Ruffa Gutierrez says Derek Ramsay, Ellen Adarna are "bagay"

by Rachelle Siazon
Jan 12, 2021
Panay ang post ni Ruffa Gutierrez (right, inset) ng videos nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na kuha sa kanilang intimate dinner party sa bahay ng aktor noong Lunes ng gabi, January 11. Kinumpirma ng tatlo na nakatira sila sa "same street" sa Ayala Alabang.
PHOTO/S: @iloveruffag

Todo ang panunukso ni Ruffa Gutierrez sa mga kapitbahay niyang sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Usap-usapan ang intimate dinner party na dinaluhan nila dahil sa mga litratong sila rin ang nag-post sa social media.

Noong Lunes ng gabi, January 11, ginanap ang party sa bahay ni Derek sa Ayala Alabang.

Ngayong Martes, January 12, muling nagbahagi si Ruffa ng video nina Derek at Ellen na tutok sa kanilang pag-uusap sa harap ng dining table.

Kalakip ng smile emoji with tongue sticking out, nanunuksong caption ni Ruffa kina Ellen at Derek, "What's happening there?"

Naka-tag sina Ellen at Derek sa litrato.

Continue reading below ↓

Sinundan ito ni Ruffa ng isa pang video clip nina Ellen at Derek na nag-uusap pa rin.

Dito sinabi ni Ruffa na "bagay" na couple ang dalawa.

ruffa guiterrez instagram story: derek ramsay and ellen adarna

Pati ang close friend ni Derek na si Gali Gonzaga ay tinukso rin sina Derek at Ellen noong mismong dinner party pa lang.

Continue reading below ↓

Pinusuan na raw ni Gali ang tambalan ng dalawa sa pamamagitan ng paghawak sa balikat nina Derek at Ellen sabay iminuwestra niya sa kanyang kamay ang korteng puso.

"Walang halong biro ito, ha!" hirit ni Gali.

Maririnig na nagtawanan ang grupo, base sa Instagram Story na ibinahagi ni Ellen.

ellen adarna instagram story: video of the party with derek ramsay

Continue reading below ↓

ELLEN POSTS FUN NIGHT AT DEREK'S HOME

Game naman si Ellen sa kulitan ng grupo.

Sa kanyang Instagram Story, ni-repost ni Ellen ang litrato nila ng ama ni Derek.

Walang inilagay na caption si Ellen maliban sa original text ni Ruffa na nagsasabing "close" na raw si Ellen kay "Daddy Derek."

Derek Ramsay Sr. ang pangalan ng ama ni Derek na nasa litrato.

ruffa instagram story: ellen adarna with derek ramsay dad

Continue reading below ↓

Kinumpirma ni Ellen na "#samestreet" daw ang tirahan nila nina Derek at Ruffa.

"This neighborhood is so interesting," saad pa ni Ellen sa video kunsaan makikitang panay ang tawa nila ni Derek.

ellen adarna instagram story: ruffa neighborhood video

Sa iba pang Instagram Stories ni Ellen, ipinost niya ang napasarap na kantahan at sayawan ng kanilang grupo.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Ellen, "I didnt expect this dinner would turn out like this. ang wholesome!!!"

Cool naman ang ama ni Derek na nanonood lang sa grupo.

ellen adarna instagram story: party with derek and ruffa

Sa eksklusibong panayam ng PEP Troika ngayong January 12, kinumpirma ni Derek na siya ang nag-host ng dinner ng grupo sa kanyang bahay sa Ayala Alabang.

Continue reading below ↓

Napagkasunduan daw iyon matapos makita ni Derek sina John at Ellen sa isang working meeting sa isang restaurant noong nakaraang linggo.

Magkatrabaho sina John at Ellen sa upcoming TV5 sitcom na John en Ellen.

Ayon kay Derek, hindi dapat bigyan ng ibang kulay ang kasiyahan nila ni Ellen kasama ng iba pang mga kasama sa party.

Narito ang group picture nina Derek, Ellen, at Ruffa:

Continue reading below ↓

DEREK and ellen's exes

Si Derek Ramsay ay single sa ngayon.

Noong November 2020, kinumpirma nila ng girlfriend niya noong si Andrea Torres na tinuldukan na nila ang ang mahigit isang taon nilang relasyon.

Hindi raw third party ang dahilan ng kanilang breakup.

Ayon kay Derek, hindi lang siguro sila "meant to be" ni Andrea.

Si Derek ay may 17-year-old son sa dati niyang asawa na si Mary Christine Jolly.

Hindi rin nagtagumpay ang halos dalawang taong relasyon ni Ellen kay John Lloyd Cruz.

August 2019 nang iulat ng PEP.ph ang tungkol sa hiwalayan nina Ellen at John Lloyd, at noon lamang April 2020 kinumpirma ito ni Ellen.

"Co-parenting" daw sila pagdating sa kanilang anak na si Elias.

Sa eksklusibong panayam ng Preview.ph nitong January 2021, sinabi ni Ellen na isa sa mga dahilan na maaaring sanhi ng hiwalayan nila ni John Lloyd ay ang kanyang personal issues.

Nalampasan na raw ni Ellen ang kanyang depression noon sa pamamagitan ng total lifestyle change na natunan niya sa kanyang two-week retreat sa Bali, Indonesia noong March 2020.

Continue reading below ↓

THE DEREK-ELLEN-RUFFA CONNECTION

Base sa Instagram Stories nina Ruffa at Ellen, ilang beses nilang nabanggit ang "interesting" bilang paglalarawan sa pagtitipon ng kanilang grupo.

Hindi kaila sa publiko na may mga common denominator ang tatlo pagdating sa kanilang love life.

Sina Ellen at Ruffa ay parehong ex-boyfriend si John Lloyd Cruz.

Ex-girlfriend naman ni Derek si Angelica Panganiban, na ex-girlfriend din ni John Lloyd.

Mahihinuhang hindi naman ito big deal kina Derek, Ellen, at Ruffa.

Halatang nag-enjoy sila sa kanilang pagkikita dahil habang isinusulat ang artikulong ito ay may mga ibinahagi pa silang Instagram Stories na mula sa kanilang party.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Panay ang post ni Ruffa Gutierrez (right, inset) ng videos nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na kuha sa kanilang intimate dinner party sa bahay ng aktor noong Lunes ng gabi, January 11. Kinumpirma ng tatlo na nakatira sila sa "same street" sa Ayala Alabang.
PHOTO/S: @iloveruffag
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results