Julia Barretto admits she's "taken"; netizens ask: is her boyfriend Gerald Anderson? 

by Rachelle Siazon
Jan 10, 2021
Julia Barretto seems to be dropping hints about having a boyfriend who's older than her. Netizens speculate that she's referring to Gerald Anderson, with whom Julia allegedly spent New Year's eve with in Baguio.
PHOTO/S: @juliabarretto / @andersongeraldjr Instagram

Inamin ni Julia Barretto na siya ay "TAKEN" o sa madaling salita ay mayroong karelasyon.

Sa choices na "SINGLE" o "TAKEN," humiwalay si Julia sa mga kasamang single at saka tumapat sa sagot na siya ay taken.

tiktok screengrab julia plays single or taken challenge

Kaugnay ito ng TikTok video kunsaan nagbigay siya ng pahiwatig kung sino ang nagpapatibok ng kanyang puso.

Continue reading below ↓

Kasama ni Julia sa video ang mga kaibigang sina Chie Filomeno, Issa Pressman, Aeriel Garcia, Bianca Pauline, Keiko Nakajima, at Shamee Sugui.

Sa video, may makikitang dalawang choices na magpa-flash sa screen at kung anong sagot mo ay tatapatan mo ito.

Sumunod nilang pinagpilian ay kung "PINOY" o "AFAM." Ang afam ay urban slang para sa salitang foreigner.

Ang isinagot ni Julia ay "AFAM"

tiktok screengrab julia answers pinoy vs afam challenge

Continue reading below ↓

Mayroon din silang pinagpilian kung "OLDER" o "YOUNGER."

Older guy ang isinagot ni Julia.

tiktok screengrab julia barretto answer older vs younger challenge

Marami sa netizens na nakapanood ng video ang nagsabing si Julia na raw mismo ang nagpahiwatig na si Gerald Anderson ang tinutukoy niyang karelasyon.

tiktok comment: netizens speculate on julia new boyfriend

Continue reading below ↓

tiktok comment: netizens speculate if julia's new bf is gerald anderson

Pasok daw kasi si Gerald sa description na "AFAM" dahil Filipino-American ang binata.

"OLDER" din daw si Gerald kay Julia ng walong taon. Si Julia ay 23 years old, habang si Gerald ay may edad na 31.

tiktok comment: netizens investigate if julia is pertaining to gerald anderson

Continue reading below ↓

IS JULIA DROPPING HINTS ABOUT GERALD?

Hindi kaila sa masugid na fans ni Julia na makailang-beses nang may pahiwatig ang dalaga tungkol sa lalaking malapit sa kanyang puso.

Noong January 3, 2021, nag-post si Julia ng litrato na nakasakay siya sa passenger seat ng isang SUV kasama ng isang lalaki.

Sa caption, ang tanging binanggit ni Julia ay ang kandong niyang puppy na ang breed ay St. Bernard.

instagram post: julia barretto with puppy

Continue reading below ↓

Hindi man kita ang mukha niya at ng lalaking nagmamaneho ng sasakyan, hinihinala ng netizens na si Gerald ang kasama ni Julia.

Hindi raw kasi maikakaila na ang balbon na braso ng lalaki ay tulad nang kay Gerald.

Binansagan iyon ng ilang netizens na "jowa reveal" umano ng aktres.

JULIA, GERALD, AND THE NEW PUPPY

Isa pang clue na napansin ng netizens ay may Instagram account ang St. Bernard puppy na pinangalanang Amari.

May handle iyon na @amarithestbernard.

Parehong naka-follow sina Julia at Gerald sa Instagram account ni Amari.

instagram profile: user amarithestbernard follows julia and gerald

Continue reading below ↓

Ngayong Linggo, January 10, makikitang may first picture roon si Julia kasama ng kanyang alagang aso.

instagram: julia posts picture with puppy

Ni-repost iyon ni Julia sa kanyang Instagram Story at nilagyan ng caption na, "Our sweet boy."

JULIA AND GERALD SPOTTED IN BAGUIO?

Isa pang sinasabing clue tungkol sa boyfriend ni Julia ay ang backdrop ng Instagram post niya at ni Gerald noong December 31.

Continue reading below ↓

Tila parehong nasa Baguio ang dalawa, at magkasamang sinalubong ang Bagong Taon.

julia and gerald baguio hiking

Hindi man sila nag-post ng litrato na magkasama, may isang fan na nagpakuha ng solo picture kasama si Julia at solo picture kasama si Gerald sa Baguio.

Base ito sa ulat ng isang gossip blog site.

Continue reading below ↓

Sa litrato ng fan, makikitang nakasuot ng white cap, shirt, at pants si Julia, habang si Gerald ay nakasuot ng black cap at Kobe Bryant sweatshirt.

Tugma ang outfit na iyon nina Gerald at Julia sa kani-kanilang OOTD posts sa Instagram noong December 31.

Kasama ni Julia sa Baguio trip ang ina na si Marjorie Barretto at mga kapatid na sina Claudia, Leon, at Erich.

julia with family

Continue reading below ↓

Sinasabing kasama naman ni Gerald noon ang personal assistant na si Jalal Laidan, na may Instagram Story na kuha sa café sa Baguio kung nasaan si Julia.

instagram story: PA Jalal laidan post a cafe photo

Tikom ang bibig nina Julia at Gerald ukol dito.

Huling beses na sinasabing namataang magkasama sina Gerald at Julia ay nang mag-hiking sila sa Mt. Kulis noong November 2020.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto seems to be dropping hints about having a boyfriend who's older than her. Netizens speculate that she's referring to Gerald Anderson, with whom Julia allegedly spent New Year's eve with in Baguio.
PHOTO/S: @juliabarretto / @andersongeraldjr Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results