Dominic Roque hints at date night with Bea Alonzo 

by Rachelle Siazon
Jan 10, 2021
Dominic Roque and Bea Alonzo draw kilig comments from netizens speculating about their similar photos taken at a Japanese restaurant.
PHOTO/S: @dominicroque / @beaalonzo Instagram

Tila unti-unting nagpapahiwatig sina Dominic Roque, 30, at Bea Alonzo, 33, tungkol sa napapabalitang maganda nilang pagtitinginan.

Noong January 6, 2021, nag-post si Dominic ng ilang litrato na hinihinalang kuha sa date night nila ni Bea Alonzo.

Ang location na nilagay niya ay sa isang Japanese restaurant sa BGC, Taguig City.

Sa mga naunang picture, solo lang si Dominic na nakangiti habang may hawak na chopsticks.

instagram: dominic roque holding chopsticks

Continue reading below ↓

IS DOMINIC WITH BEA?

Pero mas naging kapansin-pansin ang ikasampu at pinakahuling litrato sa Instagram post ni Dominic.

Makikita kasi sa litrato ang kanang paa ni Dominic at kaliwang paa ng kasama niyang babae.

Pareho silang nakasuot ng white sneakers.

instagram: dominic white sneakers with mysterious girl

Sa comments section, nakasaad na naniniwala ang netizens na si Bea raw ang kasama ni Dominic.

Continue reading below ↓

instagram comments: netizens name bea as the mysterious girl

May nagsabi pa na sana ay nag-post na si Dominic ng picture na kita ang mga mukha nila ni Bea dahil tanggap naman daw nila ang pagkakaigihan ng dalawa.

instagram comments: netizens speculate bea alonzo as the mysterious girl

Continue reading below ↓

BEA'S INSTAGRAM POST

Hindi rin nakaligtas sa mapanuring netizens ang picture ni Bea sa kaparehong Japanese restaurant.

Sa Instagram post ni Bea, solo lang din siya habang may hawak na wine glass. Mayroon ding chopsticks sa table ni Bea.

January 5 ang petsa ng Instagram post ni Bea.

Pero magkaiba man ang posting dates ang kani-kanilang photo, hindi raw maikakaila na si Dominic ang kumuha ng litrato ni Bea.

Kilala si Dominic sa pagkuha ng magagandang pictures ng mga taong malapit sa kanya.

instagram comment: netizens decode bea wagyu date

Continue reading below ↓

Hirit pa ng iba, "Kuhang dominic" at "Pitikang dom."

instagram comment: netizens speculate dominic roque as bea's wagyu date

REPORTED BLOSSOMING ROMANCE

Nag-umpisa sa pagiging simpleng magkaibigan ang ugnayan nina Bea at Dominic.

Magkasama pa silang nag-travel sa Japan noong November 2019.

Sa isang TV interview noong November 2019, inilarawan ni Bea si Dominic na "good friend of mine."

Pero pagpasok ng taong 2020, naging kapansin-pansin ang pagkakamabutihan ng dalawa.

Continue reading below ↓

Madalas silang nakikitang magkasama sa family get-together at kahit sa simpleng paggo-grocery.

Sinasabing magkasama rin silang gumawa ng face shields para sa frontliners noong April 2020.

Hanggang sa nagsimulang magpahiwatig si Dominic na nabighani siya kay Bea Alonzo.

Bago mag-Pasko, nakapasyal sila sa Baguio kasama ng ilang mga kaibigan at kaanak.

At sa latest vlog ni Bea Alonzo nitong January 9, 2021, sinabi niyang "jojowain" niya si Dominic sa "Jojowain o Totropahin Challenge" nila ng kanyang ina.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dominic Roque and Bea Alonzo draw kilig comments from netizens speculating about their similar photos taken at a Japanese restaurant.
PHOTO/S: @dominicroque / @beaalonzo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results