Nadine Lustre admits fear of becoming “laos”

by Arniel C. Serato
Dec 30, 2020
Nadine Lustre podcast
Nadine Lustre: "During the pandemic, I had a lot of time to think about what it is that I really want, and then a lot of things happened. I would have conversations with myself and I would always tell myself to just, you know, ‘Take your time, there’s no rush, you know, the world’s not gonna end tomorrow.’"
PHOTO/S: Courtesy: @carelessph on Instagram

Inamin ni Nadine Lustre na pumasok sa kanyang isipan na baka malaos siya sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Wala raw kasing masyadong projects na in-offer sa kanya dahil sa pandemya.

Ibinahagi ito sa kanyang Wildest Dreams Video Podcast, na ipinost ni Angie Mead King sa kanyang vlog sa YouTube.

Ang nasabing podcast sa Kumu app ay produced ng Careless Music na pag-aari ni James Reid, na napabalitang nakabalikan ni Nadine.

Ayon kay Angie, huling bahagi ng Nobyembre kinunan ang nasabing episode pero in-upload niya ito sa kanyang channel nito lamang Disyembre 23.

Sa nasabing episode, sinabi ni Nadine na maraming mga bagay-bagay ang kanyang naisip nitong nagkaroon ng pandemya.

Tanong sa kanya ng host na si Debbie Then: ano para sa kanya ang salitang "change"?

Saad ni Nadine, "So, we were all locked in, right? And then I just came from, like, a months of, like, stress, and pressure, and all that. I wasn’t getting this much projects.

Continue reading below ↓

“So, I had not much work. So, I was really struggling.

“I was thinking to myself na parang, ‘Shit, wala akong work,' so I might, you know, eventually might be a has been or, you know, that kind of thing."

Naisip din daw ng 27 anyos na aktres kung ano ba talaga ang gusto niya sa buhay.

Sabi ni Nadine, “During the pandemic, I had a lot of time to think about what it is that I really want, and then a lot of things happened.

“I would have conversations with myself and I would always tell myself to just, you know, ‘Take your time, there’s no rush, you know, the world’s not gonna end tomorrow.’

“So many things, but one of the things that I believed in is just be me, and not look for validation from other people. To just do whatever it is that I want to do.

Continue reading below ↓

"If I don’t have projects, then that’s fine, I’ll do something else.

"It’s not that my life is dependent on that.”

“PARANG I WAS JUST LOST”

Marami raw talagang naidulot na iba't ibang resulta sa mga tao ang pandemic.

Saad ni Nadine, “For me, I believe it gave us time to look inside, e.

“Kasi the last five years, I’ve been, like, grinding lang, like, every day working non-stop, always busy, no pause.

“So, there’s really no time to think what it is that you want and who you really are. And I lost sight of that.

“Because, you know, I was busy, and doing a lot of roles, and I have people in my ear telling me, ‘What I should be, what I should wear.’”

Minsan daw ay naapektuhan din siya ng mga sinasabi ng bashers.

Aniya, “Aside from that, there are people online, you know, telling me na ‘Dapat hindi ganyan, dapat ganito.’

Continue reading below ↓

“You know, putting me in a mold that they made for me.

“But, it affected me so much that I lost myself.

“I didn’t know who I was, I didn’t know what I want. I didn’t know, parang, I was just lost.”

Sa ngayon daw ay natuto na si Nadine sa mga pinagdaanan niya sa buhay.

“And then, I realized that I should be kinder to myself, ‘coz before, you know this, I’m a person... I was perfectionist, I’ll beat myself up when I don’t do something perfectly or parang to me, like, 110 percent.

“If I fail, feels like, 'I’m ano, like, parang a failure.'"

NADINE LEAVES VIVA ARTISTS AGENCY

Maliban sa pandemya, isa pang malaking dahilan kung bakit nawalan ng offers si Nadine ngayong taon ay ang pagkalas niya sa Viva Artists Agency (VAA).

January 2020 ay inanunsiyo ng abugado ni Nadine na tine-terminate na ng aktres ang kanyang kontrata sa VAA, na nangalaga sa kanyang career mula pa noong 2009.

Continue reading below ↓

Nito namang December 2020 ay sinampahan siya ng kaso ng VAA dahil sa pagbabawalang-bahala sa kanyang kontrata na sa 2029 pa matatapos.

Huing napanoood si Nadine sa talent competition show ng ABS-CBN na Your Moment, na umere mua November 9, 2019 hanggang February 2, 2020.

Noong 2019 ay nakagawa siya ng dalawang pelikula, ang Ulan at Indak, na parehong iprinodyus ng Viva Films.

Dapat ay kasama rin siya sa MMFF 2019 entry na Miracle In Cell No. 7, pero nag-backout siya at pinalitan ni Bela Padilla.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre: "During the pandemic, I had a lot of time to think about what it is that I really want, and then a lot of things happened. I would have conversations with myself and I would always tell myself to just, you know, ‘Take your time, there’s no rush, you know, the world’s not gonna end tomorrow.’"
PHOTO/S: Courtesy: @carelessph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results