New Star Magic head Lauren Dyogi: "I cannot expect everyone to be loyal to me or Star Magic or even ABS-CBN"

by Bernie V. Franco
Jan 19, 2021
Star Magic Head Laurenti Dyogi (center) on departure of some Star Magic talents, like Julia Barretto (left) and Bea Alonzo (right): “Every artist has his/her own reasons for staying or leaving depending on their current needs and circumstances. We just need to give each other the courtesy and respect to express our decisions and the choices we make."
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram / ABS-CBN Entertain / YouTube (Bea Alonzo)ment

May pahayag ang bagong Star Magic head na si Laurenti “Lauren” Dyogi tungkol sa paglisan at loyalty ng mga artista ng talent management arm ng ABS-CBN.

Kasabay ng pagpasok ng Bagong Taon, sinimulan ni Dyogi ang kanyang trabaho bilang bagong itinalagang head ng Star Magic.

Bukod dito, nananatili rin siyang head ng ABS-CBN TV Production.

Pero kasabay ng pagsisimula ng kanyang panunungkulan sa Star Magic, may mga isyung lumutang kaugnay nito.

Bago magtapos ang taon ay may ilang sikat na artista ng Star Magic ang umalis ng kanilang poder, partikular sina Julia Barretto at Bea Alonzo.

Sa column ni Ricky Lo na “Conversations” sa The Philippine Star noong January 10, 2021, natanong si Dyogi tungkol sa pagkalas ng ilang talents ng Star Magic.

“There are a few artists who left last year, most notable are Julia Barretto and Bea Alonzo," sabi ni Dyogi.

Aniya pa, hindi naman unang beses na nangyari ito.

Continue reading below ↓

"As Mariole [Alberto] shared with me, this has happened in the past wherein artists, at a certain stage in their lives, opt to have other priorities and objectives that are no longer aligned with Star Magic."

Si Alberto ang pinalitan ni Dyogi bilang head ng Kapamilya talent management arm.

Pagpapatuloy ni Dyogi, “Maybe it’s like graduating from your alma mater.

“Some of them come back while others completely move away from the industry.”

Katwiran ni Dyogi, kapag may umalis ay may mga bago namang darating.

“At this point, my focus is on our numerous stars who have stayed in Star Magic and ABS-CBN.

“When someone leaves, that opens up the time and resource to the next generation of stars. It will always be a continuous cycle.

“We still have hundreds in our roster and continue to have new recruits, especially with the consolidation of Star Hunt, Rise of Star Cinema and other discoveries from all our talent programs.”

Continue reading below ↓

Inanunsiyo ng ABS-CBN ang pagtatalaga kay Dyogi bilang bagong Star Magic head noong September 2020.

Pagkalipas lamang ng ilang araw, pumirma na si Julia Barretto ng kontrata sa Viva Artists Agency.

Si Julia ay bahagi ng Star Magic Batch 2013. Kasabayan niya sina Liza Soberano, Janella Salvador, Jane Oineza, at Jerome Ponce.

Pagsapit ng November 2020, inanunsiyo ng kampo ni Bea Alonzo na lilisanin niya ang Star Magic matapos ang halos dalawang dekada.

Kabilang si Bea sa Star Magic Batch 10 na ini-launch noong 2001. Homegrown talent ng Star Magic si Bea.

Ang nagma-manage ngayon kay Bea ay ang veteran talent manager na si Shirley Kuan.

August 2020 naman ay pumirma rin si McCoy de Leon ng kontrata sa Viva.

Dati ring Star Magic talents at lumipat sa Viva sina Xian Lim (2018) at Matteo Guidicelli (2019).

Karamihan sa kanila, sinasabing maayos silang nakapagpaalam at may basbas ng Star Magic ang paglipat ng management.

Continue reading below ↓

ON LOYALTY OF THEIR TALENTS

Nausisa rin si Dyogi kung may “loyalty check” sa mga talent nila dahil marami sa mga ito ay ikinukunsiderang father figure ang Star Magic chairman emeritus na si Johnny "Mr. M" Manahan.

Isang halimbawa ay si Maja Salvador, na bagamat Star Magic talent at nasa bakuran ng ABS-CBN, sinabing pinagbigyan ang hiling ni Mr. M na maging host ng TV5 musical-variety show na Sunday Noontime Live (SNL).

Pagkatapos lamang ng tatlong buwan ay nagpaalam na sa ere ang SNL.

Sagot ni Dyogi, hindi niya hawak ang pag-iisip ng mga artista at may kanya-kanya silang dahilan kung gusto man nilang manatili o umalis sa kanilang poder.

“I have spoken to most of the artists but I cannot expect everyone to be loyal to me or Star Magic or even ABS-CBN,” katwiran ng Kapamilya executive.

“Every artist has his/her own reasons for staying or leaving depending on their current needs and circumstances.

Continue reading below ↓

“We just need to give each other the courtesy and respect to express our decisions and the choices we make.

“Relationships are built on trust and that takes time.”

Bilang head ng Star Magic, tutulungan daw ni Dyogi ang mga talent na tuparin ang kanilang mga pangarap.

Paniniyak pa niya, “I am committed to the work.”

Magiging gabay rin raw sila “in transitioning some artists to different roles in content creation. Some may become producers, writers or even directors.”

ABS-CBN ANNOUNCED lauren dyogi As STAr MAGIC HEAD

Pinalitan ni Lauren Dyogi si Mariole Alberto, na ang huling araw ay noong December 31, 2020.

Samantala, bago si Alberto, matagal na namuno si Johnny “Mr. M” Manahan bilang head ng Star Magic.

Si Mr. M at former ABS-CBN president Freddie M. Garcia ang nagtayo ng Star Magic dalawampu’t walong taon na ang nakalilipas.

Bago ang pagkakatalaga niya bilang Star Magic head, nagsilbing training director si Dyogi sa talent management arm noong ‘90s.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star Magic Head Laurenti Dyogi (center) on departure of some Star Magic talents, like Julia Barretto (left) and Bea Alonzo (right): “Every artist has his/her own reasons for staying or leaving depending on their current needs and circumstances. We just need to give each other the courtesy and respect to express our decisions and the choices we make."
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram / ABS-CBN Entertain / YouTube (Bea Alonzo)ment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results