Bong Revilla denies involvement in GMA-7's non-renewal of Janine Gutierrez's contract

by Rose Garcia
Jan 7, 2021
Is Bong Revilla one of the reasons GMA-7 did not renew Janine Gutierrez's contract? The action star responds, "Wala akong kinalaman doon."
PHOTO/S: @bongrevillajrph @janinegutierrez on Instagram

May nabubuong ispekulasyon na isang social-media post ni Janine Gutierrez ang isa raw sa dahilan kung bakit hindi na ni-renew ng GMA-7 ang kontrata ng aktres.

Kaugnay daw ito sa pagpost ni Janine ng "Oh God..." tungkol sa TV comeback ni Senator Bong Revilla sa Kapuso network noong December 2019.

A year later, ibinalita sa PEP.ph ang pag-alis ni Janine sa GMA-7, at ang pagpirma nito ng kontrata sa ABS-CBN,

Base sa nasabing ispekulasyon, lumalabas na mas pinaboran ng Kapuso network ang action star kaysa kay Janine?

Sa naging lunch interview kay Senator Bong kasama ang maybahay nito na si Bacoor Mayor Lani Mercado, isa ito sa naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa senator.

“Walang masamang tinapay sa akin. In short, wala sa akin iyon. Kahit ano pa ang nangyari in the past, wala iyon, wala akong kinalaman doon,” saad niya.

Sabi pa niya, “Kung ako, sasabihin na gagawa kami ng movie together, I’m very much willing to accept her as my leading lady. Pero kung hindi man, okay lang din.”

Continue reading below ↓

Nakarating daw kay Senator Bong ang ispekulasyong ito.

“Meron akong narinig na ganun, pero sabi ko nga, 'Bakit ako na naman?' Unfair naman sa akin iyon. Huwag naman.”

Wala raw siyang alam o ideya sa anumang negosasyon ni Janine sa Kapuso network.

“Actually, hindi ko alam kung ano man iyong basehan."

Wala siyang sama ng loob kay Janine?

“Wala, wala, lalo na ako, I’m a very forgiving person,” lahad niya.

“Pinatawad ko na iyong mga tao na, hindi rin naman kasi nila alam ang puno’t-dulo niyan. Kung anuman ang naririnig nila, iyon lang ang nakakarating sa kanila, but eventually, hindi man sila maliwanagan ngayon, maliliwanagan din sila, and I understand them.”

Pero mayroon ding paalala si Senator Bong sa mga nakababatang kasamahan sa industriya.

"Basta ako, sa ating magkakapatid sa industriya, kahit ano pang sabihin, siyempre, sa show business, mas senior ako sa kanila, sa mga batang artista. Dapat matuto rin sila sa mga nakakatanda sa kanila, sa senior sa kanila, huwag nilang lapastanganin ang mga nakatatanda sa kanila.

Continue reading below ↓

“Hindi lang sa akin, hindi lang bilang artista, bilang respeto sa may edad sa iyo, matuto ka rin rumespeto.”

May lumabas na nga dati na tila pagsasamahin sila sa isang proyekto ni Janine.

“Walang problema sa akin iyon. Trabaho iyan and always remember, I’m here. I’m here for the movie industry.

“Nangyari sa ABS-CBN di ba, kumbaga ako, maski ganun, I still support the renewal of the franchise of ABS-CBN.

"Siyempre, iniisip ko rin iyong trabaho ng mga kapatid natin sa industriya, lalo na sa entertainment industry."

Ang showbiz raw ang nagbigay-daan para mapasok niya ang mundo ng pulitika, at gayundin ang nangyari sa amang si Ramon Revilla Sr., na naging action star muna bago naging senador.

Sa pagpapatuloy ni Bong, “Aside sa pagtulong sa mga tao, I’m here for the industry at ang first love ko ay showbiz kung saan iyan ang pinagkaka-utangan ko ng utang na loob. Hindi ko naman mararating ang kinalalagyan ko, tatay ko, kung hindi dahil sa showbiz.”

Continue reading below ↓

senator bong revilla on social-media criticism

Wala rin daw problema si Senator Bong sa ilang kaanak ni Janine sa showbiz na bumatikos sa kanya. Nagkakausap daw sila nina Christopher de Leon, na lolo ni Janine sa mother side; Eddie Gutierrez, lolo ni Janine sa father side; maging ang matriarch ng Gutierrez family na si Annabelle Rama.

Nakakausap rin ni Bong ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon.

“Actually, wala namang problema sa akin iyon. Sila iyong nag-comment sa akin, ako ang nasaktan, pero naiintindihan ko na baka iba lang ang naging dating sa kanila.”

Hindi lang naman si Janine ang kasamahan ng senator sa industriya na masasabing naglalabas ng hindi magandang komento sa kanya sa social media. May mga ibang artista rin.

“Siguro, as I’ve said, sana bago sila mag-comment, hindi lang iyong basta makapag-comment. Pag-aralan nilang mabuti kung ano ang pagko-commentan nila kasi, doon sila minsan nagkakamali. Dapat maging lesson iyan."

Continue reading below ↓

Hindi ba sumasama ang loob niya kapag nakakabasa ng mga negatibong komento o pambabash kapag mula mismo sa mga kasamahan niya sa industriya?

“Masyado naman akong plastic kung sasabihin kong di ako nasasaktan,” pag-amin niya.

“Tao rin ako, may puso ako, may anak ako, may apo ako, may pangalan akong pinapangalagaan. I just hope na bago sila magbitaw ng salita, tingnan nila kung sino iyong taong kinulong, binatikos, winasak iyong pangalan.

“And again, dapat alamin nila ang lahat. Hindi lang iyong kung ano ang naririnig nila o nababasa nila.”

Ano naman ang reaksiyon ng mga anak niya kapag ang natatanggap niyang hindi magagandang komento ay mula sa mga kasamahan niya mismo sa industriya?

“Nasasaktan sila, siyempre,” mabilis nitong sagot.

“Malalim na ang pinagdaanan namin sa aspetong iyan. Kaya lang ilang beses kong inuulit iyon. Wala akong pananagutan. Nagdesisyon na po ang korte diyan. Wala po akong ninakaw, wala tayong pananagutan.

Continue reading below ↓

“In fact, kung titingnan natin, ako ang kinulong na walang kasalanan. Pero sabi nga, kasama sa laban sa pulitika iyan.”

At may natutunan raw siyang aral sa pangyayari.

“Sabi nga, ano ba ang lesson? Ano ba ang natutunan mo? Huwag kang magdeklara na tatakbo kang Presidente or else, ikukulong ka.”

Dugtong pa niya, “Kaya nga sa panahon ngayon, panahon pa ng pandemya, we don’t even know kung hanggang kailan ang buhay natin.

“Puwede tayong ngayon, buhay, bukas makalawa o sa isang linggo, wala na tayo, di ba? Basta ang importante, just do good to your people, to your countrymen, di ba? Sa nasasakupan mo.”

Ang weekly serye na Agimat ng Agila sa GMA-7 ang magsisilbing comeback project sa telebisyon ni Senator Bong ngayong unang quarter ng 2021. Makakatambal niya rito sina Sheryl Cruz at Sanya Lopez.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Bong Revilla one of the reasons GMA-7 did not renew Janine Gutierrez's contract? The action star responds, "Wala akong kinalaman doon."
PHOTO/S: @bongrevillajrph @janinegutierrez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results