Pokwang hits netizen who uses her name to promote dating site: “Manggagantso!!!! Wag ganon!!!!”

by Jet Hitosis
Jan 12, 2021
Pokwang, Lee O'Brian
Comedian-TV host Pokwang slams a netizen and called the person "manggagantso" for using her and partner, American actor Lee O'Brian, to promote a dating website for Filipinas who want to marry foreign guys.
PHOTO/S: @itspokwang27, @leeobrian on Instagram

Hindi pinalampas ni Pokwang ang paggamit sa kanyang pangalan ng isang netizen para i-promote ang isang dating website.

Tinawag ng 50-year-old comedian-TV host na “manggagantso” ang babaeng netizen na nagpapanggap na kaibigan niya para makapag-recruit ng bagong registrants sa isang dating website.

Linggo, January 10, nang ibinahagi ni Pokwang sa Instagram ang screenshot ng post ng babaeng netizen.

May petsang December 19, 2020 ang post ng babae sa Facebook group na “Filipino Women looking for Foreign Husband.”

Base sa profile ng Facebook group, dalawang buwan pa lamang ang nakalipas nang buuin ito, pero mayroon na itong 8,300 members at press time.

Kalakip ng post na iyon sa Facebook group ang litrato ni Pokwang at ng partner nito, ang American actor na si Lee O’Brian, 45.

Sa nabanggit na post, nagpakilala ang babae na “friend” ni Pokwang.

Kuwento ng babae, nagkakilala raw sina Pokwang at Lee sa tinawag nitong “number 1 Filipino dating website ngayon.”

Continue reading below ↓

POKWANG DENIES MEETING PARTNER IN A DATING SITE

Sa huling bahagi ng post, hinikayat ng babae ang Facebook group members na mag-sign up sa website kung saan daan-daang libong “single foreigners” na raw ang nakarehistro.

instagram photo: pokwang denies rumors that she met husband in dating site

Sa caption, itinanggi ni Pokwang na kakilala o kaibigan niya ang babae.

Hindi rin daw totoong nagkakilala sila ni Lee sa isang dating website.

Continue reading below ↓

Paglilinaw ni Pokwang (published as is): “hindi po kami sa dating site nagkakilala ni papang @leeobrian sa movie po kmi nagkakilala ang Edsa woolworth na produced ng TFC at directed by @johndlazatin.”

Kasama si Lee sa cast members ng pelikulang Edsa Woolworth, na pinagbidahan ni Pokwang noong 2014.

“MGA MANGGAGANTSO!!!! WAG GANON!!!!”

Nagpaabot si Pokwang ng mensahe sa babaeng gumagamit sa kanyang pangalan para makapanghikayat ng registrants sa website nito.

Sabi ni Pokwang: “mga mag gagantso!!!! wag ganon!!!!”

Nagpahayag din si Pokwang ng intensiyong isuplong sa National Bureau of Investigation (NBI) ang panlolokong ginagawa ng babaeng netizen.

Mababasa sa caption ni Pokwang: “Attention #NBI sino po pwede kausapin para ipahanap ito? woohooo.”

pokwang calls help to nbi to trace netizen

Continue reading below ↓

Sina Pokwang at Lee ay may anak na babae, si Malia, na isinilang noong January 18, 2018.

May 24-year-old daughter din si Pokwang, si Mae Subong, sa isang dating nakarelasyon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian-TV host Pokwang slams a netizen and called the person "manggagantso" for using her and partner, American actor Lee O'Brian, to promote a dating website for Filipinas who want to marry foreign guys.
PHOTO/S: @itspokwang27, @leeobrian on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results