Daniel Padilla says no to live-in relationship with Kathryn Bernardo: "Papakasal muna kami."

by Rachelle Siazon
2 days ago
Daniel Padilla says he and girlfriend Kathryn Bernardo believe in marriage, but they are not in a rush to settle down at this time. "Pero para sa akin, kapag kinasal kami sa tamang panahon, ibig sabihin handa na akong ibigay sa kanya habambuhay lahat," says Daniel.
PHOTO/S: Dominic Roque

Bahagyang nagulat si Daniel Padilla sa tanong kung pabor ba siyang magsama sila sa isang bubong ni Kathryn Bernardo nang hindi pa kasal.

"Whoa! Hahaha! Hindi pa siguro. Hindi pa kami handa magsama sa isang bahay," bungad ni Daniel.

Sabay ipinaliwanag ng Kapamilya actor na may mga nakababata silang kapatid ni Kathryn na tumitingala rin sa kanila.

Ani Daniel: "Papakasal muna kami saka kami magsasama sa isang bahay.

"Dahil si Kathryn nandun pa yung [kapatid niya na] si Lexine, di ba? Bata pa si Lexine. Siya ang ate nun. Binabantayan niya yun.

"Ako naman, nandiyan pa yung mga kapatid kong babae. Binabantayan ko pa rin.

"Marami pa kaming bantayang magaganap. Papakasal muna kami."

Nitong Miyerkules, January 13, nakapanayam sina Daniel at Kathryn sa virtual presscon para sa finale ng The House Arrest of Us.

Ito ang pinagbibidahan nilang romantic-comedy digital series na pinapalabas sa iWant at KTX.ph.

IMAGINING WHAT IT'S LIKE TO LIVE WITH EACH OTHER

Kahit papaano ay may idea raw sina Kathryn at Daniel kung paano sila kumilos sa bahay, base na rin sa pagsasama nila sa lock-in taping ng The House Arrest of Us.

Continue reading below ↓

"Parang ganun, bahay-bahayan. Makikita mo kung paano makisama rin sa iba. Kasi may kasama rin kaming iba sa parang villa," saad ni Kathryn.

Kasama raw nila sa kanilang accommodations ang co-stars na sina Hyubs Azarcon at Alora Sasam.

Dugtong ni Kathryn, "So parang, yeah, makikita mo kung maayos ba itong tao na ito sa gamit niya, gaano siya katagal mag-prepare.

"Mao-observe mo yung maliliit na bagay pag nasa isang villa kayo ng ilang linggo.

"May mga ganun na pag tiningnan mo, 'Oh my gosh ganito pala siya."

Ayon pa kay Kathryn, siguradong pareho raw sila ni Daniel na gustong malinis palagi ang kanilang bahay in the future.

"Gusto lang namin pareho yung malinis. Kasi naaapektuhan kung paano kami mag-isip or paano mood namin kung magulo. Kapag sa table maraming kalat, or sa CR...

"Hindi siya kaartehan, e. Ganun lang kami na tao. Gusto namin maging clear para maging clear mindset namin."

Continue reading below ↓


DANIEL-KATHRYN WEDDING TALKS

Bukas sina Daniel at Kathryn sa pagsasabing mas lumalim ang pagmamahal nila sa isa't isa sa loob ng halos siyam na taong sila ay magkarelasyon.

Kung tatanungin si Daniel, sigurado raw siyang si Kathryn ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

Continue reading below ↓

Ganoon din naman si Kathryn.

"If you ask me if he's the one, I think, yes, he's the one. Hindi ko ma-imagine ang future ko na wala si DJ," ani Kathryn, na ang tinutukoy na DJ ay si Daniel.

Pero hindi raw sila nagmamadali pagdating sa paglagay sa tahimik.

Paliwanag ni Daniel, "Hindi namin pwede biglain mga sarili namin. Nakaplano iyan, e.

"Nakalista yung dapat gawin para hindi rin kami ma-rattle sa decision na gagawin namin.

"Kasi pag binigla niyo yun isa't isa, papasok mga problema, e. Baka dun kami bigla magkaproblema...

"So, nilalatag muna namin yung mga bagay."

Lumingon si Daniel kay Kathryn at sinabing, "This year, mag-26 na ako. Ikaw, Love, mag-25 ka na. Ganito na tayo bigla..."

Salo ni Kathryn, "Dati mga tanong sa amin, 'Kailan kayo aamin?' Ngayon marriage na. Chill muna tayo."

Pareho raw silang naniniwalang ang marriage ay "lifetime commitment" na hindi basta-basta na lang pinagdedesisyunan.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Daniel, "Pero para sa akin, kapag kinasal kami sa tamang panahon, ibig sabihin handa na akong ibigay sa kanya habambuhay lahat."

ALL ABOUT RIGHT TIMING

Naiintindihan daw ni Kathryn na hindi maiwasang matanong sila ni Daniel tungkol sa pagpapakasal, lalo na't engaged na ang malapit nilang mga kaibigan na sina Patrick Sugui at Aeriel Garcia.

Continue reading below ↓

Lahad pa ni Kathryn: "May mga kaibigan kaming engaged. Gusto namin maging best bridesmaid and groomsman muna. Kasi iba rin naman age namin sa kanila.

"Iba-iba tayo ng timing lahat. Kami kumporatable kami na bago tumalon sa ganyang klaseng buhay, kailangan ready kami.

"Kasi ayaw namin masira yung relationship. Kailangan pareho kaming ready and yung pamilya namin ready."

Baka raw himatayin ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo o kaya ang ina ni Daniel na si Karla Estrada kapag ginulat nila ang mga ito na gusto na nilang magpakasal.

Diin ni Kathryn, "Ayusin muna natin yung mga sa kaibigan nating ikakasal.

"Huwag tayo magpa-pressure just because nag-propose sila, 'tapos kami na din.

"Hindi. Respeto yun sa amin at sa ibang couple din na may ibang time."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla says he and girlfriend Kathryn Bernardo believe in marriage, but they are not in a rush to settle down at this time. "Pero para sa akin, kapag kinasal kami sa tamang panahon, ibig sabihin handa na akong ibigay sa kanya habambuhay lahat," says Daniel.
PHOTO/S: Dominic Roque
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results