Gerald Anderson draws flak after commenting about Diego Loyzaga’s “galawan” towards Barbie Imperial: “Wag mo siyang itulad sa ‘yo.”

by Jet Hitosis
Jan 18, 2021
Gerald Anderson, Diego Loyzaga, Barbie Imperial
Gerald Anderson (left) jokes about Diego Loyzaga's "galawan" towards girlfriend Barbie Imperial (right) after Diego prepared an elaborate surprise for the actress a few days ago: “Sa th3rd floor mo ata natutunan mga ganyang galawan.”
PHOTO/S: @andersongeraldjr, @msbarbieimperial on Instagram

Kabi-kabilang pamba-bash ang natanggap ni Gerald Anderson matapos niyang magkomento sa Instagram post ng kaibigang si Diego Loyzaga.

January 14 nang nag-comment si Gerald, 31, sa post ni Diego, 25, tungkol sa nakakakilig na sorpresang inihanda ng huli para sa girlfriend na si Barbie Imperial.

Para sorpresahin si Barbie, 22, pinuno ni Diego ng white balloons, white roses, small white candles, at kinabitan ng fairy lights ang bedroom ng young actress.

Tinag ni Diego si Barbie sa caption: “I promise to keep that smile on your face [black heart emoji].”

Maraming kapwa celebrities ang kinikilig na nagkomento para kina Diego at Barbie.

Continue reading below ↓

DIEGO’S “GALAWAN”

Pabiro naman ang comment ni Gerald kay Diego: “Sa th3rd floor mo ata natutunan mga ganyang galawan.”

gerald anderson galawan comment on Diego Loyzaga

Ang Th3rd Floor ay ang fitness center sa Diliman, Quezon City na pagmamay-ari ni Gerald.

Maraming kaibigang celebrities ni Gerald ang tumatambay sa gym na iyon ng aktor.

Kung pagbabasehan ang comment ni Gerald, mahihinuhang kabilang si Diego sa mga celebrities na regular customers ng fitness center.

Continue reading below ↓

Sa biro ni Gerald, ipinahihiwatig niyang posibleng napayuhan si Diego ng mga workout buddies nito sa gym—o maaaring ni Gerald mismo—kung paano magbibigay ng nakakakilig na sorpresa sa isang babae.

Sa huling bahagi ng komento ni Gerald, binati niya ng “congrats” si Diego.

NETIZENS CALL GERALD anderson “MANLOLOKO”; WARN DIEGO

Bagamat hindi nagawang mag-reply ni Diego sa pagbati ni Gerald, sobra-sobra naman ang reaksiyong natanggap ng huli mula sa mga netizens na minasama ang kanyang comment.

Maraming Instagram followers ni Diego ang sumita kay Gerald sa naging komento nito.

Giit nila, huwag daw “itulad” ni Gerald si Diego sa kanya.

Wala raw pagkakapareho ang dalawa dahil si Diego ay hindi raw katulad ni Gerald na “babaero” at “manloloko.”

netizens call gerald anderson manloloko

Continue reading below ↓

netizens call gerald anderson manloloko

netizens call gerald anderson manloloko

Continue reading below ↓

netizens call gerald anderson manloloko

netizens call gerald anderson manloloko

Continue reading below ↓

Ang ibang netizens, pinayuhan si Diego na huwag susundin ang mga ipinapayo ni Gerald dahil “hindi maganda galawan nyan.”

netizens warn diego loyzaga not to be like gerald anderson

netizens warn diego loyzaga not to be like gerald anderson

Continue reading below ↓

Mayroong tinag pa si Gerald nang magparunggit tungkol sa “third party.”

netizens warn diego loyzaga not to be like gerald anderson

GERALD ASKED TO “FLEX” JULIA

Ang ilan namang netizens, hinimok si Gerald na aminin na ang rumored girlfriend niyang si Julia Barretto, 23.

Suggestion nila, gawin din daw ni Gerald kay Julia ang pagpapakilig na ginawa ni Diego kay Barbie.

Continue reading below ↓

netizens challenge gerald anderson to flex julia barretto

netizens challenge gerald anderson to flex julia barretto

Continue reading below ↓

netizens challenge gerald anderson to flex julia barretto

Pero ang ilang netizens, sinabing “inggit” lang daw si Gerald kaya nakapagkomento ito ng ganoon sa post ni Diego para kay Barbie.

Hindi raw kasi “maiflex” ni Gerald at ni Julia “ang relasyon nyo from ghosting.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Para sa isang netizen, “karma” umano ang nangyayari kay Gerald na hindi raw “kyang ipagsigawan ang minamahal” dahil sa naging pagkakamali nito sa huling karelasyon.

netizen tells gerald anderson it's his karma

Continue reading below ↓

Sa lahat ng mga pambabatikos na ito, walang sinagot si Gerald.

GHOSTING, THIRD PARTY ALLEGATIONS

Ang tinutukoy ng netizens ay ang huling breakup ni Gerald, na naging isang malaking kontrobersiya noong 2019.

July ng taong iyon nang makahiwalay ni Gerald ang aktres na si Bea Alonzo matapos ang tatlong taong relasyon.

Akusa ni Bea, 33, na-“ghosting” daw siya ni Gerald dahil kay Julia.

Marami ang nagsususpetsang nagkamabutihan sina Gerald at Julia habang ginagawa ang pelikula nilang Between Maybes, na ipinalabas sa mga sinehan noong May 2019.

Nagkataon kasing pagkatapos gawin ni Julia ang pelikula, nakahiwalayan niya ang noon ay reel-and-real sweetheart na si Joshua Garcia, 23.

Makalipas lang ang ilang linggo, sina Bea at Gerald naman ang nagkalabuan.

Sinabi ni Bea sa isang panayam na wala silang formal breakup ng longtime boyfriend, at basta na lang daw hindi siya kinausap nito.

GERALD-JULIA RUMORED ROMANCE

Pero kahit pa mariing itinanggi nina Gerald at Julia ang third party accusation ni Bea, hindi na tinantanan ng netizens ang pagli-link sa dalawa.

Continue reading below ↓

Lalo na matapos umamin ni Julia noong March 2020 na may bago nang “loved one” na nagpapatibok sa kanyang puso—na paulit-ulit siyang tumatangging pangalanan.

Kasunod nito, netizens mismo ang nag-uulat ng mga sightings ng pagsasama nina Gerald at Julia.

Tulad halimbawa nang isama raw ni Gerald si Julia sa pag-aaring private resort ng aktor sa Botolan, Zambales noong August 2020.

Gayundin nang pumasyal umano ang buong pamilya ni Julia sa Zambales resort ni Gerald noong October.

Magkasama rin daw nag-hiking sina Gerald at Julia sa Mt. Kulis sa Tanay, Rizal noong November, batay sa parehong background ng kani-kanilang Instagram posts.

At pagkatapos ng Pasko nitong nakalipas na buwan, parehong ilang araw na nanatili sa Baguio City sina Gerald at Julia.

Sa kabila nito, hindi kinukumpirma, pero hindi rin itinatanggi, nina Gerald at Julia kung may romantic relationship na namamagitan sa kanila.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson (left) jokes about Diego Loyzaga's "galawan" towards girlfriend Barbie Imperial (right) after Diego prepared an elaborate surprise for the actress a few days ago: “Sa th3rd floor mo ata natutunan mga ganyang galawan.”
PHOTO/S: @andersongeraldjr, @msbarbieimperial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results