BB Gandanghari regrets calling off plan to talk to brother Royette Padilla before he passed away

by Bernie V. Franco
Jan 18, 2021
BB Gandanghari to late brother Royette Padilla: “Gusto ko ring magpasalamat sa 'yo na, alam ko deep in my heart, you never said one single negative thing about me. Alam ko ‘yon sa puso ko. So, let me remember you as my loyal brother, as a protective brother. Hindi ka perpekto, marami kang pagkakamali. Sino ba ang wala?"
PHOTO/S: YouTube (BB. Gandanghari)

Nagsisisi raw si BB Gandanghari, 53, na hindi niya itinuloy ang planong tawagan ang kapatid na si Royette Padilla, 58, bago ito pumanaw.

Inanunsiyo ang pagkamatay ni Royette noong January 9, 2021, sa pamamagitan ng social media post ng kapatid nilang si Rebecca.

Heart attack umano ang ikinamatay ng aktor.

Si Royette ang panganay na kapatid ng mga aktor na sina Robin, Rommel, at BB (dating Rustom Padilla).

Ayon kay BB, naisip niyang tawagan si Royette bago mag-Pasko para sana kumustahin ito.

Pero hindi niya ito itinuloy kaya nagsisisi siya ngayon.

“Di mo naitatanong, I wanted to talk to you before Christmas,” emosyunal na sabi ni BB sa kanyang YouTube video ngayong Lunes, January 18.

“I thought kagaya ko dito na mag-isa, baka kailangan mo lang ng kausap, kakuwentuhan, katawanan.

"Nasabi ko sa sarili ko baka hindi na ako matatakot sa 'yo na tawagan ka kasi malayo ako dito."

Nakabase na ngayon sa Amerika si BB.

Continue reading below ↓

Humirit ng biro si BB tungkol sa kanyang pumanaw na kapatid.

“At, eto... biruan na lang, pero di mo ako mauutangan kasi wala akong pera. Baka ako mag-utang sa 'yo dahil...

"Siguro 'yon yung regret ko ngayon.

“Sana nabigyan lang ng pagkakataon na we can talk about things other than problems, other than what’s yung mga hinagpis na dala-dala natin…

“Just really enjoying the conversation.”

Nakipag-ugnayan din daw si BB sa pamilya ni Royette at tinanong kung may naikuwento ito bago pumanaw.

“Sabi ko, 'Wala ba siyang ikinukuwento na angst?' Wala daw.

“So, ang hirap lang na sinasabi ‘to ngayon kasi hindi mo na naririnig.”

Ayon sa kaanak ni Royette, ang naikukuwento raw nito ay ang masayang kabataan niya.

BB gandanghari SAYS SORRY TO ROYETTE padilla

Humingi rin ng tawad si BB kay Royette sa anumang naging pagkukulang niya noon.

“Sana naririnig mo, Kuya Royette, kung meron man akong gustong sabihin sa 'yo more than anything else, kung meron man akong gustong ihingi ng tawad sa 'yo…

Continue reading below ↓

“Kung at one point naparamdam ko sa 'yo ang rejection, or somehow parang ayokong makipag-communicate, sana mapatawad mo ako.”

Sa simula ng video, ipinakita ni BB ang text tungkol sa plano sana niyang pagtawag kay Royette. Pero huli na siya.

Parte ng text message: "I thought of reaching out… to you

"To ask you, how you are doing? Jam with you, laugh with you, or even cry with you.

"… never made that call. I waited a little bit too long…"BB Gandanghari, Royette Padilla video call

Continue reading below ↓

Ipinaabot pa rin ni BB ang pasasalamat kay Royette na naging mabuti raw sa kanya noon.

“Gusto ko ring magpasalamat sa 'yo na, alam ko deep in my heart, you never said one single negative thing about me. Alam ko ‘yon sa puso ko.

“So, let me remember you as my loyal brother, as a protective brother.

“Hindi ka perpekto, marami kang pagkakamali. Sino ba ang wala?"

Mensahe pa niya sa pumanaw na kapatid, “When it’s time to wake up, you will finally realize the happiness, the togetherness, the sense of belonging that I know you have long yearned for.”

ROYETTE padilla, THE PROTECTIVE BROTHER

Binanggit ni BB na hindi siya lumaking sobrang close kay Royette dahil sa kanilang six-year age gap.

Lahad niya, “Kuya Royette is the big brother I never met.

“Meron kaming age difference na six years.

“And so, nung lumalaki ako, medyo nagbibinata na siya. Iba na yung ginagalawan namin.”

Continue reading below ↓

Ang malinaw raw na alaala niya sa kanyang kuya ay ang pagiging protective nito, bagamat nagkaroon ito ng hindi magandang reputasyon sa publiko.

“Si Kuya Royette din yung kapatid na naaalala kong very protective sa aming magkakapatid,” ani BB.

“That’s how I remembered him, even before nung nag-artista na kami.

“Hindi ko alam if he would take this as something na mangingiti siya o mababatukan niya ako.

"Pero kung idi-describe kasi yung mga panahon na yun, during the ‘90s, when we were doing our own thing as actors, kami nila Robin, parang nagkaroon ng reputation si Kuya Royette na parang bilang isang notorious.

“Yes, people know him in a notorious way.”

Katwiran ni BB, “Looking back, I can only attribute it to his being so protective of us."

Noong March 2014, nadetine si Royette matapos itong ireklamo ng kanyang mga kapitbahay sa Clarkfield Freeport sa Angeles City dahil sa pagpapaputok umano ng baril ng aktor bunsod ng hindi pagkakaunawaan.

Continue reading below ↓

July 2011, inaresto si Royette dahil sa reklamo ng asawa nitong si Jane Cheryl na pambubugbog umano sa kanya ng aktor sa isang bar sa Angeles City, Pampanga.

Subalit kinabukasan ay iniurong ng asawa ang reklamo laban kay Royette.

Sa pagkakaaresto niyang ito ay nahalungkat din ang pending frustrated homicide case ni Royette noong 1998.

Nakapagpiyansa naman noon si Royette para makalaya.

Binalikan din ni BB ang naging hidwaan noon ni Robin at ang veteran news anchor ng ABS-CBN na si Noli de Castro.

Nagpunta raw si Royette sa ABS-CBN at hinamon ng suntukan si Noli.

Dagdag ni BB, “Nung nagkaroon din ako ng problema nung panahon na gini-gay issue-gay issue si Rustom, sino din ang rumesbak?

“Sino ang rumesbak? Si Kuya Royette din.

“I never know you maybe as a big brother, but I will always remember you as the protective one.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari to late brother Royette Padilla: “Gusto ko ring magpasalamat sa 'yo na, alam ko deep in my heart, you never said one single negative thing about me. Alam ko ‘yon sa puso ko. So, let me remember you as my loyal brother, as a protective brother. Hindi ka perpekto, marami kang pagkakamali. Sino ba ang wala?"
PHOTO/S: YouTube (BB. Gandanghari)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results