at tatay ko.

“Sinet niya yung date, 'tapos nagbihis siya sa video call. Tinanong kung alam ba ng parents niya, sabi niya, ‘Hindi.’

“So, sinurprise niya yung parents niya, and then sinabi niya na pumunta dun sa restaurant.”

WHEN IS THE WEDDING?

Kailan naman nila planong magpakasal?

Tugon ni Glaiza, “Definitely hindi pa sa 2021, baka after na po.

“We’re still taking our time, hindi naman kami masyadong nagmamadali, especially may mga work pa, ganyan, na ano, nag-aantay.

“Actually pag-uwi ko ng Manila, sa Philippines, ilang araw [lang], may gagawin na po akong bagong project.”

Pero ang sigurado ay dito raw sila ikakasal sa Pilipinas.

Sabi ni Glaiza, “Sa Philippines. Pero, I would say na very simple lang kasi simple lang naman kami pareho.

Continue reading below ↓

“Definitely, it would not be a grand wedding, so basta andun lahat ng importanteng tao, friends, and family.”

ENGAGEMENT IN IRELAND

Sa Instagram noong December 24, inanunsiyo ni Glaiza na nag-propose na ng kasal sa kanya si David.

Mensahe niya sa post, “Who would’ve thought I’d say yes in freezing cold weather.

"...it just felt right. (sparkling wine, Christmas tree, ring emojis)”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro still on cloud nine after engagement to Irish boyfriend David Rainey.
PHOTO/S: Courtesy: @glaizaredux on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results