Ex-PBB housemate Patrick Sugui engaged to Aeriel Garcia

by Rachelle Siazon
Dec 29, 2020
Nag-propose si Patrick Sugui sa girlfriend na si Aeriel Garcia noong December 28, 2020. Sobrang kinilig naman ang mga kaibigan nilang sina Kathryn Bernardo at Gabbi Garcia.
PHOTO/S: @patsugui Instagram

Inanunsiyo ni Patrick Sugui na engaged na sila ng girlfriend niyang si Aeriel Garcia.

Si Patrick ay dating Pinog Big Brother: Teen Clash of 2010 housemate.

Napanood siya sa mga Kapamilya teleserye tulad ng 24/7, FPJ's Ang Probinsyano, at Princess and I. Mayroon din siyang supporting roles sa mga pelikulang I'm Ellenya L. at Last Night.

Nag-propose si Patrick kay Aerial noong Lunes ng gabi, December 28.

Ngayong Martes, December 29, ipinakita ni Patrick ang litrato nila ni Aerial na may suot nang engagement ring.

Caption ni Patrick, "I'll love you forever, that's all I'll do."

Continue reading below ↓

Ipinost naman ni Aerial ang video ng romantic proposal ni Patrick.

Pinuno ni Patrick ng flower petals at candles ang sahig ng kinaroroonan nilang bahay.

May short speech muna si Patrick, na nagsabing noong una pa lang niyang pinasok ang relasyon nila ni Aerial ay intensiyon na niyang ito ang babaeng makakasama niya habambuhay.

Dugtong ng binata, "And today I wanna fulfill that promise. I love you. I want to spend the rest of my life with you. Will you marry me?"

Naiiyak sa tuwang sagot naman ni Aerial, "Yes, Babe."

Dagdag na caption ni Ariel sa kanyang post:

"I'm so glad you found me in time

"You brought a lot of sunshine into my life

"You filled me with happiness

"You gave me more joy than I could ever dream of

"And no one, no one can take your place."


Continue reading below ↓

Noon lamang November 6 ay nagdiwang ang couple ng kanilang second anniversary.

CELEBRITY REACTIONS

Sa comments section, dumagsa ang congratulatory messages mula sa mga kaibigan nila sa showbiz.

Una na rito ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo, na nagsabing handa na siya at iba nilang kaibigang babae na maging "flower girls" sa kasal ng newly engaged couple.

Continue reading below ↓

Kabarkada ng magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn sina Patrick at Aeriel.

Dagdag na mensahe pa ni Kathryn, "LOVE YOU GUYS!!"

Continue reading below ↓

Naiyak naman ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia na malapit din sa couple.

Ilan pa sa mga artistang kinilig sa proposal ni Patrick kay Aerial ay sina Heaven Peralejo, Kate Valdez, at Jane Oineza.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nag-iwan din ng congratulatory messages sina Jairus Aquino, Barbie Imperial, at Donnalyn Bartolome.

Continue reading below ↓

Kinilig din si Jane de Leon na tinawag si Aerial na "bunso ko."

Continue reading below ↓

HOT STORIES


Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-propose si Patrick Sugui sa girlfriend na si Aeriel Garcia noong December 28, 2020. Sobrang kinilig naman ang mga kaibigan nilang sina Kathryn Bernardo at Gabbi Garcia.
PHOTO/S: @patsugui Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results