Derek Ramsay and Ellen Adarna get cozy at dinner party hosted by the actor; netizens react

by Bernie V. Franco
Jan 12, 2021
Netizens comment after Ruffa Gutierrez posted photos and videos of Ellen Adarna (left) and Derek Ramsay (right) being cozy with each other during a dinner party at the actor's house.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna, @iloveruffag and @ramsayderek07 on Instagram

“Walang malisya.”

Caption ito ni Ruffa Gutierrez sa larawan kung saan makikitang nagtititigan sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Isa lamang ito sa mga larawan at videos na ipinost ni Ruffa sa kanyang Instagram Story.

Sa kanyang komento, tila inaasahan na ni Ruffa na pag-uusapan ang mga post niya tampok sina Derek at Ellen.

Hindi nga siya nagkamali.

Continue reading below ↓

Kuha ang mga larawan nina Derek at Ellen nang mag-bonding silang "magkakapitbahay" sa bahay ng aktor, kasama kasama si John Estrada at ilang non-showbiz friends.

Ipinost ni Ruffa ang tungkol sa kasiyahan ng kanilang "neighborhood" nitong Lunes, January 11, 2021.

RUFFA’S POSTS FEATURE ELLEN AND DEREK

Sa mga sunud-sunod na posts ni Ruffa, tila alam niya ang ingay na lilikhain ng mga ito.

Sa isang video, maririnig na ang usapan nila ay tungkol sa “tsismis” na kinasasangkutan nilang mga artista.

Makikitang tawang-tawa si Ellen habang nakaupo at dinig ang pagsasabi ng isang lalaki na, “Para mabali na ang tsismis ba.”

Kinalabit ni Derek si Ellen at sinabihang “'Yan ang tsismis-maker ng Pilipinas,” pagtukoy sa lalaking nagsalita.

Caption ni Ruffa sa video: “This will be a very interesting evening…”

Derek Ramsay Ellen Adarna

Continue reading below ↓

Sa isa pang video na ipinost ni Ruffa, mapapanood si Ellen na inakbayan si Derek at inilapit ang kanyang mukha sa aktor.

Tila may pinag-uusapan silang nakakatawa, at makikita pa ang pangingiliti ni Ellen sa baba ni Derek.

Maririnig naman si John na sinita sila ng “Sssssst!! Huy!”

Caption ni Ruffa sa video: “LOL”

Kilalang malapit na magkaibigan sina Derek at John, habang sina John at Ellen ay magkatambal sa isang upcoming sitcom ng TV5.

Continue reading below ↓

Ipinost din ni Ruffa ang kulitan video nila ni Ellen.

Bungad ni Ruffa: “Hi, Ellen.”

Ellen: “Hi, Ruffa.”

Ruffa: “Do you love me?”

Ellen: “I love you, but I love… him.”

At saka sila nagtawanan nang malakas.

May common denominator sina Ruffa at Ellen dahil pareho nilang nakarelasyon noon ang aktor John Lloyd Cruz.

Continue reading below ↓

Hindi rin nakaligtas sa mga mapanuring netizens na si Derek ay dating boyfriend ni Angelica Panganiban, na dati namang nakarelasyon ni John Lloyd Cruz.

Kulang na nga lang daw sa grupo ay sina Angelica at John Lloyd.

Ni-repost naman ni Ellen ang video ni Ruffa, at dito ay nabanggit niyang "same street" sila nakatira.

Caption ni Ellen: "This neighborhood is so interesting hahahahhahahahahahahahahaha #samestreet"

RUFFA AND DEREK REACT TO NETIZENS' COMMENTS

Ipinost din ni Ruffa sa kanyang Instagram ang larawan niya kasama sina Derek at Ellen.

Caption ng aktres: “Hanging out with my super fun neighbors”

Continue reading below ↓

Nagbabala ang isang netizen: “ingat po tayo girls”

Tila pinapag-ingat ng netizen sina Ellen at Ruffa sa "matinik" na si Derek.

Sinagot ito ni Ruffa: “we are in good hands.”

Pero hindi nito napigilan ang sunud-sunod na komento ng netizens na nagbabala na mag-ingat kay Derek.

Halatang hindi pa rin tumitigil ang netizens sa bansag kay Derek na "babaero" kasunod ng paghihiwalay nila ni Andrea Torres noong nakaraang taon.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Samantala, ipinost din ni Derek sa Instagram ang larawan nila nina Ruffa at Ellen.

Caption ni Derek dito: “Love thy neighbor! Great fun guys!”

May isang netizen na nagtanggol kay Derek. Halatang may isa pang nagkomento nang hindi maganda tungkol sa aktor.

Pero tila burado na ito.

Pagtatanggol ng supporter ni Derek: “Daming ang bilis magjudge! Di ba pwedeng friendly between neighbors lang!?”

Continue reading below ↓

Sumagot naman si Derek ng clapping hands emojis sa kanyang supporters, senyales ng pagsang-ayon niya.

Sabi naman ni Derek sa kanyang kritiko, i-unfollow na lang siya nito.

May isa pang netizen na inakusahan si Derek na ginagamit lamang si Ellen for publicity.

Sabi ng basher, “desperate for publicity” si Derek at inanyayahan daw nito si Ellen para pag-usapan siya.

Continue reading below ↓

Ganito rin daw ang ginawa ng aktor ay Andrea, pero hindi raw masyadong nag-click ang relasyon nila ng aktres.

Sagot ni Derek: “wow! And that’s why you follow me”

Mukhang ayaw namang tumigil ni Ruffa sa pangungulit.

Nagkomento siya sa ipinost na larawan nila ni Derek.

Ani Ruffa, “Love thy neighbors! Hmmm… parang LOVE THY WOMEN is more bagay [sticking out tongue, laughing face, peace sign emojis]"

Continue reading below ↓

Simpleng “lol” o laugh out loud ang sagot ni Derek.

Sa ngayon, ang pagkakaalam ng marami ay single si Derek matapos ang breakup nila ni Andrea.

Samantala, kinumpirma ni Ellen noong April 2020 na isang Spanish guy ang kanyang karelasyon at long-distance relationship (LDR) sila.

Wala naman ibang update si Ellen kung patuloy pa ba ang LDR nila.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens comment after Ruffa Gutierrez posted photos and videos of Ellen Adarna (left) and Derek Ramsay (right) being cozy with each other during a dinner party at the actor's house.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna, @iloveruffag and @ramsayderek07 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results