Bea Alonzo's mom asked about ex-BF of daughter she most disliked

by Rachelle Siazon
Jan 11, 2021
Inihayag ng ina ni Bea Alonzo na si Mary Anne Ranollo ang "most disappointing moment" niya sa aktres: "Kapag pumapayag ka na niloloko ka. Kapag nagpapaloko ka."
PHOTO/S: Bea Alonzo YouTube

Prangka ang ina ni Bea Alonzo sa paghayag ng disgusto sa isang hindi pinangalanang ex-boyfriend ng Kapamilya actress.

Sumalang si Mary Anne Ranollo sa Q&A sa YouTube vlog ni Bea na may petsang January 9, 2021.

Kuha ang video sa kanilang mango farm sa Zambales.

Tanong ni Bea kay Mary Anne: "Sino ang pinaka-ayaw mong ex-boyfriend ko?"

Ang prangkang sambit ng ina ng aktres, "Oh my god. Tinatanong pa ba 'yan?!

"Ayoko magsalita, pero huwag niyo na itanong. Alam niyo na. Next question, please."

Tawa lang nang tawa si Bea at wala nang ikinomento pa.

Tatlong aktor ang kilalang naging ex-boyfriend ni Bea—sina Gerald Anderson, Zanjoe Marudo, at ang yumaong si Mico Palanca.

Bukas din si Mary Anne sa pagsasabing "most disappointing moment" para sa kanya iyong nakita raw niya ang anak na nagpapaka-martir sa isang karelasyon.

Aniya, "Kapag pumapayag ka na niloloko ka. Kapag nagpapaloko ka."

Halatang ayaw na pag-usapan ni Bea ang hindi pinangalanang ex-boyfriend niya dahil hindi na nito binigyan ng pagkakataon ang ina na ipaliwanag ang sagot nito.

Continue reading below ↓

Napapangiting sabi lang ni Bea, "Next..."

Kaya hirit ni Mary Anne, "Andaya mo! Tinatapos mo agad, e!"

BEA ALONZO MOM WANTS A GUY WHO'S NOT "BABAERO"

Simple lang naman daw ang pangarap ng ina ni Bea—ang makitang masaya ang aktres sa piling ng lalaking tunay na magmamahal dito.

Payo ni Mary Anne, "Sa love, sana matuto ka na at natuto ka na. Sa life, alagaan mo sarili mo.

"Alagaan mo ang puso mo, aanak. Hinay-hinay lang. Huwag todo-todo."

Ano ba ang gusto ni Mary Anne na katangian ng "future husband" ni Bea?

Sagot ni Mary Anne, "Maging mabait lang. Maging totoo. At huwag babaero, please!"

DOES BEA'S MOM APPROVE OF DOMINIC ROQUE?

Mahihinuhang tila maraming hugot si Mary Anne sa ex-boyfriend ni Bea na nanloko umano sa aktres.

Pero kung anu't ano man, nagpahiwatig si Mary Anne tungkol sa positibong disposisyon ngayon ni Bea.

"Pinakamasaya ako kasi masaya ka na," nakangiting sabi ni Mary Anne.

Continue reading below ↓

Bukas sa pagsasabi si Bea na nasa "dating" stage siya ulit ngayon.

Hindi sinasabi ni Bea kung sino ang lalaking nakaka-date niya, pero lahat ng clues na nahahanap ng fans sa social media ay naka-point sa kapwa-artista nitong si Dominic Roque.

Sa dulong bahagi ng vlog ni Bea, nabanggit si Dominic sa "Jojowain o Totropahin Challenge" na nilaro ng mag-ina.

Walang pag-aalinlangang sinabi ni Mary Anne na "jojowain" niya si Dominic kung magkasing-edad sila.

Sabi naman ni Bea, "Jojowain ko rin."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inihayag ng ina ni Bea Alonzo na si Mary Anne Ranollo ang "most disappointing moment" niya sa aktres: "Kapag pumapayag ka na niloloko ka. Kapag nagpapaloko ka."
PHOTO/S: Bea Alonzo YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results