Loisa Andalio reacts to “retokadang-retokada ang fez” comment

by Bernie V. Franco
Jan 11, 2021
Loisa Andalio: “Okay lang i-enhance. Hindi ako ano dun, wala akong problema sa mga nagpapa-enhance. Pero sa nakikita ko, wala naman dapat i-enhance. Wow, lakas!”
PHOTO/S: @iamandalioloisa on Instagram

“Nanggigil ako sa ganito.”

Bahagi ito ng pahayag ni Loisa Andalio, 21, matapos mabasa ang komentong nagparetoke umano siya kaya gumanda.

Sa YouTube video na in-upload noong January 7, 2021, magkasama si Loisa at ang boyfriend na si Ronnie Alonte, 24, sa pagsagot ng mean comments ng kanilang bashers.

Bagamat pabiro, may mga pagkakataong nasambit ng dalawa na may mga komentong hindi nila nagustuhan.

Ito raw ang dahilan kung bakit hindi sila nagbabasa ng mga komento ng bashers.

Sa pagbabasa ng mean comments, “nanggigil” si Loisa nang makabasa ng komentong pumupuna sa kanyang hitsura.

Ganito ang komento: “retokadang-retokada ang fez ni loisa andalio ngayon ah. no offense.”

youtube screengrab: loisa andalio and ronnie alonte

Continue reading below ↓

Itinanggi ito ng Kapamilya actress.

“Wala akong ginawa. Never akong nagparetoke. As in hindi ako nagparetoke talaga.

“Hindi ko rin pinangarap na magparetoke. Kumbaga, ayokong baguhin ang hitsura ko,” sabi ni Loisa.

May kabig ang dalaga na hindi niya tinututulan ang pagpapa-enhance ng hitsura, pero sa kaso raw niya, hindi niya ito kailangan.

“Okay lang i-enhance. Hindi ako ano dun, wala akong problema sa mga nagpapa-enhance.

“Pero sa nakikita ko, wala naman dapat i-enhance. Wow, lakas!” may halong birong hirit niya.

Aminado si Loisa na naisip niyang magparetoke ng katawan noong mas bata-bata pa siya, pero hindi niya ito itinuloy.

“Dati gusto ko magpapayat, lipo [liposuction], di ba? Uso yun dati.

"Dinaan ko sa diet. Doon ko na-realize na, ‘Ay, di ko pala kailangan. Kaya naman pala.'”

Kaugnay nito, nagsalita rin si Loisa tungkol sa mga pumapansin sa kanyang pangangatawan.

Halata raw na ine-edit niya ang kanyang pictures dahil may mga kuha siyang mataba at payat na napu-post sa social media.

Continue reading below ↓

Sabi niya, “Yung mga ganitong comment naman, di ko na pinapansin kasi nakakatawa lang naman yung mga ganyan.

“’Tsaka pag nag-e-edit ng picture, walang basagan ng trip naman, guys.”

Inamin ni Loisa na mas healthy ang kanyang lifestyle ngayon.

May komentong tinawag siyang “bobo, tanga, malandi,” at kung anu-ano pang masasakit na salita.

Banat ni Loisa, “Lahat ng masasamang... masasakit na salita, sinabi mo na sa’kin.

“Inagawan ba kita ng jowa? Ari-arian mo kinuha ko? Grabe naman yung inutil.

“Hindi ako nahe-hurt, pero kayong mga bashers, bawas-bawasan niyo ang ganyan kasi pangdya-judge 'yan.”

Dugtong niya, “Dati sumasagot ako sa mga bashers, pero mas nakaya ko siyang i-handle kasi, parang, thank you kasi parang may time kayo na i-bash kami.

“May time kayo na tingnan yung nangyayari sa buhay namin.

“Kumbaga, pinag-aaksayahan niyo kami ng panahon kahit parang hindi kayo natutuwa.”

BASHERS ATTACK LOINIE RELATIONSHIP

Samantala, halatang hindi nagustuhan ni Ronnie ang mga paratang na ginagamit lang niya si Loisa para magkaroon ng career.

Continue reading below ↓

Akusa kay Ronnie, halata raw na napipilitan lang siya sa pakikipagrelasyon kay Loisa sa ngalan ng showbiz.

Pinaratangan pa ng basher na “tanga” ang fans nina Loisa at Ronnie—kilala rin sa tawag na LoiNie—na naniniwala sa pagmamahalan ng dalawa.

Buwelta ni Ronnie: “Apat na taon na kami may nasasabi ka pa, di ba?!

“God bless, pasensiya.

“Anong napipilitan? Nasaan ang napipilitan? Four years na tayo, Bhe.

"At saka yung mga fans, hindi tanga ‘yan. Hindi namin binayaran para sumuporta sa ‘min.

“Sumuportang kusa ‘yan kaya ‘wag mong tinatanga.”

youtube screengrab: loisa and ronnie answer bashers

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Ronnie kay Loisa, “Tamang sagot lang. Wala akong pinipili sa kung sino man kasi ikaw lang naman ang pinili ko."

Dagdag niya, “Dahil sa career, hello! Putik! Sino ba idol mo?

“Bago kami nagkakilala ni Loisa, hindi ko kinailangan para sa career. Hindi ako user, no!”

Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin daw ang magkasintahan sa kanilang mga basher dahil pinag-aaksayahan sila ng panahon.

Sabi ni Loisa, “Ganun tayo kaimportante sa kanila kasi nakakapag-type pa sila, e.

“Kung tutuusin, makikita mo, mag-i-scroll ka na lang. Hindi mo na papansinin, pero nagbibigay sila ng oras kaya salamat po.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Loisa Andalio: “Okay lang i-enhance. Hindi ako ano dun, wala akong problema sa mga nagpapa-enhance. Pero sa nakikita ko, wala naman dapat i-enhance. Wow, lakas!”
PHOTO/S: @iamandalioloisa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results