Gigo de Guzman recounts New Year’s Eve party with Christine Dacera that ended in a nightmare 

by Arniel C. Serato
Jan 6, 2021
Gregorio Angelo Rafael “Gigo” de Guzman (left) maintains his innocence on the death of flight attendant Christine Dacera (right): "Kaya po ako nagpapa-interview, hindi ko po tinatakpan ang mukha ko because wala ako kasala-sala. Alam ko ang nangyari, at least sa pananaw ko, yung nakita ko."
PHOTO/S: Instagram

Inilahad ni Gregorio Angelo Rafael “Gigo” de Guzman, 34, ang kanyang mga naaalala sa New Year’s Eve party na dinaluhan niya sa Makati City noong December 31, 2020 hanggang January 1, 2021.

Si Gigo ay isa sa mga iniuugnay ng pulisya sa pagkamatay ng 23-year-old flight attendant na si Christine "Tin" Dacera.

Si Gigo de Guzman ay anak ng beteranang mang-aawit na si Claire dela Fuente.

Sa pamamagitan ng cellphone, eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gigo nitong Martes ng gabi, January 5.

Dito ay binalikan niya ang party na dinaluhan para sa pagsalubong ng Bagong Taon na nagdulot ng malabangungot na sitwasyon ngayon para sa kanilang lahat na nakasama ni Christine.

Ayon kay Gigo, inimbitahan siya ng mga matalik niyang kaibigang sina Rommel Galido (Rom) at John Paul Reyes Halili (JP) na dumalo sa inorganisa nilang party.

Sina Rommel at John Paul ang may kakilala kay Christine.

Continue reading below ↓

Ginanap ang party sa Room 2209 ng City Garden Hotel sa Makati City. Ang nag-book daw ng kuwarto ay si Christine mismo.

Dumating daw si Gigo sa City Garden Hotel ng bandang 9 p.m.

Pot luck daw ang usapan nila kaya kanya-kanyang dala sila ng pagkain.

Noong gabi lang daw na iyon nakilala ni Gigo si Christine, at nagkuwento raw ang dalaga sa kanya kung paano nabuo ang grupo nila.

Hindi raw kasi sila nakakauwi sa kani-kanilang mga pamilya tuwing may selebrasyon, katulad ng Bagong Taon, kaya kada taon ay nagsasagaw sila ng pagtitipon.

Ang pamilya ni Christine ay nakabase sa General Santos City.

THE PARTY AND THE LAST FEW MOMENTS GIGO SAW CHRISTINE

Nasa Room 2209 ng hotel sina Gigo, Christine, Rommel, at John Paul.

Kuwento pa ni Gigo, “Pagdating po ng lahat, nag-umpisa kami sa isang ‘cheers.’”

Maya-maya raw ay lumipat sila sa Room 2207, ang isa pang kuwartong nirentahan ng grupo.

Continue reading below ↓

Puro gays daw ang nasa Room 2207.

Dito na raw sila naglaro ng "Hep, Hep, Hooray" kung saan si Christine ang nanalo.

Matapos nito ay bumalik daw sila sa Room 2209.

Nang nakabalik na sila sa kuwarto, sabi raw ni Christine, “Oh my God, five hundred lang pala, akala ko P1,500.”

Tila ang tinutukoy ni Christine ay ang premyo ng nanalo sa party game. Nagtawanan daw ang kanilang grupo.

Iyon daw ang huling kuwentuhan na natatandaan ni Gigo kasama si Christine.

Binanggit din ni Gigo ang ilan pang bonding moments ng grupo sa Room 2209.

Gumawa raw sila ng TikTok video gamit ang telepono ni Christine. Mga sampung beses daw nila inulit ang pag-record ng nasabing video.

Ang TikTok ay isang social media app kunsaan maaaring mag-post ng short video clips.

Nag-Bigo live din daw si Christine kung saan nagpapa-cute lang daw ang dalaga.

Ang Bigo ay isang live streaming app kunsaan maaaring mag-post ng live video na makikita ng followers nito

Continue reading below ↓

ON SPECULATED PARTY DRUGS

Tuloy pa rin daw yung party sa hotel room hanggang madaling-araw.

Ayon kay Gigo, ang iniinom lang nila ay iba’t ibang klase ng whiskey at tequila.

Sa initial interviews sa awtoridad na nakatutok sa kaso, nabanggit na ang nakausap nila ay isang kaibigan ni Christine na kasama sa party.

May nabanggit daw si Christine na may tao sa party na naglagay umano ng kung ano sa iniinom ng dalaga.

Sa panayam ng PEP.ph, tinanong si Gigo sa espekulasyong may party drug sa dinaluhan niyang party.

Sagot ni Gigo, “Wala po akong nakitang nagti-take.

“Hindi ko rin alam saan galing yun. Very allergic po ako sa drugs.”

Lasing na raw si Gigo bandang ala una o alas dos ng madaling-araw. Kaya bandang alas tres o alas kuwatro ng umaga ay natulog na raw siya.

CHRISTINE FOUND IN HOTEL CR

Alas dose ng tanghali raw nang magising si Gigo sa Room 2209.

Continue reading below ↓

Nalaman daw niya ang masamang nangyari kay Christine nang matagpuan ng isa pa nilang kasama ang dalaga sa comfort room (CR).

Ang taong pumasok sa CR ay si Rommel o Rom, ang common friend nina Gigo at Christine.

Naroon din sa hotel room ang kaibigan nilang si John Paul at isa pang tao na hindi na maalala ni Gigo ang pangalan.

Patuloy pa ni Gigo, “Nagising po ako mga 12 [noon] siguro. Kasi tumatawag yung nanay ko.

“Nung nag-reply ako sa message ng nanay ko, nakita ko si Rom, pumasok ng CR.

“A minute later, ayun na po.”

Humingi raw ng tulong si Rommel sa grupo nang mapansing wari'y hindi na magising si Christine.

Dito na raw pumasok si Gigo at iba pang kasama sa CR, at nakita nilang nakahiga si Christine sa bathtub.

Chineck daw kaagad ni Gigo kung humihinga pa si Christine, pero wala na raw lumalabas na hangin sa ilong ng dalaga.

Continue reading below ↓

Wala na rin daw itong heartbeat.

Binuhat daw nila si Christine mula sa bathtub at inihiga ang dalaga sa sahig.

Dito na raw nila sinubukang gawaran ng CPR (cardiopulmonary resuscitation) si Christine.

Pilit din daw nila itong ginigising.

Sabi daw ni Gigo, “Tin, Tin, please wake up. Wake up, please.”

Matapos ang ilang minuto, tumawag na raw sila sa reception ng hotel.

Kaso, wala raw dial tone ang landline sa hotel room nila.

Lumipat daw si Gigo sa kabilang kuwarto ngunit wala rin daw itong dial tone.

Pero sa kakapindot daw niya, nagkaroon ito bigla ng dial tone kaya nakausap niya sa wakas ang receptionist ng hotel.

RESCUE EFFORTS FOR CHRISTINE

Matapos daw ang ilang minuto, dumating na raw ang hotel manager at head of security sa Room 2209.

Humingi raw sila ng tulong para ma-revive si Christine. Pero ang sabi raw ng hotel staff member, mas mabuting dalhin na lang sa ospital ang dalaga.

Continue reading below ↓

Tumalima ang hotel security person para kumuha ng magagamit nilang pambitbit kay Christine.

Sa halip na stretcher ay wheelchair daw ang dinala sa hotel room para bitbitin si Christine.

Nahirapan daw silang isakay ang katawan ni Christine sa wheelchair.

Noong una raw subukang isakay si Christine sa wheelchair, nadudulas daw ang dalaga at akmang mahuhulog.

Lumulusot daw ang legs ni Christine sa loob ng wheelchair, at minsan daw ay napapaluhod din ito.

Hindi lang daw maalala ni Gigo ang eksaktong bilang kung ilang beses nahulog sa wheelchair ang katawan ni Christine.

Si Rommel daw ang sumama kay Christine sa ospital.

Ayon pa rin kay Gigo, siya at ang kaibigang si John Paul ang nag-settle ng hotel bills. Nag-fill up din daw sila sa lobby ng guest voluntary statement.

Ilang oras daw silang nasa lobby ng hotel.

Pagbalik daw ni Rommel sa hotel galing sa ospital, may pulis na raw na nagtatanong sa kanila. Nag-cooperate daw sila sa awtoridad.

Continue reading below ↓

Chineck daw ng pulisya ang kuwarto kunsaan natagpuan si Christine.

Siniguro raw nina Gigo, Rommel, at John Paul sa awtoridad na willing silang magbigay ng opisyal na pahayag.

Sinabi rin daw ni Gigo sa pulis na kung maaari ay kasama ang abugado niya dahil ito raw ang alam niyang tamang procedure.

Pinayagan naman daw si Gigo.

Pero pagdating daw nila sa Makati Police Station, si Rommel lamang daw ang hiningan ng statement ng pulis.

Mga apat na oras daw silang nanatili sa police station.

Dahil sa matagal nilang pananatili sa istasyon, lumapit na raw ang lawyer ni Gigo sa isang opisyal sa istasyon upang itanong kung maaari na silang umalis.

Pinayagan naman daw sila.

Sa puntong ito, iginiit ni Gigo na walang katotohanan ang espekulasyong nagtatago siya sa awtoridad.

Diin niya: “Pinauwi po kami. Hindi po ako tumakbo gaya ng sinasabi nila. Pinauwi po kami nang maayos.

“Ngayon, nalaman ko na lang po na na-detain na yung kaibigan ko, na wala pa ngang autopsy, wala pang kaso.

Continue reading below ↓

“Naawa po ako sa mga kaibigan ko na part ng LGBT community, pwede po kasi silang pagtripan dun.

“Natakot din po ako sa buhay nila doon.”

GIGO de guzman DENIES ALLEGED RAPE

Ikinagulat daw ni Gigo ang lumabas sa balitang pinagbibintangan ang grupong kasama ni Christine sa hotel room na nanggahasa diumano sa dalaga.

Sa parte niya, nanindigan si Gigo na ginawa niya ang abot ng kanyang makakaya para makipag-cooperate sa awtoridad.

Hindi rin daw lubos maisip ni Gigo kung paano nangyaring may sekswal na umabuso kay Christine.

Sa puntong ito binanggit ni Gigo na gay ang sexual orientation ng lahat ng mga kasama ni Christine sa party.

Giit niya, “Siyempre po, sinong mangri-rape sa kanya, e, lahat kami bakla?”

Nasaksihan din daw niyang maayos ang pakikitungo kay Christine ng mga kaibigan nitong nasa party.

"Siyempre po, kasi nung gabi na yun, ako lang ata yung bago dun sa grupo.

Continue reading below ↓

"Nakita ko yung pagmamahalan nila. Nag-TikTok, nag-Bigo, naggi-games, nagkakatuwaan, nagtutuksuhan.

"Nakita ko, mahal na mahal nila si Tin."

Maging ang mga ito raw ay nagulat nang matagpuang wala nang buhay ang dalaga.

"Kaya si JP at si Rom, nung nakita namin sa kuwarto, na-shock, na-trauma. Nakita ko po yun sa mukha nila.

"Nawalan po sila ng kaibigan.

"Ang sakit nga nung nawala na nga ang kaibigan, 'tapos kayo pa ang inakusahang pumatay?"

May mensahe ba siya sa mga nanghusga kaagad sa kanila?

Pahayag ni Gigo: "Basta ako, in my opinion, sa aking experience, never pa po ako nakikipagtalik sa babae.

"Kasi hindi po ako tinatayuan kapag nakikita ko ang sa babae, kahit nakahubad.

"Karamihan sa aking mga best friends, na ngayon ay tumatawag sa akin, ay mga babae.

"Willing po sila mag-testify para sa akin."

Hindi raw niya magagawa ang maling paratang na ibinabato sa kanya.

Diin ni Gigo: "Deep in my heart, di ko po kaya gawin yun kay Tin, di ko po kayang makipagtalik sa babae."

Continue reading below ↓

GIGO RECALLS ROMMEL CALLING CHRISTINE'S MOM

Inilahad din ni Gigo sa PEP.ph kung paano ipinaalam ni John Paul o JP sa ina ni Christine ang nangyari sa dalaga.

Dito na napaiyak si Gigo.

Naramdaman daw kasi niya ang hinagpis ng ina ni Christine na si Sharon Dacera nang malaman nitong wala na ang anak.

Kuwento niya: "Doon bumitaw ang puso ko, doon ako napaiyak. Nung tinawagan ni JP yung nanay ni Tin.

"Kasi narinig ko yung boses niya, hindi niya alam ang nangyayari, ang susunod niyang marinig.

"Nung sinabi ni JP na wala na si Tin, narinig ko po yung hagulhol niya.

"Naramdaman ko po yung pain niya. Ang sakit."

Lubos din daw siyang nagdadalamhati sa biglaang pagpanaw ng dalaga.

Sa sandaling nakilala ni Gigo si Christine sa party ay nakagaanan daw niya ito ng loob.

Malungkot na sabi pa ni Gigo, "Kaya honestly po, nakikiramay ako sa nanay ni Tin. Sana po hindi siya nawalan ng buhay.

Continue reading below ↓

"Kaya nakita ko nung araw na nag-follow siya sa akin sa Instagram, hindi ko siya na-follow, paano pa kami magsi-share ng photos?

"Nagustuhan ko pa naman siya bilang kabigan. Ang sakit nun."

GIGO APPEALS FOR JUSTICE AND TRUTH TO COME OUT

Umaasa si Gigo na sa huli ay lumabas ang katotohanan.

Malinis daw ang kanilang konsensiya.

Sabi ni Gigo: "Ang inasahan ko po, lumabas ang totoo, lumabas po ang katotohanan, kasi alam ko po ang katotohanan.

"Kaya po ako nagpapa-interview, hindi ko po tinatakpan ang mukha ko, because wala ako kasala-sala.

"Alam ko ang nangyari, at least sa pananaw ko, yung nakita ko."

Patunay raw ng pag-aalala at pagdamay nila kay Christine ay ang boluntaryo nilang pagtulong para bigyan ito ng saklolo.

"Nandun kami, minahal namin si Tin. Hindi namin siya iniwan," diin ni Gigo.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng lahat ng nadawit sa insidenteng ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gregorio Angelo Rafael “Gigo” de Guzman (left) maintains his innocence on the death of flight attendant Christine Dacera (right): "Kaya po ako nagpapa-interview, hindi ko po tinatakpan ang mukha ko because wala ako kasala-sala. Alam ko ang nangyari, at least sa pananaw ko, yung nakita ko."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results