Respondent in Christine Dacera case says group in Room 2207 allegedly used “powder drugs”

by Arniel C. Serato
Jan 11, 2021
Christine Dacera PNP investigation
Respondent JP dela Serna in Christine Dacera (above photo) case on party drugs allegation: "May ipinakita si MARK ANTHONY ROSALES habang kami ay nag-iinuman na may dinukot siya sa kanyang medyas at ipinakita sa amin ang isang powder drugs na nakabalot sa plastic."
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram

Natukoy na raw ng joint investigating team ng Philippine National Police (PNP) ang mga personalidad na naka-check in sa Room 2207 ng City Garden Grand Hotel sa Makati City.

Respondents Christine Dacera case

Ito ang kuwarto na ilang beses binalik-balikan ng flight attendant na si Christine Dacera noong New Year’s Eve party ng kanyang grupo noong gabi ng December 31, 2020 hanggang umaga ng January 1, 2021.

Continue reading below ↓

Ang pina-reserve namang kuwarto ng grupo nina Dacera ay ang 2209.

Sa ulat ng 24 Oras ng GMA ngayong Lunes ng gabi, January 11, may nakalap na bagong impormasyon ang news reporter na si Emil Sumangil mula sa kanyang mapagkakatiwalaang source sa PNP.

Ayon sa GMA source, noong December 31, 2020, nagpadagdag pa raw ng kuwarto ang grupo ni Dacera at ang Room 2207 ang nakuha nila.

Natukoy si John Paul Halili bilang kaibigan ni Dacera, at siya ring manager ng hotel na pinagdausan ng New Year's Eve party.

Ayon sa salaysay ni Halili, siya mismo ang nag-ayos ng room accommodation ng kanyang mga kaibigan.

Bahagi pa ng salaysay ni Halili, si Dela Serna raw ang nagpakilala sa kanya sa mga taong nasa Room 2207.

John Paul Halili sworn statement Christince Dacera case

Continue reading below ↓

Sinabi rin ng GMA source ang nilalaman ng hiwalay na sinumpaang salaysay ni Dela Serna, isa sa mga kaibigan ni Dacera na mula sa Room 2209.

Ayon kay Dela Serna, mayroong “powder drugs” na ginamit ang grupo sa Room 2207.

Isang nagngangalang "Mark Anthony Rosales" ang binanggit ni Dela Serna ang nag-aya umano sa kanyang gumamit nito.

Pero tumanggi raw si Dela Serna sa inalok umano sa kanyang party drug.

Bahagi ng salaysay ni Dela Serna, “…bandang 1:00 A.M. ng January 1, 2021 ay may ipinakita si MARK ANTHONY ROSALES habang kami ay nag-iinuman na may dinukot siya sa kanyang medyas at ipinakita sa amin ang isang powder drugs na nakabalot sa plastic at inaya po niya akong gumamit nito ngunit hindi ako pumayag.

“At pagkaraan ay nakita kong lango na sina LOUIE at MARK dahil sa ginamit nila na powder drugs na dala ni MARK.”

Si Louie de Lima ay sinasabing kaibigan nina Dela Serna.

Continue reading below ↓

John Paul dela Serna statement Christine Dacera death

Ayon naman kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Brigadier General Vicente Danao Jr., posibleng kasuhan ng obstruction of justice ng pulisya ang pamunuan ng City Garden Grand Hotel kung hindi ibibigay ng hotel ang mga pangalan ng guests sa Room 2207.

Sa ngayon, ang natukoy pa lang ng PNP ay ang mga mukha ng guests sa Room 2207, pero wala pang kumpletong pangalan ang mga ito.

Continue reading below ↓

“WALA PO AKONG NAKITANG NAGTI-TAKE.”

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gigo de Guzman, isa sa respondents ng kaso noong January 5, mariin niyang itinanggi na may gumamit sa kanila ng party drug.

Sa Room 2209 namalagi sina De Guzman at ilang kaibigan.

Ayon sa kanya, ang iniinom lang nila ay iba’t ibang klase ng whiskey at tequila.

Sa initial interviews sa awtoridad na nakatutok sa insidente ng pagkamatay ni Dacera, nabanggit na ang nakausap nila ay isang kaibigan ni Dacera na kasama sa party.

May nabanggit daw si Dacera sa isang kaibigan na may isang tao sa party na naglagay umano ng kung ano sa iniinom ng dalaga.

Para kay De Guzman, mukhang espekulasyon lamang na may party drugs sa dinaluhan niyang party.

Sabi pa niya, “Wala po akong nakitang nagti-take.

“Hindi ko rin alam saan galing yun. Very allergic po ako sa drugs.”

Ang iba pang respondents sa Christine Dacera case ay sina Valentine Rosales, Rommel Galido, Louie de Lima, Clark Jezreel Rapinan, Rey Englis, Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, at Ed Madrid.

Continue reading below ↓

Humarap sa media sina Valentine Rosales, Galido, Rapinan, at Dela Serna noong January 7.

Dito sinabi ni Galido ang tungkol sa nabanggit ni Dacera na may naglagay ng kung ano sa inumin ng dalaga na nagpasama umano sa pakiramdam nito.

Tinanong daw ni Galido si Dacera kung sino, at tinukoy umano ng dalaga ang isang "Mark Anthony Rosales."

Walang nabanggit si Dela Serna sa media tungkol sa impormasyong nakasaad sa kanyang sinumpaang salaysay.

Habang sina Galido at Valentine Rosales ay sinabi on record sa media na wala silang nakitang nag-take ng party drug sa kanilang New Year's Eve party.

Samantala, “may very encouraging evidence” naman daw ang National Bureau of Investigation (NBI) sa hiwalay na imbestigasyong kanilang isinagawa sa kaso ni Dacera.

“May crime” daw talagang naganap based sa initial investigation nila.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Respondent JP dela Serna in Christine Dacera (above photo) case on party drugs allegation: "May ipinakita si MARK ANTHONY ROSALES habang kami ay nag-iinuman na may dinukot siya sa kanyang medyas at ipinakita sa amin ang isang powder drugs na nakabalot sa plastic."
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results