QC solon Alfred Vargas denies involvement in corruption-tainted DPWH projects

by Jet Hitosis
Dec 29, 2020
President Rodrigo Duterte (left) names actor and Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas (right) as one of the nine former and incumbent lawmakers who were probed by the Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) over the alleged corruption activities in the government’s public works projects.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office, @alfredvargasofficial on Instagram

Mariing pinabulaanan ng aktor na si Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas na sangkot siya sa nangyayari umanong kurapsiyon sa infrastructure projects ng gobyerno.

Iginiit ito ng 39-year-old actor-politician sa isang official statement ngayong Martes, December 29.

Si Alfred ay miyembro ng PDP-Laban, ang political party ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ni Alfred ang paglilinaw matapos mapabilang ang kanyang pangalan sa siyam na former at incumbent congressmen na ayon kay Pangulong Duterte ay sangkot sa maaanomalyang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Pinangalanan ng Pangulo ang mga mambabatas na iniuugnay sa katiwalian sa DPWH, sa kanyang televised address nitong Lunes ng gabi, December 28.

Binanggit din ni Duterte ang pangalan ng ilang district engineers ng DPWH na sangkot umano sa anomalya at hiniling ang pagsibak sa puwesto sa mga ito.

Ang listahan ng mga pangalang isinapubliko ng Pangulo ay ibinatay sa reports na isinumite ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa Office of the President.

Continue reading below ↓

DUTERTE HAS “NO HARD EVIDENCE”

Bago basahin ang mga pangalan, niliwanag ni Duterte na wala pang matibay na ebidensiya laban sa mga nasa listahan ng PACC, kaya itinuturing na inosente pa rin ang mga ito.

Sabi ni Duterte: “The public should be aware that there is no hard evidence, that’s one; that it cannot be translated by just reading the names that they are already guilty because presumption of innocence would lie all throughout until conviction or acquittal.”

May mensahe rin ang Presidente sa mga nasa PACC list.

“I just want to assure everybody that yung pagbasa sa pangalan ninyo is not a condemnation or indictment that you are guilty of something,” aniya.

Kabilang sa mga pinangalanan ni Duterte si Congressman Alfred.

ALFRED “CERTAIN THAT I WILL BE CLEARED”

Sa pahayag ni Alfred, isinisi niya sa kanyang mga kalaban sa pulitika ang pagkakabilang niya sa PACC list.

“Mukha pong napadalhan ang PACC ng maling impormasyon ng mga nakakalaban natin sa Pulitika,” anang actor-politician.

Continue reading below ↓

Hindi raw niya papayagang sirain lang ng mga ito ang kanyang “name and reputation with wild accusations bereft of the truth.”

Ayon kay Alfred, si Pangulong Duterte na mismo ang nagsabing walang hawak na matibay na ebidensiya ang PACC laban sa mga personalidad na nasa listahan.

Dahil dito, kumpiyansa ang kongresista na agaran niyang malilinis ang kanyang pangalan sa isyung ito.

“The President himself stated ‘there is no solid evidence’ and “mentioning of names is not an indictment.’

“I am certain that I will be cleared.”

Handa rin daw si Alfred na sumailalim sa imbestigasyon upang patunayang inosente siya.

Continue reading below ↓

OTHER LAWMAKERS DISPUTE ALLEGATIONS

Bukod kay Alfred, pinangalanan din ni Pangulong Duterte sa PACC list sina Occidental Mindoro Representative Josephine Sato (Liberal Party), Northern Samar 1st District Representative Paul Daza (LP), Bataan 1st District Representative Geraldine Roman (PDP-Laban), at dating Ifugao Representative Teddy Baguilat Jr. (LP).

Gaya ni Alfred, itinanggi na rin nina Sato, Daza, Roman, at Baguilat ang akusasyon laban sa kanila.

Pansamantalang hindi inilathala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pangalan ng apat pang incumbent congressmen na nasa PACC list hanggang hindi pa sila naglalabas ng pahayag tungkol sa isyu.

Ngayong Martes, nagpahayag din ng kahandaan ang Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang mga elected officials na nasa listahan ng PACC.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang Task Force Against Corruption (TFAC) ang mangangasiwa sa pagsisiyasat.

“If it is complete by itself, the PACC may file it directly with the OMB (Office of the Ombudsman),” ani Guevarra.

Continue reading below ↓

“Otherwise, the President may refer it to the DOJ-led Task Force Against Corruption for validation, further investigation, or case build-up,” dagdag pa ng DOJ Secretary.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
President Rodrigo Duterte (left) names actor and Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas (right) as one of the nine former and incumbent lawmakers who were probed by the Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) over the alleged corruption activities in the government’s public works projects.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office, @alfredvargasofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results