Ai-Ai delas Alas, 56, keeps up hope to have baby with husband Gerald Sibayan

by Bernie V. Franco
4 days ago
Ai-Ai delas Alas, 56, intends to have a baby in 2022: “Nag-aasam-asam pa rin ako na magka-baby ako."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram

Hindi pa rin sumusuko si Ai-Ai delas Alas, 56, sa plano niyang magkaanak sila ng asawang si Gerald Sibayan.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit tuluy-tuloy ang kanyang pagwo-workout.

Sa Instagram, aktibo sa pagpu-post ang Kapuso actress-host para ipakita ang pagiging aktibo niya sa pag-eehersisyo, kasabay si Gerald.

“Nag-aasam-asam pa rin ako na magka-baby ako, kaya pinapalakas ko yung likod ko, ‘tsaka nagkaka-muscle-muscle ako.

“Para, kumbaga, ma-carry ko man yung baby ko kahit papa'no,” sabi ni Ai-Ai sa renewal ng kanyang kontrata bilang endorser ng isang noodle brand nitong Lunes, January 11.

Kailan ang target niyang magka-baby?

“Kung papayagan ako ng doktor, mga 2022, kung papayag pa yung doktor.

“Pero kung hindi na, nganga! May iba pa namang paraan. Bahala na si Lord.”

Continue reading below ↓

Si Ai-Ai ay may tatlong anak—sina Sancho, Sophia, at Nicolo—mula sa kanyang mga dating nakarelasyon.

Si Sancho ay kasalukuyang napapanood sa ABS-CBN primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Samantala, sinabi ni Ai-Ai na masaya ang pagsasama nila ng asawang si Gerald.

“Di ba, selosa ako? So ngayong pandemic, okay ako kasi hindi siya lumalabas, so masaya ako kasi parating nandiyan lang siya.”

Dahil parating nasa bahay ang kanyang mister ay hindi stressed si Ai-Ai at lagi siyang masaya.

Halos 30 taon ang age gap nina Ai-Ai at Gerald.

AI-AI KEEPING THE FAITH

Nausisa rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai kung ano ang sikreto at matagumpay pa rin ang kanyang buhay kahit may pandemya.

Nananatiling aktibo si Ai-Ai sa kanyang showbiz career. Katatapos lamang ng third season ng singing search na The Clash, at may upcoming teleserye siya, ang Owe My Love.

Ngayong pandemya rin ay naitayo ni Ai-Ai ang kanyang bakeshop, ang Martina's Pastries.

Continue reading below ↓

At sa gitna ng pandemya, na-renew pa siya bilang endorser ng Hobe Bihon.

“Minsan kasi may mga bagay talaga tayo na hindi natin maipaliwanag na nangyayari, e,” sabi ni Ai-Ai.

“Ako, naniniwala talaga ako sa power ng prayers, at saka sa power ni Lord.

“Nung nag-pandemic, doon ko talaga lalong napatunayan na maraming bagay na hindi pala talaga natin kailangan.”

Kumapit daw si Ai-Ai sa kanyang pananampalataya.

“Minsan hindi ko alam kung paano ako naka-survive ng nine months na wala akong trabaho, na karamihan sa atin ganun yung nangyari, di ba?

“Pero, di ba, mari-realize mo, ‘Ay, kumakain kami,’ di ba? ‘Ay, meron kaming tubig na iniinom,’ ‘Ay, buhay kami,’ di ba?

“Dun mo lang mari-realize, ‘Oo nga, ‘no, si Lord lang talaga ang masasandalan mo sa mga bagay na di mo inaasahan.’”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas, 56, intends to have a baby in 2022: “Nag-aasam-asam pa rin ako na magka-baby ako."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results