Crisha Uy on Joem Bascon-Meryll Soriano relationship: "I was betrayed all over again."

by Rachelle Siazon
Jan 18, 2021
Crisha Uy (left) on learning about Joem Bascon and Meryll Soriano's relationship: "Finally, na-confirm ko na nagsinungaling talaga siya noon... Sampal sa mukha na tama pala yung hinala ko noon... na finally, girl, confirmed!"
PHOTO/S: @crishauy Instagram / @planetumeboshi Instagram

Inamin ni Crisha Uy na nakaramdam siya ng "galit" noong araw na kumalat sa social media ang tungkol sa pagbabalikan nina Joem Bascon at Meryll Soriano.

Noong January 1, 2021, isinapubliko ni Meryll via Instagram ang first family photo nila ni Joem kasama ng kanilang newborn baby.

Iyon ang unang pagkakataong inamin ni Meryll ang tungkol sa relasyon nila ni Joem.

Ayon kay Crisha, hindi maiwasang manumbalik sa kanya ang hiwalayan nila ni Joem dahil mas naging malinaw raw sa kanya ang pagsisinungaling umano ng aktor noon.

Hindi tuwirang binanggit ni Crisha ang pangalan nina Meryll at Joem sa kanyang vlog nitong January 17, 2021.

Pero hindi kaila na si Joem ang boyfriend of eight years ni Crisha na nakahiwalayan niya noong last quarter of 2019.

"Nagalit ako kasi bumalik yung feelings ko na I was betrayed all over again," prangkang pag-amin ni Crisha.

Patuloy niya: "Iba pala yung feeling na nakita mo versus yung kinuwento or chinika lang sa 'yo.

Continue reading below ↓

"Feeling ko kasi kailangan ko ilabas yung naramdaman ko that day, yung galit ko, yung sakit na 'yon kung anuman naramdaman ko that day.

"Hindi dahil mahal ko pa siya, kasi naka-move on na ako, e.

"Ano lang, finally, na-confirm ko na nagsinungaling talaga siya noon, that I was lied to."

Base sa sumunod na salita ni Crisha, pakiramdam niya ay third party ang tunay na dahilan ng breakup nila ni Joem noon.

Sabi ni Crisha: "Kasi I gave them the benefit of the doubt, e, before. Pero yun nga, sampal pala sa mukha noong nakita ko.

"Sampal sa mukha na tama pala yung hinala ko noon... na finally, girl, confirmed! Ganoon yung feeling."

Hindi malinaw ang eksaktong petsa ng hiwalayan nina Crisha at Joem, pero September 2019 ay kasama pa ni Crisha si Joem sa vlog niya.

November 2019 nang lumabas ang ulat ng PEP Troika tungkol sa balitang break na sina Joem at Crisha, at nagkabalikan sina Joem at Meryll.

Continue reading below ↓

Noong December 2019, sinabi ni Joem sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters na walang third party sa hiwalayan nila ni Crisha.

Sinabi ni Joem na siya ang may "problema" sa sarili niya, at sadyang "hanggang dun na lang" ang relasyon nila ni Crisha.

January 2020 nang aminin ni Crisha na si Joem "fell out of love" kaya raw natuldukan ang relasyon nila.

At noong February 2020 ay inamin ni Crisha na umalis siya sa tirahan nila noon ni Joem para tuluyan itong makalimutan.

Sa pagpapatuloy ng January 2021 vlog ni Crisha, sinabi nitong kinalaunan ay nalaman din niya ang tungkol kina Joem at Meryll.

"Alam ko na yung totoo. Alam ko na yung relationship nila, their bundle of blessing long way before pa nung na-upload 'yan," ani Crisha.

"Siyempre my ex and I have the same set of friends. Sa loob ng eight-year relationship namin, nakabuo kami ng friendship doon.

Continue reading below ↓

"I'm glad to know that totoo ko silang kaibigan.

"Real friends will be there for you no matter what, and most importantly will not let you live not knowing the truth kaya thankful ako sa kanila."

VIRAL REACTIONS OF NETIZENS

Nagpasya raw si Crisha na magsalita sa huling pagkakataon tungkol sa hiwalayan nila ni Joem dahil sa dami ng concerned netizens na nagpadala ng mensahe sa kanya nang lumabas ang balita tungkol kina Joem at Meryll.

Nakarating kay Crisha ang viral comment ng isang netizen na nakisimpatiya kay Crisha dahil sa walong taon ng pakikipagrelasyon niya kay Joem ay ni hindi man lang daw naisipan ng aktor na mag-propose sa kanya.

netizen comments on crisha uy vlog about joem bascon

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Crisha, "Don't worry kasi naiyak ko na iyan nung 2019 pa. 2021 na. Let's move on."

Hindi rin daw nanghinayang si Crisha na hindi sila nagka-baby ni Joem. Ang nasa isip daw kasi nila noon ay magpakasal muna bago magkaanak.

"I thank God na hindi natuloy yun kasi we are really not meant to be. God is good."

IMPORTANCE OF "HONESTY" EVEN DURING BREAKUP

Sa huli, ipinahiwatig ni Crisha na sana man lang ay tinapat daw siya ni Joem kung ano talaga ang saloobin nito noong hiwalayan nila noon.

Sa vlog noon ni Crisha ay nabanggit kasi nitong hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari bakit nauwi sa wala ang walong taong pagsasama nila ni Joem.

"I guess, the greatest takeaway sa lahat ng ito, ang importance ng honesty.

"Dapat honesty should not be only sa ligawan stage, during the relationship, or nung in love kayo sa isa't isa.

Continue reading below ↓

"Dapat honest din kayo sa isang failure sa isang relationship, kahit sa breakup stage, kahit masakit.

"Kasi if may honesty, may maiiwan na respeto sa isa't isa."

Si Crisha ay isang vlogger, at noong January 5 ay nagdiwang siya ng kanyang 27th birthday.

Sina Joem at Meryll ay naging magkarelasyon matapos magkasama sa defunct ABS-CBN teleserye na I Love Betty La Fea, na umere mula September 2008 hanggang April 2009.

October 2010 inamin nina Joem at Meryll ang tungkol sa kanilang hiwalayan dahil sa plano ng aktres na ipagpatuloy ang pag-aaral sa London.

Noong 2019, nagkatrabaho silang muli sa Metro Manila Film Festival entry na Culion at sa ABS-CBN teleserye na Starla.

Si Joem ay 34 years old, habang si Meryll ay may edad na 38.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Crisha Uy (left) on learning about Joem Bascon and Meryll Soriano's relationship: "Finally, na-confirm ko na nagsinungaling talaga siya noon... Sampal sa mukha na tama pala yung hinala ko noon... na finally, girl, confirmed!"
PHOTO/S: @crishauy Instagram / @planetumeboshi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results