Ara Mina is now engaged to Dave Almarinez

by Arniel C. Serato
3 days ago
Ara Mina Dave Almarinez engagement
Ara Mina says "yes" to the marriage proposal of her non-showbiz boyfriend Dave Almarinez this afternoon, January 12, in San Pedro, Laguna.
PHOTO/S: Courtesy: @niceprintphoto on Instagram

Engaged na ang actress-entrepreneur na si Ara Mina, 41, sa boyfriend niyang si Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary Dave Almarinez, 46.

Sa Instagram ngayong Martes ng gabi, January 12, ibinahagi ng Nice Print Photo ang ilang larawang kuha mula sa engagement ng dalawa.

Makikita sa background ng lugar ang mga salitang "WILL YOU MARRY ME?"

Nakasaad sa unang post: “And it’s official! (ring) @therealaramina is now engaged!

“Congratulations Dave and Ara! Sooooo happy to be part of this beautiful moment (heart emoji) #SheSaidYes

Sa isa pang post, ibinahagi rin ng photography company to celebrities ang ilang memorable moments sa engagement nina Ara at Dave.

Makikita rito ang pagluhod ni Dave sa harap ng Ang Probinsyano actress sabay alay ng singsing.

Dave Almarinez proposal

Continue reading below ↓

Sa isang larawan, makikitang umiiyak si Ara habang isinusuot ni Dave ang engagement ring sa daliri ng nobya.

Ara Mina Dave Almarinez engagement ring

Nagyakapan naman ang dalawa sa isa pang larawan matapos umoo ni Ara sa marriage proposal ni Dave.

Ara Mina Dave Almarinez hugging

Continue reading below ↓

Nakalagay sa caption, “They’re engaged! Congratulations @therealaramina and Dave Almarinez (four ring emojis) This most beautiful moment, priceless.”

Sa San Pedro, Laguna naganap ang engagement.

Nagsilbi noon bilang board member ng lalawigan ng Laguna si Dave.

BARBIE HAPPY FOR ARA

Kabilang sa bumati kay Ara ay ang kanyang dating co-star sa Araw Gabi na si Barbie Imperial.

Mensahe ni Barbie, “My ate is now engaged! congrats my ate, you deserve it, you deserve all the happiness in the world.

"I am so so happy for you ate! Can’t wait to see you in a beautiful white dress! I love you.”

EXCLUSIVELY DATING STAGE

Noong November 2020 pormal inamin ni Ara na exclusively dating na sila ni Dave.

Dalawang taon na silang magkakilala noong panahong iyon.

Sabi ng aktres sa exclusive interview noon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I think walang masama mag-entertain ako.

“I’m single and he’s single. Let’s see kung saan tutungo ito.

Continue reading below ↓

“I just want to be careful this time.

“Kasi I told myself na yung magiging next relationship ko, gusto ko yun na ang magiging partner in life ko or magiging GOD’S BEST ko.”

Sa panayam naman ng Magandang Buhay kay Ara kaninang umaga lang, January 12, inamin ng aktres na naipakilala na niya si Dave sa kanyang mga kapatid at magulang.

Aniya, "Kasi one time, birthday ba yun ng kapatid ko? Ini-invite ko naman siya.

"Napakilala ko na rin sa mga kapatid ko, sa parents ko."

Ayon pa kay Ara, “chill” lang ang kanilang relasyon.

Dagdag pa niya, “Basta nasa stage kami na nagkakaintindihan naman kami.

"Sa age namin ngayon, parang hindi na yung ligawan blues.

"Basta pag sinabi kong ready na ako, committed na talaga ako."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina says "yes" to the marriage proposal of her non-showbiz boyfriend Dave Almarinez this afternoon, January 12, in San Pedro, Laguna.
PHOTO/S: Courtesy: @niceprintphoto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results