Vice Ganda reacts to "walang pilian" in COVID-19 vaccine brand: “Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya.”

by Jet Hitosis
4 days ago
Vice Ganda Harry Roque COVID-19 vaccine
Comedian-TV host Vice Ganda (left) reacts to Presidential Spokesperson Harry Roque's (right) remarks that Filipinos cannot choose the COVID-19 vaccine brand that will be used for the government's free immunization program: “Ano 'to, basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!”
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram, Screengrab from PTV4 on YouTube

“Ano ‘to, basta may maisaksak lang?!”

Ganito ang naging reaksiyon ni Vice Ganda sa kontrobersiyal na ngayong pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque tungkol sa libreng bakuna kontra COVID-19.

Malinaw na kontra ang 44-year-old It’s Showtime host sa sinabi ni Roque, 54, na ang mga libreng babakunahan ay hindi raw maaaring pumili ng COVID-19 vaccine brand na ituturok sa kanila.

Sinabi ito ni Roque sa televised press briefing mula sa Malacañang nitong Lunes, January 11.

“Wala pong pilian, wala kasing pilitan,” sagot ni Roque sa tanong ng isang mamamahayag kung may choice ba ang free vaccine beneficiary kung anong brand ang gagamitin sa kanya.

Ang mga benepisyaryo ng libreng bakuna ay ang mga nasa priority list ng gobyerno.

Una sa priority list ang mga medical frontliners, kasunod ang mga senior citizens, mga nabibilang sa pinakamahihirap na pamilya, at mga uniformed personnel gaya ng mga pulis at sundalo.

Pinag-iisipan ding isama sa priority list, ayon kay Roque, ang mga may comorbidities—ang mga may sakit na maaaring ikamatay ang COVID-19—at ang persons with disabilities (PWDs).

Continue reading below ↓

REFUSING THE VACCINE

Sakaling ayaw magpaturok, sinabi ni Roque na kailangang pumirma ng waiver ang benepisyaryo.

Mangangahulugan daw itong tinanggihan ng benepisyaryo ang libreng bakunang inilaan ng gobyerno para rito.

“Magsa-sign ka ng waiver na hindi na nagpaturok,” ani Roque.

“At kapag ikaw ay mayroong prayoridad, siyempre mawawala ang prayoridad mo.

“Sasama ka doon sa the rest of taumbayan na nag-aantay ng bakuna.”

ROQUE: “HINDI PUPUWEDE NA PIHIKAN”

Paliwanag ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi naman talaga makakapili ang benepisyaryo ng tatanggaping bakuna.

Hindi raw kasi “makokontrol” kung ano ang brand na gagamitin sa libreng pagbabakuna.

“Walang pilian kasi hindi naman natin makokontrol talaga kung ano ang darating, at libre po ito,” aniya.

Dagdag ni Roque, bagamat totoong “meron tayong lahat karapatan para sa mabuting kalusugan, pero hindi pupuwede na pihikan dahil napakadaming Pilipino na dapat turukan.”

VICE: “ANO ‘TO BASTA MAY MAISAKSAK LANG?!”

Sa tweet ni Vice ngayong Martes, January 12, pinalagan niya ang sinabing ito ng presidential spokesman.

Continue reading below ↓

Katwiran ni Vice, kung ang sabon nga na gagamitin sa paglalaba ay binubusisi pang mabuti para makapili ng pinakamainam na brand, bakit daw hindi maaaring pumili ang tao ng bakunang ipapasok sa katawan nito?

Tweet ni Vice (published as is): “Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya.

“Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!”

Continue reading below ↓

SENATORS HAVE THE SAME SENTIMENTS

Ang opinyong ito ni Vice ay pareho ng sentimyento ng ilang senador.

Sa isang statement ngayong Martes, sinabi ni Senator Panfilo Lacson: "It's not fair to say that Filipinos cannot choose their vaccines."

Para kay Lacson, mali na ngang kontrolado ng gobyerno ang pagdedesisyon sa COVID-19 vaccine brand na bibilhin, “pati ba naman ang pagpili kung ano ituturok sa braso ng Pilipino, hindi pa rin puwede mamili ang Pilipino?”

Pinalagan din nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senator Grace Poe (National People’s Coalition), Senator Risa Hontiveros (Akbayan), at Senator Leila de Lima (Liberal Party) ang sinabi ni Roque.

Sabi ni Zubiri: “Hindi po tama na sabihin ng ating mga kaibigan sa gobyerno na huwag kayong masyadong pihikan.

“Pera natin 'yan, inutang, babayaran din natin 'yang utang na 'yan. Pera ng taumbayan 'yan,” ani Zubiri.

Para naman kina Senate Minority Leader Franklin Drilon (LP) at Senator Joel Villanueva (CIBAC), lalo lang palalalain ng sinabi ni Roque ang pag-aalinlangan ng maraming Pilipino sa libreng bakuna ng gobyerno.

Continue reading below ↓

Natukoy kasi sa isinagawang survey ng OCTA Research Group kamakailan na isa lang sa kada apat na taga-Metro Manila ang handang magpabakuna kontra COVID-19.

Sa natitirang 75 percent, 47% ang undecided, habang 28% ang ayaw magpabakuna, ayon sa survey.

FIRST VACCINE FOR FREE IMMUNIZATION: SINOVAC

Samantala, sa press briefing ni Roque ngayong Martes, kinumpirma niyang ang COVID-19 vaccine ng China na Sinovac ang gagamitin ng gobyerno sa libreng pagbabakuna, na magsisimula sa susunod na buwan ng February.

Ito lang daw kasi ang nag-iisang brand na maaaring gamitin sa free immunization program ng pamahalaan hanggang sa kalagitnaan ng 2021.

Paliwanag ni Roque, sa February na darating sa Pilipinas ang paunang shipment ng Sinovac vaccine.

Ang iba pang mga brand ng bakuna na binili ng gobyerno ay sa July pa raw maide-deliver sa bansa, ayon kay Roque.

Aware na nagdulot ng kontrobersiya ang pahayag niya nitong Lunes tungkol sa hindi pamimihikan sa bakuna, binigyang-diin ni Roque na walang dudang mabisa ang lahat ng brand ng bakuna basta inaprubahan na ito ng Food and Drug Administration (FDA).

Continue reading below ↓

Sabi ni Roque: “Basta pumasa 'yan sa FDA, lahat iyan proven safe and effective.

“So, hindi na po importante kung ano iyong brand.”

Una nang kinumpirma ng Malacañang noong nakaraang linggo na nauna nang bumili ng sariling COVID-19 vaccines ang maraming local government units (LGUs).

Karamihan sa mga LGUs ay bumili ng bakunang gawa ng British drugmaker na AstraZeneca.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian-TV host Vice Ganda (left) reacts to Presidential Spokesperson Harry Roque's (right) remarks that Filipinos cannot choose the COVID-19 vaccine brand that will be used for the government's free immunization program: “Ano 'to, basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!”
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram, Screengrab from PTV4 on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results