Janine Gutierrez grateful for overwhelming support for her transfer to ABS-CBN

by Nikko Tuazon
Jan 17, 2021
Janine Gutierrez
Now that she's officially a Kapamilya, Janine Gutierrez hopes to work with Jericho Rosales, Angelica Panganiban, and Angel Locsin.
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram

Matapos ang sampung taon bilang Kapuso, isa na ngayong Kapamilya ang 31-year-old actress na si Janine Gutierrez.

Mainit na pagtanggap mula sa kanyang fans at maging sa mga tagasuporta ng ABS-CBN ang sumalubong kay Janine nang pumirma siya ng exclusive contract sa Kapamilya network noong Biyernes, January 15, 2021.

Kasama ni Janine sa contract signing ang ABS-CBN executives na sina Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Mark Lopez, at Ric Tan; ang Deamscape Entertainment head na si Deo Endrinal; at ang kanyang manager na si Leo Dominguez.

Nitong Sabado, January 16, ipinahayag ni Janine sa Twitter ang kaligayahan sa suportang natanggap niya matapos opisyal na pumirma ng kontrata sa ABS-CBN.

Pahayag niya, "Good morning, everyone!! Just wanna say thank you. I'm sooo happy and am so grateful for all your support and tweets and comments.

"Sobrang excited na ko and sobrang nagpapasalamat ako sa inyo [heart emoji] Yay!!!!!"

Continue reading below ↓

Sa panayam naman ni Janine kay Ganiel Kirshnan ng ABS-CBN News matapos ang contract signing, ibinahagi nito ang kanyang excitement na maging Kapamilya.

Aniya, "Super excited akong maging Kapamilya.

"I'm so excited to work with the Kapamilya actors, directors, and I'm really looking forward to this new year and I'm in a new home so sobrang grateful ko sa ABS-CBN.

Inamin ni Janine na nagulat din siya sa announcement ni Paulo Avelino sa isang story conference noong January 11, 2021, na siya ang "newest Kapamilya" na katambal nito sa pelikulang Ngayon Kaya.

Kuwento ni Janine, "Nagulat ako sa pa-announcement ni Pau.

"But at the same time, I'm really excited also to work with him here kasi nakagawa kami ng movie together ngayon, which is coming out sometime this year.

"Excited ako na siya pa yung nag-anunsiyo."

Bukod kay Paulo, ilan pa sa Kapamilya stars na nais makatrabaho ni Janine ay sina Jericho Rosales, Angelica Panganiban, at Angel Locsin.

Continue reading below ↓

Bago lumipat si Janine ng network, nanalo ang dating Kapuso star ng Best Actress sa 43rd Gawad Urian at 68th FAMAS Awards para sa kanyang pagganap sa pelikulang Babae at Baril.

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Now that she's officially a Kapamilya, Janine Gutierrez hopes to work with Jericho Rosales, Angelica Panganiban, and Angel Locsin.
PHOTO/S: @janinegutierrez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results