Harry Roque takes a swipe at Vice Ganda: “Kung di pagtitiwalaan ang vaccine experts, sino? Siguro di ang mga komedyante.”

by Jet Hitosis
Jan 19, 2021
Harry Roque Vice Ganda
Presidential Spokesperson Harry Roque (left) reacts to comedian-TV host Vice Ganda's (right) tweet about the public having to be choosy on the brand of the COVID-19 vaccine that will be used in the government's free immunization program beginning next month.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office, @praybeytbenjamin on Instagram

Sinagot ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pasaring sa kanya ni Vice Ganda tungkol sa pagiging mapili sa bakuna kontra COVID-19.

January 12 nang i-tweet ng 44-year-old It’s Showtime host ang kanyang reaksiyon sa sinabi ni Roque, 54, na hindi makakapili ng brand ang mga tatanggap ng libreng bakuna ng gobyerno.

“Wala pong pilian, wala kasing pilitan,” sinabi ni Roque sa Malacañang press briefing nitong January 11.

Paliwanag ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte, bagamat “meron tayong lahat karapatan para sa mabuting kalusugan, pero hindi pupuwede na pihikan dahil napakadaming Pilipino na dapat turukan.”

Ramdam ang pagkadismaya sa reaksiyon ni Vice sa sinabing ito ni Roque.

Tweet ni Vice: “Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya.

“Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!”

Continue reading below ↓

Bagamat walang binanggit na pangalan ang comedian-TV host sa kanyang pinasaringan, malinaw na kay Roque nakadirekta ang tweet niyang ito.

COVID-19 VACCINE VS LAUNDRY SOAP

Nitong Lunes, January 18, tulad ni Vice ay sa pormang pasaring din sinagot ni Roque ang tweet ni Vice tungkol sa COVID-19 vaccine.

Sa press briefing, tinalakay ni Roque ang mahabang proseso ng pag-aapruba sa gagamiting bakuna sa bansa.

Ito raw ang dahilan kaya hindi agarang magiging available sa publiko ang lahat ng brand ng bakuna kontra COVID-19.

“Dahil sa limitadong supply ng mga bakuna, hindi tayo makakapili ng isa o dalawang brand.

“Alam niyo po, mali naman na ikukumpara ang bakuna sa sabon na panlaba.

“Ang katunayan po, wala naman pong supply na ganoon kadami.

“Nag-aagawan nga po tayo sa 18% na available na supply,” ani Roque.

“SINO ANG ATING PAGKAKATIWALAAN?”

Paliwanag ni Roque, sumasalang pa sa masusing pag-aaral ng panel of experts ang produkto ng vaccine manufacturers na nag-a-apply ng Emergency Use Authorization (EUA) sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Maaari lang daw magamit ang bakuna kapag mayroon na itong EUA, na manggagaling naman sa Food and Drug Administration (FDA).

Patuloy ni Roque: “Pangalawa, hindi lang naman po ito gagamitin para sa damit.

“Kaya nga po hindi lang isa, hindi lang dalawa kung hindi tatlong grupo pa ng eksperto ang magsusuri kung ang mga bakuna ay ligtas at epektibo.

“Kung hindi naman natin pagtitiwalaan ang mga experts—na tatlong batches of experts pa ang magsasabing pwede nating gamitin iyan at magiging basehan para mag-issue ang FDA ng EUA—e sino ang ating pagkakatiwalaan?

“Siguro po hindi ang mga komedyante,” parunggit ni Roque.

harry ROQUE WARNS AGAINST “NAGPAPAPANSIN”

Kasunod nito, pinaalalahanan ni Roque ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyon at komentong nababasa nila sa social media.

“Pag-ingatan natin kung sino ang pakikinggan natin,” aniya.

“Huwag po tayong maniwala doon sa mga lima-singkong mga eksperto, dahil marami po diyan nagpapapansin lang.”

Una nang inanunsiyo ng Malacañang na ang COVID-19 vaccine ng Chinese drugmaker na Sinovac ang unang gagamitin ng gobyerno sa libreng pagbabakuna sa publiko.

Continue reading below ↓

Sisimulan ang free immunization program sa buwan ng Pebrero.

Ang iba pang brands ng bakuna na binili rin ng gobyerno ay sa kalagitnaan pa ng taon maide-deliver sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, nasa 502,737 na ang kabuuang dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa bilang na ito, 9,909 ang nasawi, habang 26,839 ang kasalukuyang ginagamot.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Presidential Spokesperson Harry Roque (left) reacts to comedian-TV host Vice Ganda's (right) tweet about the public having to be choosy on the brand of the COVID-19 vaccine that will be used in the government's free immunization program beginning next month.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office, @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results