BB Gandanghari regrets hurtful words to Robin Padilla: “Kung pwede ko lang burahin”

by Bernie V. Franco
Jan 5, 2021
BB Gandanghari versus Robin Padilla
After throwing harsh and hurtful words to her brother Robin Padilla (right) last year, BB Gandanghari, in her recent video, apologize to Robin and says she regrets saying those words.
PHOTO/S: YouTube (BB. Gandanghari) / @robinhoodpadilla on Instagram

“Pinagsisisihan ko lahat yun.”

Bahagi ito ng pahayag ni BB Gandanghari, 53, sa kanyang New Year vlog kaugnay ng mga nasabi niya laban sa kapatid na si Robin Padilla, 51.

Noong nakaraang taon ay pinagtuunan ni BB ang kanyang YouTube channel.

Dito ay naglabas siya ng kanyang personal na damdamin.

Inilabas din niya rito ang sama ng loob sa kanyang pamilya, kabilang si Robin, at iba pang kaanak.

Nagmistulang outlet ni BB ang kanyang YouTube vlog sa mga hinanakit niya sa mga taong taga-showbiz at pagsagot sa mga isyu.

Naglabas ng galit o kaya hinanakit si BB kina Ai-Ai delas Alas, Vice Ganda, pamangkin na si Daniel Padilla, sister-in-law na si Mariel Rodriguez, at sa entertainment columnists at talent managers na sina Lolit Solis, Cristy Fermin, at Ogie Diaz.

BB TO ROBIN

Bago raw magtapos ang 2020, sumailalim si BB sa 40-day fasting at nagkaroon siya ng panahong magmuni-muni at makapag-isip.

Continue reading below ↓

Nagsilbi raw itong “time of silence, time of self-examination, and listening to oneself.”

Napagtanto raw niyang “ang dami kong toxins, ang dami kong negativity na na-imbibe.”

Napag-isip-isip daw niyang marami siyang nasagasaang tao dahil sa mga sinabi niya sa kanyang videos.

“And I don’t know how to reach out and really say sorry,” ani BB sa kanyang video na in-upload nitong Bagong Taon, January 1, 2021.

Nakita raw niya ang kanyang pagkakamali bagamat naging honest lang siya.

Naging emosyonal at naiyak si BB habang nagsasalita.

Saad niya, “I wanna apologize, I wanna have that chance na to express better why I reacted that way, or bakit lumabas yung mga words na hindi dapat, because it’s hurtful.

“And then I realized na sometimes honesty is not enough.

“Sometimes no matter how honest the words are, it is better to keep it to yourself.”

Kay Robin daw niya unang gustong mag-sorry.

Aniya tungkol sa kapatid, “Alam ko may mga nasabi ako na pwedeng hanggang ngayon pwedeng nakasakit sa pamilya niya.

Continue reading below ↓

“Alam ko nakasakit sa pamilya niya, nakasakit sa kanya, nakasakit sa asawa niya.

“Pinagsisisihan ko lahat ‘yon. I shouldn’t have said anything.

“Kung pwede ko lang burahin… kasi I think it’s really unfair.”

May mga nasabing hindi magaganda si BB tungkol kay Robin kagaya ng iba raw ang ipinapakita nito sa harap ng camera.

Tinawag din ni BB na “talking doll” si Mariel, asawa ni Robin.

HOT STORIES

BB gandanghari APOLOGIZES TO LOLIT AND CRISTY

Humingi rin ng tawad si BB kina Lolit at Cristy.

Noong 2020 ay isinalaysay ni BB sa kanyang vlogs ang romantic encounter tungkol kina “David at Jonathan.”

Bandang huli, ibinunyag din ni BB na si David ay ang kanyang dating katauhan na si Rustom Padilla, at si Jonathan ay isang tanyag na aktor sa Pilipinas.

Pinag-usapan nang husto ang rebelasyong ito ni BB, at magkahalo ang reaksiyon ng mga tao.

Nag-post si Lolit sa social media at sinabing hindi na dapat pinangalanan o ibinunyag ni BB ang nakaraan niyang ito, lalo pa’t nadamay ang isang taong nananahimik.

Continue reading below ↓

Ganito rin ang opinyon nina Cristy, Ogie, at Ai-Ai.

Subalit rumesbak si BB at pinuntirya ang pagkatao at reputasyon nina Lolit, Cristy, Ogie, at Ai-Ai.

Pero sa kanyang New Year vlog, ang hiningan lamang ng sorry ni BB ay sina Lolit at Cristy.

BB Gandanghari vlog

“May mga panahon din na naging mainit yung palitan kay Tita Lolit at saka kay Cristy Fermin,” lahad ni BB.

Continue reading below ↓

“Gusto ko lang silang banggitin ngayon kasi, I must admit, I was really quick to react at that time.

“I was very defensive of what I was hearing or reading. I never really… hindi talaga ako nagbasa kung ano ang nangyayari.

“React lang ako nang react. Maybe at that time, naghahanap ako ng tamang kausap para bigyan ako ng better perspective of what’s going on, pero wala, e.

“So I was just really taking it, and then dahil sa pagkukulang ng isang tao, hindi ko nakita yung dapat kong makita in the most level-headed way.”

Hindi ipinaliwanag ni BB kung sino ang tinutukoy niyang taong may pagkukulang sa kanya.

Humingi ulit ng tawad si BB kay Lolit.

Binanggit din ni BB na ang dalawang taong nirerespeto raw niya—ang aktres na si Lorna Tolentino at ang yumao nitong asawang si Rudy Fernandez—na mataas ang tingin kay Lolit.

“So, sana, Tita Lolit, kung naririnig mo ako…hindi ako umaasa ng patawad, pero sana pag dumating ang panahon na magkikita pa tayo nang personal, mabigyan mo ako ng pagkakataon makalapit sa iyo at makahingi sa ‘yo nang personal na patawad sa mga maling pananalita na lumabas sa bibig ko.

Continue reading below ↓

“The same goes with Tita Cristy. Nakalimutan ko yung trabaho nila. I should have respected that.”

Wala nang sumunod pang taong binanggit si BB na gusto niyang hingan ng tawad, bagamat sa isang punto ng vlog ay nabanggit niyang nakipag-ugnayan na siya at humingi ng sorry sa ilang mga tao.

Nagpaalala rin si BB sa kanyang supporters na maging aral ang nangyari sa kanya, na nakapagbitiw ng masasakit na salita na hindi na niya mabawi matapos sabihin.

Nabanggit din ni BB na ngayong 2021 ay pagtutuunan niya ng pansin ang kanyang pagiging aktor.

Si BB ay aspiring actor sa Hollywood.

Guest ni BB sa video ang aktres na si Princess Punzalan via virtual conversation.

Nasabi ni Princess na hawak na ngayon ni BB ang kanyang oras at nag-resign na ito sa kanyang day job sa U.S.

Si BB ay nagtatrabaho sa isang accounting firm.

Bukod sa YouTube vlog ay pagtutuunan din daw ng pansin ni BB ang kanyang itinayong online store.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After throwing harsh and hurtful words to her brother Robin Padilla (right) last year, BB Gandanghari, in her recent video, apologize to Robin and says she regrets saying those words.
PHOTO/S: YouTube (BB. Gandanghari) / @robinhoodpadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results