Ejay Falcon resumes gift-giving tradition in Oriental Mindoro hometown

by Rose Garcia
Jan 8, 2021
Ejay Falcon and girlfriend Jana Roxas distribute gifts to the former's kababayan in Pola, Oriental Mindoro.
PHOTO/S: courtesy of Ejay Falcon

Itinuloy pa rin ni Ejay Falcon ang kanyang naging tradisyon tuwing sasapit ang Bagong Taon.

Sa kabila ng pandemya, umuwi ng Pola, Oriental Mindoro ang Kapamilya actor kasama ang kanyang girlfriend na si Jana Roxas para salubungin ang 2021 sa piling ng kanyang pamilya.

At sa unang dalawang araw ng bagong taon, January 1 at 2, ay nagkaroon si Ejay ng gift-giving sa mga senior citizens at mga bata sa kanilang lugar.

Nanghihinayang lang si Ejay dahil hindi naging posible ang taunang pa-liga niya ng basketball.

“Sampung taon ko na rin ginagawa ito, nakakalungkot lang kasi, hindi talaga in-allow ang basketball league.

"Para naman sana iyon sa mga middle age. Inaabangan nila palagi iyon, 10 team po iyon every December, no entrance fee, complete uniform na pinapagawa ko, parang bonding na rin ng lahat.

"Kaya lang, dahil sa situation natin ngayon, hindi pa talaga puwede,” pahayag ni Ejay nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng private messaging sa Facebook.

Umaasa naman ang aktor na kapag posible na, magagawa pa rin niya ang magpa-liga sa taong ito.

Maaring ang entertainment industry ay isa sa labis na naapektuhan ng pandemya, pero hindi ito naging hadlang kay Ejay na makatulong pa rin sa kanyang mga kababayan.

“Salamat sa Diyos, sa blessings po,” saad niya.

“This time, nakadalawang barangay ako—Barangay Bacawan at Barangay Buhay na Tubig. I hope this coming year at sa mga susunod pa ay mas marami pa po ang mapuntahan namin.

“Mahirap gumalaw kasi maraming bawal, pero kahit papaano, nagawa pa rin kasabay ng pandemic at bagyo. Basang-basa kami sa ulan pero masaya naman,” lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikalawang beses pa lang daw na makauwi ni Ejay sa Mindoro sa loob ng sampung buwan. Ang huli ay noong August.

Sa kanyang ginagawang pagtulong sa kanilang lugar, hindi kaya isipin ng iba na ito ay paghahanda niya para sa pagpasok sa pulitika pagdating ng panahon?

“Simula nang paglabas ko ng PBB (Pinoy Big Brother), ginagawa ko na po ito,” mabilis na sagot ni Ejay.

“Paano ko naman naisip no’n na murang edad ko na gumawa ng ganito? Masarap na makita ang mga taong mas nangangailangan na tumatawa at masaya lalo na para salubungin ang bagong taon.”

Si Ejay ang grand winner sa second edition ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Sa isang banda, nagpapasalamat daw siya na sa kabila ng pandemya at nangyari sa ABS-CBN, tuloy-tuloy pa rin ang mga proyekto niya.

Ayon kay Ejay, “Iyong Paano ang Pangako sa TV, book 2 po kami ng Paano ang Pasko? May MMK (Maalaala Mo Kaya) ako with Arci Muñoz ngayong January na ipapalabas sa Kapamilya channel at A2Z. Ginagawa ko rin yung historical film na Balangiga 1901.”

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ejay Falcon and girlfriend Jana Roxas distribute gifts to the former's kababayan in Pola, Oriental Mindoro.
PHOTO/S: courtesy of Ejay Falcon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results