Jomari Yllana’s former live-in partner accuses actor of neglecting their two kids anew

by Bernie V. Franco
Jan 16, 2021
Jomari Yllana former live in partner
Joy Reyes to former live-in partner Jomari Yllana: "No matter what you do, bec of your selfish choices in life, you will never be the one who will be by their side every single minute of every single day to come to their aid when they need it. So the least you can do is to STOP causing further trouble to the only parent doing it all!”
PHOTO/S: @joyfullyenjoyingjoy on Instagram / Facebook

Inakusahan muli ng dating live-in partner ni Jomari Yllana na si Joy Reyes ng pagpapabaya umano sa kanilang dalawang anak.

Parehong lalaki ang anak ni Jomari kay Joy—isang two-year-old at isang one-year-old.

Nitong Biyernes, January 15, nag-post si Joy sa Instagram tungkol sa kinahaharap na problema nilang mag-iina.

Ayon kay Joy, naputulan ng kuryente ang kanilang tirahan dahil napabayaan ang kanilang electric bill na umabot ng PHP100,238.38. May due date itong December 9, 2020.

Kalakip ng larawan ng electric bill ay larawan ng dalawang anak ni Joy na magkatabing natutulog.

Dumedede sa feeding bottles ang dalawang maliliit na bata, at medyo madilim ang paligid.

Sa mahabang caption ni Joy, agaw-pansin ang patutsada niya tungkol sa pagpapabaya ng isang ama sa kanyang mga anak.

Bahagi ng caption ni Joy (published as is): “But the terrible part of this gross, gross negligence is a father's lack of apathy towards his own children. That is totally sickening!”

Continue reading below ↓

Akusa pa ni Joy, naka-block lahat ng means of communication niya kay Jomari.

Nakiusap si Joy sa sinumang may komunikasyon kay Jomari na iparating ang sitwasyon nilang mag-iina.

“Since he blocked all means of communication, to those who know this guy, Kindly inform this ‘Honorable’ COUNCILOR of District 1 PARANAQUE JOMARI YLLANA that his children are sweating in the dark & this is making it worse for Fangio who's been having fever for a few days now.

“So many other issues of abuse that I'm trying so hard not to mind for the time being but directly harming the babies this way can't be tolerated.”

Paratang pa ni Joy kay Jomari, makasarili ito at hindi nito ginagampanan ang obligasyon para sa kanilang mga anak.

"No matter what you do, bec of your selfish choices in life, you will never be the one who will be by their side every single minute of every single day to come to their aid when they need it.

Continue reading below ↓

“So the least you can do is to STOP causing further trouble to the only parent doing it all!”

meralco bill amounting to 100k; joy reyes negligence accusation to former live-in partner jomari

JOY TO JOMARI: SOLVE THE PROBLEM YOU CREATED

Hindi rito nagtapos ang banat ni Joy kay Jomari.

Pagkalipas ng ilang oras, mayroon siyang follow-up post sa Facebook at Instagram.

Ito ay ang screenshot ng palitan umano ng mensahe sa pagitan ni Jomari at ng isang "concerned citizen," na nagpaabot sa actor-politician ng sitwasyon ni Joy at ng kanyang mga anak.

Continue reading below ↓

Base sa sagot ni Jomari, hindi nito pinaniniwalaan ang problema ni Joy.

Katuwiran niya, sinasabi ni Joy na naputulan sila ng kuryente pero nagawa pa raw nitong makapag-post sa social media gamit ang cellphone.

Ganito ang mensahe ng netizen kay Jomari: “Naputulan po ng kuryente ex with your 2 babies 100k utang sa Meralco sana byaran mo kawawa anak mo init init”

Ito naman ang sagot ni Jomari: “Sana ginagamit din ang isip paminsan minsan. Nakapag post sa FB, nakapag picture sa cellphone.

“May charge ang cellphone at may internet. Oh diba, naputulan ng kuryente pero nakakapag post at meron internet. Sana ol [laughing face with tears emoji]”

Sa caption, tila hindi makapaniwala si Joy sa reaksiyon ni Jomari.

Saad ng dating live-in partner ng aktor, “A concerned citizen sent me this and I'm absolutely lost for words... I don't wanna say I'm stupefied for the stupidity but I really can't think of subtle words to appropriately describe it.

“Okay... Lemme get this straight. Does he really mean since namatay Ang kuryente sa bahay, automatic dapat patay din ang celfon ko???

“Here... I'm not really in the position to educate the uneducated so somebody kindly just explain to this person how mobile phones and mobile data work...how these gadgets have a battery life independent of the electric supply in your house.”

Continue reading below ↓

Pagsita pa ni Joy, ang sagot daw ni Jomari ay “pathetic attempt to again discredit the truth.”

Binuweltahan din ni Joy si Jomari dahil sa pagsagot sa netizen na nagmamalasakit lang umano sa kanilang mag-iina.

Sermon niya kay Jomari: “And it's best to stop trying to make these people (who are just genuinely concerned about the babies) feel stupid by telling them to think when obviously it's apparent who's actually looking like a complete moron here.

“Oh boy! For your own sake, Just stfu and focus on solving the problem you created in the first place.”

Kalakip ng post ay isang video clip kung saan makikitang madilim ang kuwarto at maririnig ang pag-iyak ng anak ni Joy.

netizens react to joy post, jomari comment

Continue reading below ↓

JOY reyes ACCUSES JOMARI yllana of abandoning their kids

November 2018 nang sabihin ni Joy na inabandona umano sila ni Jomari para sa isang babae.

Kinalaunan, natukoy ang babae bilang si Priscilla Almeda, ang dating sexy actress na unang nakilala sa screen name na Abby Viduya.

Sa exclusive interview ng PEP.ph kay Jomari noong December 2019, itinanggi ng konsehal ng first district ng Parañaque na inabandona niya si Joy at ang kanilang dalawang anak.

Sabi noon ni Jomari, “nagkahiwalay” sila ni Joy November 2018.

Ayon pa sa aktor, “I filed a complaint last November [2018] sa mababang court ng Barangay BF Homes in the City of Parañaque, sa District 2.”

Nagkaroon daw sila ng settlement, partikular ang regular na pagbibigay ng financial support ni Jomari sa kanyang dalawang anak.

Nabanggit din ni Jomari na nakasaad sa “settlement” na hindi magsasalita si Joy laban sa kanya.

Kinumpirma rin noon ni Jomari ang relasyon nila ng kanyang “first love” na si Priscilla.

Continue reading below ↓

jomari yllana and Priscilla Almeda

Samantala, naka-private ang Instagram account ni Jomari.

Nagpadala kami ng direct message kay Jomari via Facebook ngayong araw para kunan ng reaksiyon hinggil sa mga paratang ni Joy.

Kaagad naming ilalathala ang kanyang tugon kapag natanggap na namin ito.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig nina Jomari at Joy hinggil sa isyung ito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joy Reyes to former live-in partner Jomari Yllana: "No matter what you do, bec of your selfish choices in life, you will never be the one who will be by their side every single minute of every single day to come to their aid when they need it. So the least you can do is to STOP causing further trouble to the only parent doing it all!”
PHOTO/S: @joyfullyenjoyingjoy on Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results