PNP dismisses Jonel Nuezca for killing mother and son neighbors

by Jet Hitosis
Jan 11, 2021
Jonel Nuezca
The Philippine National Police on Monday, January 11, announces the dismissal from service of Police Master Sergeant Jonel Nuezca who killed his neighbors, mother and son Sonya and Frank Anthony Gregorio, during an altercation in Paniqui, Tarlac on December 20, 2020.
PHOTO/S: Paniqui Municipal Police, Screengrab from YouTube

Sinibak na sa serbisyo si dating Police Master Sergeant Jonel Nuezca sa ginawang pagpatay sa mag-inang kapitbahay niya sa Paniqui, Tarlac, noong December 20.

Si Nuezca, 46, ang off-duty cop na bumaril nang malapitan sa ulo ng kapitbahay niyang si Sonya Gregorio, 52, at anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25.

Ito ay matapos nilang magtalo dahil sa pagpapasabog ni Anthony ng improvised na paputok na “boga.”

Sa sumbong ng anak niyang babae, sumugod si Nuezca sa bahay ng mga Gregorio at tinangkang arestuhin si Anthony.

Mahigpit namang niyakap ni Sonya ang anak upang hindi ito maisama ni Nuezca at protektahan na rin ang anak laban sa armadong pulis.

Sa kainitan ng kumprontasyon, at sa hudyat ng anak ni Nuezca—na pinamukhaan ang mag-ina ng “My father is a policeman”—magkasunod na binaril ng pulis sa ulo sina Sonya at Anthony.

Nakuhanan ng video ng apo ni Sonya ang buong insidente at nag-viral ito sa social media.

Continue reading below ↓

Sa kasagsagan ng galit na panawagan ng publiko na papanagutin si Nuezca sa krimen, sumuko ang pulis.

Sinampahan si Nuezca ng kasong kriminal na two counts of murder.

Bukod pa ito sa mga kasong administratibo: dalawang bilang ng grave misconduct at dalawang bilang ng conduct unbecoming of a police officer.

ADMIN CASES RESOLVED

Ngayong Lunes, January 11, naresolba na ang mga administrative charges laban kay Nuezca nang opisyal siyang tinanggal mula sa Philippine National Police (PNP).

Mismong si PNP Chief General Debold Sinas ang nag-anunsiyo nito sa press briefing sa Camp Crame sa Quezon City ngayong araw.

Ang pagsibak kay Nuezca sa serbisyo ay batay sa rekomendasyon ng PNP-Internal Affairs Service (IAS), na nag-imbestiga sa administrative cases ng tinaguriang killer cop.

Sabi ni Sinas: “I would like to announce that the admin case of Police Staff Sergeant Jonel Nuezca is already resolved.

“He was meted with administrative penalty of dismissal from service effective today (January 11, 2021).”

Continue reading below ↓

Sinabi ni Sinas na si National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Brigadier General Vic Danao ang nagpatupad ng dismissal order laban kay Nuezca.

Ito ay dahil si Nuezca ay nakatalaga sa Crime Laboratory Office ng Parañaque City Police, na nasasaklaw ng NCRPO.

“As to the criminal cases, it is ongoing,” sinabi ni Sinas sa mga mamamahayag.

NUEZCA ADMITS TO KILLING THE GREGORIOS

Nauna nang kinumpirma nitong Linggo, January 10, ni IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na inirekomenda niyang tanggalin na sa serbisyo si Nuezca.

Ayon kay Triambulo, sa position paper na isinumite ni Nuezca sa IAS, inamin nitong binaril niya ang mag-inang Sonya at Anthony.

Ito raw ang naging basehan ni Triambulo upang sibakin na sa serbisyo si Nuezca.

NOT GUILTY PLEA ON MURDER CHARGES

Pero kung umamin si Nuezca sa pagpatay sa mag-inang Gregorio para sa mga kinakaharap niyang kasong administratibo, sa korte ay nagpasok siya ng not guilty plea para sa two counts of murder.

Continue reading below ↓

Nitong January 7, not guilty ang inihaing plea ni Nuezca sa Branch 67 ng Regional Trial Court sa Paniqui, Tarlac, na dumidinig sa kanyang criminal charges.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Philippine National Police on Monday, January 11, announces the dismissal from service of Police Master Sergeant Jonel Nuezca who killed his neighbors, mother and son Sonya and Frank Anthony Gregorio, during an altercation in Paniqui, Tarlac on December 20, 2020.
PHOTO/S: Paniqui Municipal Police, Screengrab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results