Heart Evangelista reveals “muntik ako lumusot sa truck” while chasing her dog Cheche

by Jet Hitosis
Jan 14, 2021
Heart Evangelista pet dog Cheche
Actress Heart Evangelista is known for being an animal lover and has adopted some dogs, including AsPin Cheche.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

Muntik nang napahamak si Heart Evangelista sa pagliligtas sa isa sa kanyang mga pet dogs.

Hindi kasi sinasadyang nakalabas ng sasakyan at nagtatakbo sa kalsada ang aso ng 35-year-old actress-animal lover.

Base sa serye ng tweets ni Heart, nangyari ang insidente nitong Miyerkules ng hapon, January 13, sa isang abalang kalsada.

Bumibiyahe noon si Heart kasama ang nakatatandang kapatid niyang si Camille Ongpauco, ang kanyang hairstylist, ilang kaibigan, at ang AsPin niyang si Cheche.

Hindi binanggit sa tweets ni Heart ang eksaktong lugar kung saan nangyari ang insidente.

HEART’S “NAKAKALOKA” AFTERNOON

Sa unang tweet ni Heart, bandang 5:21 ng hapon, ibinahagi niya ang picture ni Cheche habang nasa loob ng sasakyan.

Caption ni Heart (published as is): “Nakakakloka hinabol namin si Che Che sa daan! Muntik ako Lumusot ako sa truck!”

Continue reading below ↓

Sa sumunod na mga tweet ni Heart, hiniling niyang sana raw ay walang kumuha ng video sa insidente “dahil mukha among tanga.”

Fully made up daw kasi siya noon at nakasuot pa ng high heels habang “making pigil the trucks and cars running after cheche.”

Buti na lang daw, kuwento ni Heart, isang lalaking motorista ang nagbukas ng pinto ng sasakyan nito.

Dahil sa ginawa ng lalaki, naharangan si Cheche at nadampot nila ito.

THANKFUL FOR ALL THE HELP

“To the man who opened his car door to stop cheche thank YOU!” mensahe ni Heart sa motorista.

Continue reading below ↓

Nagpasalamat din si Heart sa mga security guards, “my hairstylist, all my friends and sister Camille” na nagtulung-tulong din sa paghabol kay Cheche.

“thank you lord ok lahat,” sabi ni Heart.

Sa isang tweet ni Heart, nagpahiwatig siya ng pagnanais na hindi ipaalam sa asawang si Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero ang insidente.

Continue reading below ↓

Pero dahil nakapagkuwento na siya sa Twitter, sinabi niyang “Mapapagalitan” siya ng asawa dahil muntik na siyang napahamak sa paghabol kay Cheche.

ANIMAL WELFARE ADVOCATE

Kilala si Heart sa pagiging animal lover.

Adbokasiya niya ang pagbibigay ng foster homes at pag-aampon sa mga abandonado at rescued dogs.

Regular din siyang nakasuporta sa mga rescue operations at iba pang kampanya ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) bilang celebrity spokesperson nito.

Continue reading below ↓

Madalas ding tampok sa kanyang Instagram posts ang mga alaga niyang asong sina Panda, Yogi, at Cheche.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Heart Evangelista is known for being an animal lover and has adopted some dogs, including AsPin Cheche.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results