Xian Lim: “About 4 people ransacked my home… all the TVs and computer are gone.”

Jan 8, 2021
Xian Lim, house burglary
In an Instagram post on January 8, actor Xian Lim reveals his recent "nightmare" when four intruders broke into his home: “I saw that a couple windows were shattered, metal grills hammered and filled down. I looked around and saw that all the tvs and computer are gone. They also left two planks with nails sticking out.”
PHOTO/S: @xianlimm on Instagram

Nilooban ang bahay ng pamilya ni Xian Lim sa Antipolo City, Rizal.

Ibinunyag ito ng 31-year-old Kapamilya actor sa isang Instagram post ngayong Biyernes ng gabi, January 8.

Ipinost ni Xian ang mga litratong kuha sa crime scene.

Kabilang sa mga ito ang sinirang doorlock, ang nalimas na cabinet, at ang ilang bagay na pinaniniwalaan ng aktor na ginamit ng mga suspek para makapasok sa bahay.

Hindi tinukoy ni Xian kung kailan nangyari ang panloloob.

Pero mahihinuhang ilang araw na ang nakalipas bago niya ibinahagi sa kanyang 1.6 million Instagram followers ang tungkol sa tinawag niyang “nightmare.”

RELATED STORY

XIAN’S “NIGHTMARE”

Kuwento ni Xian, kakauwi lang niya ng bahay nang agad niyang mapansin ang mga pinsalang idinulot ng puwersahang pagpasok sa bintana ng kanilang bahay.

“The other day, I came home and witnessed a nightmare.

“I saw that a couple windows were shattered, metal grills hammered and filled down.

“Pag bukas ko ng pintuan, they left a piece of cloth in the front door.”

Continue reading below ↓

Sa litratong ipinost ni Xian, makikitang may itim na tela na nakalatag sa sahig pagkapasok ng pintuan.

xian lim ig post showing a black piece of cloth

Wala raw ideya ang aktor kung ano ang ibig sabihin ng telang iyon, na pinaghihinalaan niyang sadyang iniwan ng mga suspek pagkapasok ng bahay.

Kaagad daw napansin ni Xian kung anu-ano ang tinangay ng mga kawatan.

Continue reading below ↓

“I looked around and saw that all the TVs and computer are gone,” aniya.

xian lim ig post showing an empty rack

Nasa loob din daw ng bahay, ayon kay Xian, ang dalawang dos-por-dos na kahoy, na may mahahaba at kalawanging pako na nangakausli sa dulo nito.

Suspetsa ni Xian, iyon ang ginamit ng mga suspek upang basagin ang mga bintana at sirain ang door locks ng bahay para makapasok ang mga ito sa loob.

Continue reading below ↓

Naisip din ni Xian na maaaring ang mga dos-por-dos na iyon ang binitbit ng mga suspek bilang “weapons.”

xian lim posts thieves weapon

“ABOUT 4 PEOPLE RANSACKED MY HOME”

Ayon kay Xian, apat na tao ang nanloob sa kanilang bahay.

“There was forcible entry and about 4 people ransacked my home,” sabi niya.

Hindi binanggit ni Xian kung magkano ang kabuuang halaga ng mga nakulimbat ng mga suspek.

Continue reading below ↓

Wala ring naikuwento ang aktor kung may tao ba sa loob ng kanilang bahay nang mangyari ang krimen.

Kasama ni Xian na nakatira sa bahay na iyon ang kanyang ina, lolo, at lola.

Para kasi sa aktor, “no need to elaborate on the details.”

Nai-report na raw naman ng kanyang pamilya sa mga awtoridad ang nangyari.

Sa ngayon, ginagawa raw ng pamilya ni Xian ang lahat ng paraan upang matiyak ang seguridad nila sa loob ng bahay pagkatapos ng insidente.

XIAN lim THANKFUL “THAT NO ONE WAS HURT”

Aminado si Xian na sa umpisa ay “there was nothing but fear and hatred running through me.”

Nangamba raw siya para sa kaligtasan niya at ng kanyang mga kasama sa bahay.

“I feared for my life, my mom, lola and lolo," pag-amin ni Xian.

Pero kalaunan, nagpasalamat daw si Xian na pawang materyal na bagay lang ang nawala sa kanila.

Sa parehong post, nagpaabot si Xian ng mensahe sa mga suspek.

Continue reading below ↓

“I hope na kung sino man ang nanghimasok at nagnakaw ng mga kagamitan dito sa amin ay magamit mo ang perang yan para mapakain ng husto ang pamilya.

“Diyos na ang bahala sa inyo,” mensahe ni Xian sa mga nanloob sa kanilang bahay.

Sa comments section, nagpaabot ng pagdamay kay Xian ang mga kapwa niya celebrities.

Continue reading below ↓

“Thank you” ang reply ni Xian sa tatlong praying hands emoji na komento ng longtime girlfriend niyang si Kim Chiu.

Nagpahayag naman ng pasasalamat sina Jake Cuenca, Jodi Sta. Maria, at Kean Cipriano na hindi napahamak ang pamilya ni Xian sa nangyari.

celebrity friends including kim chui comment on xian post

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an Instagram post on January 8, actor Xian Lim reveals his recent "nightmare" when four intruders broke into his home: “I saw that a couple windows were shattered, metal grills hammered and filled down. I looked around and saw that all the tvs and computer are gone. They also left two planks with nails sticking out.”
PHOTO/S: @xianlimm on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results