Ali Sotto has cryptic message about "doormat”; fans ask about her sudden absence in DZBB program

by Bernie V. Franco
Jan 13, 2021
Ali Sotto makes a cryptic post about fair treatment: “Huwag na huwag mong tanggapin ang menos sa nararapat para sa iyo. Tandaan: itinuturo mo sa iba kung paano kang tratuhin."
PHOTO/S: Facebook (Super Radyo DZBB

“Where is Ali Sotto?”

Ito ang karaniwang tanong ngayon ng mga tagahanga ng batikang radio broadcaster at host dahil hindi na ito naririnig sa kanyang programa sa Super Radyo DZBB.

Si Ali ay co-host ni Arnold Clavio sa Dobol A sa Dobol B, ang morning news program na napapakinggan tuwing umaga sa radio station ng GMA Network.

Sa kasalukuyan, ang co-host ni Arnold ngayon sa parehong timeslot ay ang DZBB senior correspondent at anchor na si Rowena Salvacion.

Ang titulo ng kanilang programa ay One on One: Walang Personalan.

Pero nagtataka pa rin ang avid listeners nina Arnold at Ali kung bakit biglang nawala si Ali sa dati nitong programa.

Tanong ng kanyang mga tagahanga: babalik pa ba siya?

ALI SOTTO’S CRYPTIC POSTS ON INSTAGRAM

Nitong weekend, may makahulugang post si Ali sa Instagram.

Ang mensahe nito ay tungkol sa hindi pagpayag sa mababang pagtrato ng iba.

Ito ang nilalaman ng quote: “Never accept anything less than you deserve. Remember, you teach people how to treat you.”

Continue reading below ↓

Inulit ni Ali sa kanyang caption ang nilalaman ng ipinost niyang quote.

Binanggit din niyang huwag hayaang tratuhin kang “doormat.”

Caption ng seasoned radio broadcaster: “Huwag na huwag mong tanggapin ang menos sa nararapat para sa iyo.

“Tandaan: itinuturo mo sa iba kung paano kang tratuhin.

“Magpapatuloy kung ano ang iyong papayagang magpatuloy. Huwag kasing maging doormat.”

ali sotto cyptic post in instagram

Continue reading below ↓

Sa comments section, nagsunud-sunod ang pang-uusisa ng netizens kay Ali.

Tinatanong siya kung ano ang rason ng kanyang “sudden disappearance” sa radio program nila ni Arnold.

Komento naman ng isa pa, marahil ay may malalim daw na dahilan para bigla siyang umalis sa programa.

Inusisa rin siya ng iba kung may hidwaan daw ba sila Arnold.

Pero hindi nakaligtas sa mga netizen na may laman o hugot ang post na ito ni Ali.

Sa mga komentong ito, walang sinagot si Ali.

netizens ask about ali comeback

Continue reading below ↓

netizens ask about ali comeback

netizens ask about ali comeback

Continue reading below ↓

netizens ask about ali comeback

Bago ang cryptic post na ito ni Ali, may isa pa siyang post noong nakaraang linggo.

Ganito ang quote: “Be with someone who thanks God for you.”

Wala siyang caption, pero sa comment section ay may iniwan siyang mensahe.

Tungkol naman ito sa paalaala na dapat ay nakikita ng isang tao ang kagandahan ng pagsasama ninyo.

Continue reading below ↓

Mas mabuting umalis na lang daw kung hindi ipinagpapasalamat ang iyong presensiya.

Ganito ang komento ni Ali: “Doon ka sa taong pinasasalamatan ang Panginoon na kasama ka niya – someone who appreciates and values your presence, and who knows your worth.

“Dahil kung hindi niya pinahahalagahan ang presensiya mo, iregalo mo sa kaniya ang pagkawala mo sa buhay niya.”

Muli, nagsunud-sunod ang pang-uusisa kay Ali sa bigla niyang pagkawala sa kanyang radio program at kung babalik pa raw ba siya.

ali sotto cryptic post following DZBB radio absence

Continue reading below ↓

netizens tell ali they miss her in radio program

netizens tell ali they miss her in radio program

Continue reading below ↓

Samantala, ngayong araw ay nagpdala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Corporate Communications upang kunan ng pahayag tungkol sa pagkawala ni Ali sa DZBB program nito.

Agaran daw silang magpapadala ng mensahe oras na makakuha ng update mula sa DZBB management.

Nagpadala rin kami ng mensahe kay Ali via direct messaging, pero wala pa kaming natatanggap na sagot.

ALI’S ALTERCATION WITH FELLOW ANCHOR?

Samantala, may mga lumabas na balita tungkol sa posibleng pinag-ugatan ng pag-alis ni Ali sa DZBB.

May kinalaman daw ito sa diumano’y hidwaan nila ni Rowena Salvacion, na siyang ka-tandem ngayon ni Arnold sa dating timeslot nila ni Ali.

Ayon sa ulat ay nag-resign na umano si Ali sa kanyang DZBB radio program.

Nakarating umano kay Rowena ang diumano’y pag-utos ni Ali sa “personal assistant” ng program para sa personal errand, ulat ng Pilipino Star Ngayon, Miyerkules, January 13.

Nagtalo umano sila Rowena at Ali tungkol dito.

Continue reading below ↓

Katwiran umano ni Rowena, hindi dapat pinapagawa ni Ali ang “personal” na bagay sa staff member ng programa.

Nakarating umano ang pagtatalo nina Rowena at Ali sa DZBB executive na si Mike Enriquez.

Pinayuhan umano ni Mike si Ali na magpalamig muna, pero nauwi raw ito sa pagbibitiw ni Ali sa programa.

Bukas ang PEP.ph sa panig ng mga tauhang sangkot sa isyung ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ali Sotto makes a cryptic post about fair treatment: “Huwag na huwag mong tanggapin ang menos sa nararapat para sa iyo. Tandaan: itinuturo mo sa iba kung paano kang tratuhin."
PHOTO/S: Facebook (Super Radyo DZBB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results