Joey de Leon gives his take on COVID-19 vaccine brands issue

by Bernie V. Franco
3 days ago
Joey de Leon sinovac vaccine
Eat Bulaga! host Joey de Leon says the brand of vaccine does not matter as long as the FDA (Food and Drug Authority) certifies its efficacy and safety.
PHOTO/S: @angpoetnyo on Instagram

Naglabas ng kanyang sentimyento si Joey de Leon kaugnay ng kontrobersiyal na isyu ng brand ng COVID-19 vaccine para sa isasagawang mass vaccination sa Pilipinas.

Ang buod ng pananaw ng 74-year-old comedian-TV host ukol sa isyu: “Basta may FDA approval, WAG MATAKOT, MAKIBAKUNA!”

Ang Food and Drug Administration (FDA) ang government agency na tumitiyak na ligtas ang mga gamot na kinokonsumo ng publiko.

Kaugnay ito ng mainit na usapin tungkol sa announcement ng Malacañang na ang Sinovac ng China ang inaasahang unang vaccine na darating sa bansa.

Ang siste, isyu ngayon ang efficacy o pagiging epektibo ng Sinovac na natalakay sa iba’t ibang ulat.

Sa isang pag-aaral na ginawa ng Brazil, tinatayang nasa 50-70 percent lamang ang pagiging epektibo ng Sinovac vaccine, mas mababa kumpara sa ibang brands ng COVID-19 vaccines.

Isa rin ang Sinovac sa pinakamahal na vaccine at may record pa umano ng suspended clinical trials.

Inanunsiyo na ng pamahalaang Duterte na nakapag-secure na ito ng 25 million doses ng bakuna, at inaasahang may darating nang 50,000 doses sa susunod na buwan.

Continue reading below ↓

JOEY DE LEON’S STAND

Binansagang Master Henyo, idinaan sa wit and humor ni Joey ang pagpapahayag ng kanyang opinyon tungkol sa isyu.

Ngayong Miyerkules, January 13, nag-post ang Eat Bulaga! host sa Instagram ng larawan ng isang piling ng saging, kung saan ang isang pinilas na saging ay niletrahan ng logo at initials ng kilalang fashion brand na Louis Vuitton.

Inihambing ni Joey ang pagpili ng brand ng vaccine sa pagpili ng mga kilalang international fashion brands.

Caption ng veteran TV host: “Yung iba ang tingin sa mga brands ng bakuna ay parang Chanel, Louis Vuitton, etc.”

At saka niya idinagdag ang quote ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kaugnay ng isyu ng bakuna:

“TANDAAN: Ang importante basta inaprubahan ng Food & Drug Administration (FDA), equal footing o pare-pareho na mga yan, effective at safe!”

Kinatigan ni Joey ang paliwanag ni Vergeire: “Ang pinakamaayos magpaliwanag tungkol dyan para sa akin ay si Dr. Maria Rosario Vergeire. Basta may FDA approval na, WAG MATAKOT, MAKIBAKUNA!”

Continue reading below ↓

Sa comments section, may isang netizen ang nagbigay ng analogy tungkol sa saging at bakuna.

Nagbigay ng sitwasyon ang netizen: Halimbawa, may inutusan kang isang tao na bumili ng saging, na masarap naman.

Pero malalaman mo na may mas masarap at mas mura palang saging, at alam pala ito ng taong inutusang bumili.

Continue reading below ↓

Sinagot ito ni Joey: “ang importante mabusog ka dahil [gutom] na gutom ka na!”

Sa madaling sabi, ang ipinupunto ni Joey, ang importante ay magkaroon ng epektibong bakuna.

Nag-post pa uli sa Instagram si Joey na ganito rin ang nilalaman.

Ang quote ni Vergeire na ginamit ni Joey ay sinabi ng undersecretary sa interview nito sa On the Spot sa Teleradyo kahapon, January 12.

Pahayag niya, “Pag lumabas sa FDA with EUA we are assuring you na ligtas 'yan at ito ay epektibo sa inyo. Hindi kailangan mamili.

“Pantay pantay na po 'yan pag dumaan sa FDA. Pare-pareho pong ligtas at pare-parehong efficacious.”

Nagbigay rin ng pahayag si Vergeire sakaling tumangging magpabakuna ang isang beneficiary.

“So pag dumating po ang bakuna hindi pwedeng sabihin ng isang health care worker na ayoko n'yan.

“If he does that, dahil may informed consent naman, hindi pipilitin pero they would have to go to the bottom [end] of the line.”

Continue reading below ↓

Mapapabilang ang tumanggi sa iba pang tumanggi at maghihintay sa iba pang bakuna.

VICE, POLITICIANS: NOTHING WRONG WITH BEING CHOOSY

Pero iba naman ang pananaw ng ibang personalidad, na kinabibilangan ng mga artista at pulitiko, tungkol sa isyu sa COVID-19 vaccine.

Naging kontrobersyal ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque tungkol sa pagiging “choosy” sa bakuna.

“Walang pilian kasi hindi naman natin makokontrol talaga kung ano ang darating, at libre po ito,” ani Roque sa isang press briefing noong January 11.

Dagdag niya, kahit totoong “meron tayong lahat karapatan para sa mabuting kalusugan, pero hindi pupuwede na pihikan dahil napakadaming Pilipino na dapat turukan.”

Isa si Vice Ganda sa mga pumuna sa pahayag ni Roque na hindi dapat magpaka-choosy pagdating sa bakuna laban sa COVID-19.

Tweet ni Vice: “Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?!”

Ganito rin ang sentimyento nina Senators Juan Miguel Zubiri, Grace Poe, Risa Hontiveros, at Leila de Lima.

Continue reading below ↓

Si Senator Ping Lacson naman, idinaan sa tweet ang aniya’y “preference” ng pamahalaan sa Sinovac.

Tweet ng senador: “Can somebody explain why preference is given to the second most expensive vaccine, has lower efficacy, a record of suspended clinical trials and has not even applied for EUA over other vaccines that cost much less, more efficacious and are about to be granted their EUA’s?”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eat Bulaga! host Joey de Leon says the brand of vaccine does not matter as long as the FDA (Food and Drug Authority) certifies its efficacy and safety.
PHOTO/S: @angpoetnyo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results