Christine Dacera's friends test negative for drugs

by Nikko Tuazon
Jan 17, 2021
Christine Dacera death repondents
Christine Dacera's (center) friends (L-R) Valentine Rosales, JP dela Serna, Clark Rapinan, Rommel Galido, Gregorio "Gigo" De Guzman (not in photo) tested negative for methamphetamine (shabu) and tetrahydrocannabinol (marijuana).
PHOTO/S: Courtesy: CNN Philippines / @xtinedacera on Instagram

Lumabas na ang resulta ng drug test kina Valentine Rosales, JP dela Serna, Gregorio "Gigo" de Guzman, Clark Rapinan, at Rommel Galido.

Sina Valentine, JP, Gigo, Clark, at Rommel ang ilan sa mga kaibigang kasama ni Christine Dacera sa City Garden Grand Hotel sa Makati City noong gabi ng December 31, 2020 hanggang umaga ng January 1, 2021.

Ang limang ito rin ay kabilang sa naunang labindalawang respondents na itinuro ng Makati Police na may kinalaman umano sa pagkamatay ni Christine.

Isa ang party drugs sa tinitingnang anggulo ng pulisya kung bakit namatay si Christine.

Nitong Biyernes ng gabi, January 15, ibinahagi nina Valentine, JP, Gigo, Clark, at Rommel sa Facebook page na "Fund the Truth" na negatibo sila sa methamphetamine (shabu) at tetrahydrocannabinol o marijuana.

Ang Facebook page na Fund The Truth ang fund drive na inilunsad ng mga kaibigan ng respondents upang makalikom ng pera panggastos para mga kasong kinakaharap nina Rommel, Clark, JP, at Valentine.

Continue reading below ↓

Sabi sa post: "Ito po ang drug test ng aming mga kaibigan, na nagpapatunay na NEGATIVE po ang kanilang result. Wala pong nagdala o gumamit ng droga sa kanila, malinaw po ang test."

Inilabas ng lima ang resulta ng kanilang drug test matapos nilang bawiin ang nauna nilang sworn statement na ipinasa sa Makati City Police na may "powder drugs" umano silang nakita sa kanilang New Year’s Eve celebration noong Disyembre 31, 2020.

Continue reading below ↓

Ayon kay Atty. Abby Portugal, ang abugado ng limang respondents, idinagdag lang ang "powder drugs" sa sworn statement nina JP at Rommel matapos umanong makaranas ng "mental torture at misrepresentation" ang mga ito noong nakadetine pa sila sa kulungan.

Sina JP at Rommel, kasama si John Paul Halili, ang tatlong naunang na-detain ukol sa kaso.

Samantala, humarap na rin sa National Bureau of Investigation (NBI) ang labintatlo (13) pang persons of interest na nasa Room 2207 noong New Year’s Eve celebration ni Christine at ng mga kaibigan nito.

Kabilang dito ang basketball player na si Justin Rieta.

Noong Biyernes din, isang lalaking nagngangalang Jake Esteron ang lumitaw upang maging saksi umano sa kaso ng pagkamatay ng 23-year-old flight attendant.

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christine Dacera's (center) friends (L-R) Valentine Rosales, JP dela Serna, Clark Rapinan, Rommel Galido, Gregorio "Gigo" De Guzman (not in photo) tested negative for methamphetamine (shabu) and tetrahydrocannabinol (marijuana).
PHOTO/S: Courtesy: CNN Philippines / @xtinedacera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results