Derek Ramsay, nagkomento sa pagiging deadma ni Andrea Torres sa mga intriga sa kanilang breakup

by PEP Troika
3 days ago
Derek Ramsay, umapela na sana ay bigyang-linaw ni Andrea Torres ang mga maling isyu kaugnay sa kanilang hiwalayan: "Kung hindi man sila magsalita tungkol sa akin, magsalita naman sila sa mga inosenteng taong nadadamay."
PHOTO/S: YouTube

GORGY RULA

Definitely, hindi na raw matutuloy ang Sanggang Dikit, ang Kapuso teleserye na dapat ay pagsasamahan uli nina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Sabi ng ilang taga-GMA 7, wala na sa lineup ang naturang project kaya nagsimula na si Andrea sa Legal Wives, at may inalok nang ibang drama series kay Derek.

Baka bandang buwan ng Marso ay magsisimula na si Derek sa bagong TV project.

Pero alanganin pa ang mga sagot ng aktor kung handa na ba siyang bumalik sa trabaho.

"I'm in a position in my life na hindi ko na alam kung ano yung gagawin ko. Parang napapagod na ako, e," saad ng Kapuso actor.

Nakapanayam ng PEP Troika si Derek sa telepono noong Martes ng hapon, January 12.

Dito ay naglabas ng saloobin si Derek hinggil sa breakup nila ni Andrea noong November 2020.

Nakakaya raw niya ang kabi-kabilang bashing na ibinabato sa kanya.

Nadidismaya lang daw si Derek dahil may mga taong nadadamay na walang kinalaman sa isyu nila ng dating kasintahan.

Continue reading below ↓

"The whole breakup with Andrea, it really took a lot out of me. Parang sinabi ko before na I don’t want to do a showbiz relationship. Nagkaroon.

"Like I said, with all the people bashing and all of that, kaya ko yun. It’s not a problem for me. It’s just the words."

Wala raw ideya si Derek kung bakit no reaction si Andrea sa mga maling espekulasyong nauugnay sa kanilang hiwalayan.

Malumanay na sabi ni Derek, "Pero yung tahimik lang si Andrea and yung pamilya niya…

"Kung hindi man sila magsalita tungkol sa akin, magsalita naman sila sa mga inosenteng taong nadadamay."

Dagdag pa niya, “For me, kapag may ibang taong nagsasalita ng masama kay Andrea na hindi totoo, sinasagot ko out of respect for her family and sa pagkakakilala ko kay Andrea, sinasabi ko.

"I guess it’s just two different people. So, she has her way of dealing of things. I had my way of dealing with things. Pero napagod ako."

Continue reading below ↓

Sa ngayon ay hindi raw alam ni Derek kung ano pa ang gagawin niya.

Kung anu-ano na lang ang ibinibintang sa kanya. Kaya naguguluhan pa rin ang aktor kung babalik na ba sa trabaho at harapin itong patuloy na mga intrigang inabot niya o magpapalamig pa muna.

NOEL FERRER

Work is always a good therapy, kaya baka makatulong kay Derek ang pagbabalik-taping na whenever he feels safe.

Sa ganoong paraan, he is able to promote and talk about a new project, at hindi ang kanyang failed relationship na palagi na lang inuurirat sa kanya.

And to have work at this time of pandemic ay blessing din talaga kaya mas magandang balita kung work-work-work na ang pag-usapan kina Derek at Andrea.

JERRY OLEA

Naniniwala siguro si Andrea sa kasabihang “Less talk, less mistake.”

O naghihintay siya ng tamang panahon para magsalita, kaya isinubsob na lang muna niya ang sarili sa trabaho.

Continue reading below ↓

Malaking project ang cultural drama series na Legal Wives, na pinagbibidahan nina Andrea, Alice Dixson, Bianca Umali, at Dennis Trillo.

Kaya naiintindihan natin kung dito na lang muna naka-focus si Andrea, at deadma sa mga tsismis at isyu sa ex-boyfriend.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay, umapela na sana ay bigyang-linaw ni Andrea Torres ang mga maling isyu kaugnay sa kanilang hiwalayan: "Kung hindi man sila magsalita tungkol sa akin, magsalita naman sila sa mga inosenteng taong nadadamay."
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results