Agot, Atom, Direk Tonet, other celebs condemn unilateral scrapping of UP-DND pact

by Jet Hitosis
Jan 19, 2021
Agot Isidro, Atom Araullo, Antonette Jadaone, Enchong Dee, Frankie Pangilinan, UP-DND pact abrogation
Celebrities (L-R) Agot Isidro, Atom Araullo, Antoinette Jadaone, Enchong Dee, and Frankie Pangilinan strongly denounce the unilateral termination of the 30-year-old agreement between the University of the Philippines (UP) and the Department of National Defense (DND) prohibiting the entry of military and police officers on all the premiere university's campuses in the country without informing the UP administration.
PHOTO/S: @agotisidro, @atom_araullo, PEP file, @mr_enchongdee, @frankiepangilinan on Instagram

Kaisa ang ilang celebrities sa pagkondena sa biglaang pagpapawalang-bisa ng Department of National Defense (DND) sa 30-year-old agreement nito sa University of the Philippines (UP).

Ang pinawalang-bisang kasunduan ay iyong nagbabawal sa walang pahintulot na pagpasok ng militar at pulisya sa lahat ng campus ng unibersidad sa buong bansa.

Lunes, January 18, nang isinapubliko ng UP ang tungkol sa unilateral termination ng DND sa nabanggit na agreement.

Sa liham ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay UP President Danilo Concepcion, sinabi niyang ilang estudyante umano ng unibersidad “have been identified as members of the Communist Party of the Philippines/New People’s Army (CPP/NPA).”

Ayon sa DND Chief, ang CPP-NPA ay tinukoy bilang “Terrorist Organization” ng Anti-Terrorism Council, sa bisa ng kinukuwestiyong Anti-Terrorism Law.

Idinahilan ni Lorenzana ang “national security and safety of UP student” sa pagpapawalang-bisa sa kasunduan “in order for us to perform our legal mandate of protecting our youth against CPP/NPA recruitment activities.”

Continue reading below ↓

Ibig sabihin, malaya na ngayong makapagsasagawa ng military at police operations sa loob ng alinmang UP campus.

At ito ang mariing tinutulan ng celebrities na UP alumni na tulad ng singer-actress na si Agot Isidro, ng broadcast-journalist na si Atom Araullo, ng Fan Girl filmmaker na si Antoinette Jadaone, ng writer-actor na si Juan Miguel Severo, at ng TV personality na si Richard Juan.

AGOT ISIDRO: “DEFEND OUR FREEDOMS NOW”

Isa si Agot, 54, sa mga nag-retweet nitong Lunes ng screenshot ng liham ni Defense Secretary Lorenzana kay UP President Concepcion.

May tatlong pouting face emojis ang caption ni Agot dito: “Keep off U.P.”

Continue reading below ↓

Ngayong Martes, January 19, nag-tweet si Agot ng opinyon niya tungkol sa issue, ilang oras makaraang mag-trending ang #DefendUP.

Ayon kay Agot, sa panahon ngayon na “all Filipinos are guilty unless proven innocent,” mahalaga raw na “defend our freedoms now, before it’s too late.”

Bandang hapon, ni-retweet naman ni Agot ang post ng SINAG, ang official student publication ng UP College of Social Sciences and Philosophy.

Continue reading below ↓

Sa post ng SINAG, ibinalita nitong hinarang ng mga security guards ng UP Diliman ang isang police mobile na nagtangkang pumasok sa campus.

Nang mga oras na iyon, nagtitipun-tipon na ang mga opisyal, faculty members, at estudyante ng unibersidad para magsagawa ng protest rally sa loob ng campus.

Caption ni Agot sa ni-retweet niyang ito: “This is our U.P. Stay off our grounds. #DefendUP”

Continue reading below ↓

Si Agot ay nagtapos ng Interior Design sa UP Diliman.

ATOM araullo TWEETS ABOUT “COMMUNISTS” IN UP

Direktang patama sa DND ang tweet ni Atom, 38, ngayong Martes.

Ginawa iyon ng Kapuso documentarist matapos niyang i-retweet ang explainer ng GMA News tungkol sa kinanselang UP-DND Accord.

Aniya, hindi na dapat magtaka ang DND kung bakit nababahala ang UP community sa biglaang pagpapawalang-bisa sa tatlong dekada nang kasunduan.

“Surely they don’t think all of the people there are communists,” dagdag ni Atom.

Continue reading below ↓

Minsan nang nabiktima ng red-tagging, o iniugnay sa komunistang NPA, si Atom.

Noong August 2020, pinaratangan si Atom ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nagsusulong ng propaganda ng NPA.

Ang basehan ng bintang ay ang i-Witness documentary ni Atom tungkol sa mga estudyanteng Lumad na lumikas sa Metro Manila.

Bachelor of Science in Applied Physics ang tinapos ni Atom sa UP Diliman.

DIREK TONET jadaone EMPHASIZES “UNSUBSTANTIATED CLAIMS” VS UP

Tulad ni Agot, ni-retweet din ni Direk Tonet ang post ng SINAG tungkol sa pagmamatigas ng security guards laban sa pagpasok ng isang police mobile sa UP campus sa Quezon City.

Nag-tweet ang direktor ng “UP guards” kalakip ang raising hands emoji.

Continue reading below ↓

Nauna rito, binigyang-diin ng Metro Manila Film Festival 2020 Best Director nitong Lunes, sa isang retweeted post, na “unsubstantiated claims” ang iginigiit ng DND na breeding ground daw ng mga komunista ang UP.

Direktor ng mga pelikulang Alone/Together (2019) at That Thing Called Tadhana (2014), si Direk Tonet ay produkto ng UP Film Institute.

JUAN MIGUEL severo COUNTERS LORENZANA TWEET

Ang writer-actor na si Juan Miguel, kinontra ang tweet ni Defense Secretary Lorenzana.

Tweet ng DND Chief: “The country’s premier state university has become a safe haven for enemies of the state.

“The Department of National Defense will neither renege nor shirk on its duty to protect the rights of the majority.”

Reaksiyon dito ni Juan Miguel: “Tanging mga takót sa katotohanan ang magsasabing terorismo ang malayang pag-iisip at pagpapahayag.”

Continue reading below ↓

Nag-aral sa UP College of Mass Communication si Juan Miguel, na napanood sa mga pelikulang The Hows Of Us (2019) at Can We Still Be Friends (2017).

Siya ang writer-creator ng patok na BL series na Gaya sa Pelikula, na napapanood na ngayon sa Netflix.

RICHARD juan SAYS IT’S JUST A “DISTRACTION”

Ang Philippine-based Chinese model-TV host na si Richard, 28, may suspetsang “bagong distraction” lang umano ang intensiyon sa abrogation ng UP-DND agreement.

Kilala sa pagtu-tweet ng kanyang opinyon tungkol sa sari-saring issues na kinakaharap ng bansa, nakiisa si Richard sa apelang “#DefendUP” nitong Lunes.

Tweet niya (published as is): “Ito nanaman, may bagong distraction na naman tayo.

“Yung timing talaga eh. #DefendUP”

Continue reading below ↓

Si Richard ay nagtapos ng Broadcast Communication sa UP Diliman bilang cum laude.

ENCHONG, FRANKIE, JANINE EXPRESS SUPPORT FOR UP

Samantala, maging ang ilang celebrities na hindi produkto ng UP ay nagpahayag ng pagtuligsa sa pag-terminate sa UP-DND accord.

Ang actor-model na si Enchong Dee, 32, sinagot ang tanong ng isang netizen kung bakit daw kaya ang gobyerno ay “so afraid of UP.”

Sagot ni Enchong: “Because they are afraid of people starting a revolution [Philippine flag emoji].

“They’re in dire need to hold on to power and money as much as they can,” dagdag ni Enchong.

Continue reading below ↓

Si Frankie Pangilinan, 20, diretsahang inakusahan ang DND ng “red-tagging” sa mga estudyante ng UP.

Epekto raw iyon ng pagiging “insecure and threatened” ng gobyerno, ayon sa anak ng Megastar na si Sharon Cuneta at ng opposition leader na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Idinaan ni Frankie sa tweet ang kanyang panawagan: “protect our students. defend our rights. be brave.”

Continue reading below ↓

Nagpahayag din ng suporta si Frankie sa UP: “this sort of unprovoked desperation from the establishment only proves that change IS possible, and likely very close — continue to speak out and fight for what’s right.

“we stand with you. #DefendUP”

“DefendUP” din ang tweet ng bagong Kapamilya actress na si Janine Gutierrez ngayong Martes.

Continue reading below ↓

WHAT IS THE UP-DND AGREEMENT?

Ang UP-DND accord ay nilagdaan noong June 30, 1989 nina noon ay Defense Secretary Fidel Ramos at UP President Jose Abueva.

Layunin nitong ipagbawal ang pagpasok ng mga sundalo at pulis sa alinmang UP campus nang walang paabiso at permiso mula sa pamunuan ng unibersidad.

Continue reading below ↓

Binuo ang kasunduan dahil sa sinapit ni Donato Continente, staffer ng Philippine Colegian, na dinampot ng mga sundalo at pulis sa Vinzons Hall sa Diliman campus noong June 19, 1989.

Ang Philippine Colegian ang official student publication ng UP.

Pagkatapos arestuhin, sinabi ni Continente na pinahirapan siya ng mga awtoridad upang akuin ang pagpatay sa Amerikanong sundalo na si U.S. Army Colonel James Nicholas Rowe.

Hinatulan si Continente ng life imprisonment, pero ibinaba ito ng Supreme Court sa 14 taong pagkakakulong sa bisa ng apela.

Hanggang sa makalaya si Continente noong 2005, pinaninindigan niyang hindi niya pinatay si Rowe.

Biktima raw siya ng pag-torture ng mga awtoridad upang mapilitan siyang aminin ang krimeng hindi niya ginawa.

“UP BRED REBELS… AND PH PRESIDENTS”

Sa sagot ni UP President Concepcion ngayong Martes sa liham ni Defense Secretary Lorenzana, iginiit niya ang mariing pagkondena ng unibersidad sa “any form or semblance of militarization on our campuses”—tulad ng nangyari kay Continente.

Continue reading below ↓

Magkakaroon daw kasi iyon ng “chilling effect deleterious to academic freedom” ng mga estudyante.

Katwiran ni Concepcion, bagamat totoong ang UP “has bred rebels and nonconformists,” nakapag-produce din daw ang unibersidad ng “presidents, senators, congressmen, and business, civic, and even military leaders” sa Pilipinas.

Sa huli, hinimok ng UP President ang DND Secretary “to reconsider and revoke your abrogation.”

Hinikayat din ni Concepcion na magkaroon ng dayalogo sa pagitan ng UP at DND “to discuss your concerns in the spirit of peace, justice, and the pursuit of excellence.”

SENATORS FILE RESOLUTION VS PACT ABROGATION

Sinegundahan ng pitong senador ang apelang ito ni UP President Concepcion.

Sa pangunguna ni Senator Pangilinan (Liberal Party), inihain ngayong Martes ang Senate Resolution No. 616 upang tutulan ang pagpapawalang-bisa sa UP-DND agreement.

Layunin ng resolusyon “to urge UP and DND to commence a dialogue and find a common ground that promotes peace and security, and protects academic freedom, and the pursuit of excellence.”

Continue reading below ↓

Bukod kay Pangilinan, co-authors din ng resolusyon sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto (Nacionalista Party), Senate Minority Leader Franklin Drilon (LP), Senator Risa Hontiveros (Akbayan), Senator Nancy Binay (United Nationalists Alliance), Senator Leila de Lima (LP), at Senator Joel Villanueva (CIBAC).

Inihain ng pitong senador ang resolusyon sa kasagsagan ng pagtutol ng ilang kongresista at iba’t ibang civic at progressive groups sa biglaang pag-terminate ng Defense Secretary sa UP-DND agreement.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrities (L-R) Agot Isidro, Atom Araullo, Antoinette Jadaone, Enchong Dee, and Frankie Pangilinan strongly denounce the unilateral termination of the 30-year-old agreement between the University of the Philippines (UP) and the Department of National Defense (DND) prohibiting the entry of military and police officers on all the premiere university's campuses in the country without informing the UP administration.
PHOTO/S: @agotisidro, @atom_araullo, PEP file, @mr_enchongdee, @frankiepangilinan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results