Glaiza de Castro says U.K. trip not stressful despite new COVID-19 strain

by Bernie V. Franco
Jan 16, 2021
Glaiza de Castro engaged
Glaiza de Castro talks about her trip to the United Kingdom despite news about the new COVID-19 strain.
PHOTO/S: Facebook (Glaiza de Castro)

Nasa Ireland ngayon si Glaiza de Castro kasama ang kanyang Irish fiancé na si David Rainey, isang surf instructor.

Nagtungo roon ang Kapuso actress bago mag-Pasko at doon na rin nila sinalubong ang Bagong Taon.

Laging gulat na lamang ni Glaiza na nag-propose sa kanya si David bago sumapit ang araw ng Pasko.

Kuwento ng Kapuso actress, naging matiwasay naman ang biyahe niya sa United Kingdom sa kabila ng maselang sitwasyon bunsod ng pandemic.

Ang U.K. ay binubuo ng England, Northern Ireland, Scotland, at Wales.

Ang hometown ng fiancé ni Glaiza ay sa Donegal, Ireland.

“Yung pagpunta ko dito, surprisingly, hindi naman siya ganoon ka-stressful.

“Hindi ko rin in-expect na makakarating ako dito kasi andami kong mga binabasa sa mga FB [Facebook] groups regarding travel,” bungad ni Glaiza sa kanyang Facebook Live, noong Biyernes, January 15.

Marami nga lang daw requirements ngayon sa airport gaya ng safety protocols bilang pag-iingat.

Continue reading below ↓

“Yung mga iba, since nag-open naman yung Philippines ng outbound travel, subject to additional requirements.

“So, kailangan na, I think, yung additional requirements ko ay RTC-PCR [reverse transcription-polymerase chain reaction] test result na negative.

“Since sa U.K. ako, kailangan kong mag-fill out ng passenger locator form.”

Wala naman daw masyadong pinagkaiba pagdating sa protocols nang makarating siya sa Abu Dhabi, UAE, para sa layover.

“Aside from mga tao naka-mask, actually sa airport pagdating ng Abu Dhabi at London, hindi na sila nagpi-face shield.

"Ayun lang yung difference, honestly."

Sa Pilipinas, required ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.

Nataon nga raw na sa pagbiyahe ni Glaiza ay napaulat ang bagong strain ng COVID-19 na unang natukoy sa U.K.

Ilang araw bago mag-Pasko, nangamba ang marami dahil sa bagong variant ng virus na natukoy sa U.K., ang B117.

Mas mabilis ang pagkalat ng bagong strain na ito, ayon sa mga ulat.

Continue reading below ↓

Lahad ng aktres, “Yung dumating ako dito noon, nagkaroon ng balita about the new strain, and thankfully, kung nasaan ako ngayon, hindi naman sobrang nakakakaba kasi hindi rin naman kami masyadong lumalabas ng bahay.

“Bukod sa pagtakbo na allowed tumakbo dito or allowed mag-exercise within five kilometers...

“And fortunately, nagagawa namin ‘yon paglabas ng bahay nina David and allowed din mag-surf.”

Pagbibida pa ni Glaiza, “Walang stress dito. Medyo nakaka-stress lang kapag nanonood ng news, pero praying na maging okay na lahat.”

Pinaghahandaan na raw ni Glaiza ang pagbabalik sa Pilipinas matapos ang pamamalagi sa Ireland ng ilang linggo.

Hindi naman niya nabanggit kung kasama niyang babalik sa Pilipinas si David.

“Malapit na rin akong umuwi, and ang kailangan ko lang gawin ay mag-present ulit ng RT-PCR negative test result bago ako sumakay ng eroplano.

“Pagdating ko sa airport, magsu-swab test ulit ako and I have to complete a 14-day quarantine.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro talks about her trip to the United Kingdom despite news about the new COVID-19 strain.
PHOTO/S: Facebook (Glaiza de Castro)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results