Jake Esteron denies he will stand as star witness in Christine Dacera case

by Arniel C. Serato
Jan 20, 2021
Jake Esteron Christine Dacera case
Jake Esteron, the 13th person of interest in Christine Dacera case, says that he did not know Dacera personally.
PHOTO/S: Courtesy: PTV on YouTube

Nilinaw ni Jake Esteron na hindi siya magiging star witness sa kaso ng pagkamatay ng 23-year-old flight attendant na si Christine Dacera.

Si Esteron ang isa sa persons of interest sa Dacera case.

Sa kanyang muling pagpunta sa opisina ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Lunes, January 18, sinabi ni Esteron na ang kanyang pagdulog sa NBI ay upang makipagtulungan sa imbestigasyon.

Ayon sa report ng Ulat Bayan ng PTV kahapon, January 19, sinabi niyang hindi siya tatayong testigo sa kaso.

“Pumunta ako dito para i-clarify lahat yung article na lumalabas na ako yung magiging star witness.

“Wala pa pong ganun na mangyayari na ako yung magiging star witness.

“Kasi nakipag-cooperate lang ako sa NBI regarding the Dacera case.

“So, wala pa pong desisyon about that.

“Kaya gusto ko lang i-clear na hindi po ako magiging star witness dito.”

Jake Esteron clarifies that he will not stand as a star witness in dacera case

Continue reading below ↓

Ano ang naging partisipasyon niya sa nasabing party?

Tugon niya, “Pumunta lang ako dun sa party, pero I’m not part of the plans or pag-organize ng party.”

Gaano siya katagal sa party?

“5 a.m., wala na ako, umuwi na ako,” sabi ni Esteron.

Personal ba niyang kakilala si Christine?

“No, hindi ko siya kilala, dun lang po,” sagot niya.

Sinundo si Esteron ng mga operatiba ng NBI sa Tacloban City, Leyte, noong January 15 dahil natatakot daw siya sa kanyang buhay.

“HINDI KO NA PO MASASAGOT YUN”

Hindi binanggit ni Esteron kung sino sa mga taong naka-check in sa Room 2207 ng City Garden Grand Hotel sa Makati City ang nag-imbita sa kanya sa party.

Pero ang pagkakaalala raw niya, mga walo hanggang siyam na katao ang bisita sa nasabing kuwarto.

Sa palagay niya, may krimen bang nangyari?

“Ay, hindi ko na po masasagot yun,” sabi ni Esteron.

Ayon naman kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, ang susunod nilang susuriin ay ang mobile phones ng mga persons of interest.

Aniya, “I hope their lawyers would cooperate, the lawyers of the persons of interest, and submit the mobile phones for examination.

“As it is now, we have requested the family to turn over to us the mobile phone, if this is available, so then we could do forensic.”

Natapos na raw ng ahensiya ang kanilang examination sa lahat ng body fluids at urine samples na nakuha mula sa mga labi ni Dacera.

Hinihintay pa raw nila ang resulta ng lab tests ng Makati Medical Center sa katawan ni Dacera nang dinala ito sa ospital noong January 1, 2021.

Sa January 27 gaganapin ang ikalawang preliminary hearing sa Makati Prosecutor’s Office ukol sa Dacera case.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Esteron, the 13th person of interest in Christine Dacera case, says that he did not know Dacera personally.
PHOTO/S: Courtesy: PTV on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results