Sunshine Cruz reprimands basher who called boyfriend Macky Mathay “kalbo”

by Arniel C. Serato
Jan 1, 2021
Sunshine Cruz Macky Mathay New Year picture
Sunshine Cruz to basher of boyfriend Macky Mathay: "Opo kalbo sya pero palagay ko mas edukado at gwapo sya sayo. Happy New Year! 2021 na. Magbago ka na!”
PHOTO/S: Courtesy: Sunshine Cruz Facebook page

Kahit Bagong Taon, hindi pinalampas ng ilang netizens ang mang-bash ng mga celebrity.

Kagabi, December 31, 2020, nagbahagi ng mga larawan si Sunshine Cruz sa pagsalubong ng pamilya niya sa taong 2021.

Kasama sa mga larawang in-upload niya sa kanyang official Facebook page ang nobyong si Macky Mathay III.

Sabi ng aktres sa caption ng kanyang post: “Happy New Year guys! I share my photos pampa good vibes.

“If you find my posts offensive you can unfollow or just ignore it. 2021 na po.

“Let’s try to be better people. Artista po ako pero hindi po ibig sabihin may karapatan ang iba na bastusin ako o kami dahil wala naman po akong ginagawang masama sa kapwa ko.”

Continue reading below ↓

Ngayong araw, January 1, 2021, isang netizen ang nagkomento sa larawan nina Sunshine at Macky kasama ang isa pang kamag-anak.

Mukhang hindi updated ang nasabing netizen sa kaganapan ng buhay ng 43-year-old actress.

Sabi ng basher, “Kaya pala nag hiwalay kau ni Cesar montano dahil pala nyan ni kalbo dako man gud guro na bunal”

“[Kaya pala nag hiwalay kau ni Cesar montano dahil pala nyan ni kalbo malaki siguro ang sand*ta niyan]”

basher call sunshine cruz boyfriend kalbo

Continue reading below ↓

Sinagot ito ni Sunshine.

Buwelta ng aktres, “I share my photos hindi para bastusin mo lang.

“3 taon na kaming hiwalay ni Cesar ng makilala ko si Macky.

“Opo kalbo sya pero palagay ko mas edukado at gwapo sya sayo.

“Happy New Year! 2021 na. Magbago ka na!”

sunshine cruz responds to the basher

“KUNG SINO PA MINSAN ANG HINDI KAGWAPUHAN…”

Isa namang netizen ang nagtanggol kay Sunshine.

Continue reading below ↓

Sinamahan nito ang kanyang komento ng larawan ng basher.

Saad ng netizen, “Sunshine Cruz Huwag mong intidihin ang pangit na yan sunshine, pangit na nga wala pang pinag aralan at masama pa ang ugali.

“Tingnan mo hitsura niya mukhang tukmol.”

netizen backs up sunshine cruz

Tawang-tawa naman si Sunshine sa sinabi sa kanya ng netizen.

Continue reading below ↓

Mensahe niya, “Michael Santo Angelo haha! Happy New Year!

“Kung sino pa minsan ang hindi kagwapuhan sya pang may lakas ng loob mangutya ng kapwa tao.”

sunshine cruz replies to the basher

Taong 2013 nang magkalabuan sina Sunshine at Cesar dahil sa pagkakaugnay ng aktor sa starlet na si Krista Miller

Taong 2016 naman nakilala ni Sunshine si Macky, half-brother ng aktres na si Ara Mina.

Continue reading below ↓

Kalaunan ay sinagot ito ng aktres. Apat na taon na ang kanilang relasyon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz to basher of boyfriend Macky Mathay: "Opo kalbo sya pero palagay ko mas edukado at gwapo sya sayo. Happy New Year! 2021 na. Magbago ka na!”
PHOTO/S: Courtesy: Sunshine Cruz Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results