Mr. M on "shadow talent center" in ABS-CBN: "In my view, it's a big crime."

by Rachelle Siazon
Jan 21, 2021
When asked if it's possible for him to return to ABS-CBN after his current "hiatus" from showbiz, Johnny Manahan, aka Mr. M, replies: "Who knows? But right now, I can't see it. Not unless some people see the light."
PHOTO/S: Star Magic YouTube

Buong araw na trending sa Twitter nitong Miyerkules, January 20, ang rebelasyon ni Johnny Manahan tungkol sa tinatawag niyang "shadow talent center" sa ABS-CBN.

Si Johnny ay mas kilala sa showbiz bilang Mr. M.

Nagmarka si Mr. M sa paghulma ng iconic stars ng bansa nang pamahalaan niya ang Star Magic, ang talent-management arm ng Kapamilya network.

Tumatayo siyang chairman emeritus ng Star Magic bago naiulat noong September 2020 ang pag-alis niya sa ABS-CBN.

Kahapon, mayroong higit 25,000 tweets kaugnay ng pangalang "Mr. M."

Maraming netizens ang nasorpresa dahil, sa mahigit na 35 taon nito sa Kapamilya network, bihirang marinig ang saloobin ng respetadong star builder at TV director.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Summit Media editors si Mr. M noong Martes, January 19.

Nang tanungin kung ano ang dahilan ng pag-alis niya sa ABS-CBN, kalmadong nagsalita si Mr. M tungkol sa isang kaganapan sa loob ng network: ang pagkakaroon ng mga hiwalay na grupong nagsitayo ng tinatawag niyang "shadow talent management."

Continue reading below ↓

Labas daw ang mga ito sa Star Magic, na siyang kinilalang tanging talent-management arm ng Kapamilya network.

Paglalahad ni Mr. M: "There's a shadow talent center in ABS-CBN, and they have their own managers and they manage their own stars."

STAR MAGIC and business units FOR TV of ABS-CBN


Paglalahad pa ni Johnny Manahan, mandato ng Star Magic ang "discovery" at "training" ng sariling pool of talents ng ABS-CBN.

Nang binuo raw nila ito noong 1992 ni Freddie M. Garcia—aka FMG, president at CEO ng ABS-CBN mula 1998-2003—malinaw na magiging teritoryo ng Star Magic, na unang tinawag bilang Talent Center, ang management ng talents ng network.

Sabi raw ni FMG kay Mr. M, kanya-kanyang "raket" sila, na ang ibig sabihin ay magrerespetuhan sila ng teritoryo. Sa ganitong paraan daw, mapapanagutan ng bawat boss ang pagpapalipad ng kanyang pinamamahalaang turf.

Ang Talent Center/Star Magic ay naglunsad ng "open calls" para sa mga gustong mag-audition na nangangarap makapasok sa showbiz.

Continue reading below ↓

Nagkaroon ito ng "basic, advanced, at masters level" workshops sa pag-arte, pagkanta, pagsayaw, at pag-host para sa aspiring stars. Ginawang Star Magic Artist Training and Workshop head si Rahyan Carlos, na dala-dala ang Ivana Chubbuck acting method sa Pilipinas.

Kasama rin sa serbisyo para sa talents ang pag-advise sa personal finance planning nila at pagtuturo ng mga kaalamang may kaugnayan sa industriyang ginagalawan, kasama na ang scriptwriting, sa ilalim ng mentors na gaya ng batikang manunulat na si Ricky Lee.

Para naman sa mga pasok na sa roster of talents ng Star Magic, ang ahensiya ang nakikipagnegosasyon sa mga kontrata ng kanilang TV shows, movies, concerts, tours, endorsements at anupamang proyekto sa loob at labas ng ABS-CBN.

Sa kabuuan, ang Star Magic ang magma-manage ng career path ng isang talent.

Ngunit, kung noon daw ay Star Magic lamang ang in-house talent-management arm na makapagbibigay ng talents para sa shows ng network, lumalabas na nitong mga nakalipas na taon, may ibang business units sa ABS-CBN na nagbuo ng sari-sariling pool of talents.

Continue reading below ↓

Sa Kapamilya network, may anim hanggang pitong business units, o BUs, para sa TV. Ang karaniwang scope ng trabaho ng TV BUs ay gumawa ng teleserye, reality shows, at variety shows.

Ngunit may ilang business units na tumawid na sa pag-scout at pag-train ng potential talents o kaya naman ay pag-manage mismo ng bonafide stars.

Sa loob ng network, dalawang units ang gumagawa na nito: Ang unit ni Raymund Dizon na may hawak ng PBB at Star Hunt; at ang unit ni Roldeo "Deo" Endrinal na Dreamscape, na namamahala sa careers ng piling stars, prinsipal na ng career ni Coco Martin.

Lahat ng BUs sa ABS-CBN, kasama na ang maraming BUs sa labas ng TV entertainment, ay nasa ilalim ni Cory Vidanes, and Chief Operating Officer ng network.

Ayon kay Mr. M, pinipilit niyang intindihin na maaaring ginawa ito ng business units para mas madaling panghawakan ang mga artistang gusto nila para sa kanilang iprinoprodyus na TV shows para sa network.

Continue reading below ↓

Ganunpaman, hindi niya inaatrasan ang paniniwalang ito ay nakakasagasa, hindi lamang sa scope of work ng Star Magic bilang talent manager, kundi nakakasaga rin mismo sa mga artista ng Star Magic.

"In my view, it's a big crime," malumanay pero diretsong pahayag ni Mr. M.

"It's the easy way out. Sana yung kanila na lang, dun na lang sila. But they try to expand it pa.

"Yung PBB [winners], ginawang talent nila. That should have been ours. Dapat amin ‘yan, e. Raket namin ‘yan. Sabi ni Mr. Garcia, 'Kanya-kanyang raket.' Nobody listened.

"Because they have their own stars, the suspicion [is] that they favored certain people. You know, our stars began to take it that way. ‘Bakit sila pinapabor? What will happen to us?’

"Haay, the only way is to fight harder."

HOT STORIES

TALENTS FROM PINOY BIG BROTHER

Ang tinutukoy ni Mr. M na PBB, o Pinoy Big Brother, ay ang Philippine version ng Big Brother reality-game show franchise na unang umere sa ABS-CBN noong 2005 at sa kasalukuyan ay mayroon nang 15 seasons, kasama ang umeere ngayong PBB Connect.

Dito ay may "housemates" na nae-eliminate o nanatili sa PBB "house," base sa lingguhang boto ng manonood, hanggang sa huli ay may matitirang apat na pagbobotohan din ng manonood para sa tatanghaling Big Winner.

Ang mga winners ay mapupunta sa Star Magic, na siyang mamamahala sa kanilang showbiz careers.

Sa paglalahad ni Mr. M, lumalabas na taliwas sa kalakaran sa mga dating batch ng PBB, kalaunan ay hindi na na-turnover sa Star Magic ang ibang ex-housemates na sumasabak sa pag-aartista.

"The people from the Pinoy Big Brother," sabi ni Mr M, "we expected to manage these people after they come out of the house.

Continue reading below ↓

"No. They [PBB] set up their own organization. It was like a counter organization.

"And that didn't sit too well with my people."

Kasama sa binabanggit niyang "people" ay ang road managers, handlers, press relations at iba pang staff ng Star Magic, na may panahong tinatayang may hawak sa mahigit isandaang talents.

Dati-rati ay premium na mapabilang sa Star Magic ang sinumang potential talent na madidiskubre sa PBB.

Kabilang sa mga nanggaling sa PBB—na naging contract stars ng Star Magic at sumikat nang husto—ay sina Kim Chiu at Gerald Anderson, na parehong housemates ng PBB: Teen Edition Season 1 noong 2006.

Si Melai Cantiveros, na PBB: Double Up Big Winner noong 2010, bahagi rin ng Star Magic.

Ganoon din sina Ejay Falcon at Robi Domingo na nagmula sa PBB: Teen Edition Plus noong 2008. Si Ejay ay co-managed ng PPL ni Perry Lansigan.

May younger Star Magic artists din ang nagmula sa PBB, na kundi pa man sumisikat nang husto ay ginu-groom nang lead stars ng network.

Kasama rito, galing sa PBB: All In noong 2014, sina Joshua Garcia, Loisa Andalio, at Maris Racal.

Continue reading below ↓

Si Star Magic artist Barbie Imperial ay galing sa PBB:737 noong 2015, habang ang Big Winner na si Maymay Entrata, Edward Barber, at Heaven Peralejo ay mula sa PBB: Lucky 7 noong 2017.

Dagdag ni Mr. M, "Dati kasi, yung PBB, pumupunta sa Star Magic.

"After a while, ever since they got the idea na maybe they should put up their own, they started picking people who they wanted to pick.

"In other words, yung latak papunta sa amin."

TALENTS FROM STAR HUNT

Ang PBB at Star Hunt ay mga palabas na nasa ilalim ng iisang business unit.

Ang Star Hunt ay audition caravan ng ABS-CBN, na layuning maging "one-stop shop" para sa auditionees na maaaring isabak sa iba't-ibang reality shows ng network.

Inilunsad ito noong 2018, at ang mga discoveries nitong potential talents ay sumailalim sa training camp ng Star Hunt Academy, ang talent-management group na pinamumunuan ni Laurenti Dyogi.

Continue reading below ↓

"Pati Star Hunt ganun. And then, they're trying to put up a group or groups," saad ni Mr. M.

Mula sa Star Hunt Academy ay may mga nailunsad na aspiring idol groups tulad ng all-female group na BINI at all-male P-pop group na BGYO.

Pagpapatuloy ni Mr. M, "We kept saying, 'That should have been ours.' That's right down our alley."

Katuwiran ni Mr. M, hindi lang siya kundi ang kanyang staff ang nabahala sa overlapping functions ng ibang business units.

"But, my people, 'Bakit ganyan Mr. M? Bakit sila may sariling talent center?' Ay, naku. It's a big thing with us."

Ang BINI at Star Hunt Academy boys ay ang mga bagong talents na, noong December 4, 2020, ay pumirma ng kontrata sa Star Magic.

Iyon ang unang contract signing nila bilang Star Magic artists sa ilalim ng pamumuno ng bagong Star Magic head na si Dyogi.

Na-appoint si Dyogi bilang Star Magic big boss matapos magretiro ni Mariole Alberto nitong December 2020.

Continue reading below ↓

Bukod sa Star Magic at Star Hunt management, si Dyogi rin ang tumatayong Head for Entertainment Production ng ABS-CBN.

TALENTS FROM RISE ARTISTS

Ayon kay Mr. M, mayroong grupo ng content creators sa ABS-CBN na maayos ang ugnayan sa Star Magic noong siya pa ang chairman emeritus ng talent agency.

Binanggit niya ang ABS-CBN Films, ang over-all film company arm ng ABS-CBN, na pinamumunuan ng managing director na si Olive Lamasan, o kilala rin bilang Olive o Inang.

Magkatuwang daw ang ABS-CBN Films at Star Magic sa pagbuo ng Rise Artists Studio, na isa ring pool of talents para sa ABS-CBN Films.

Paliwanag ni Mr. M: "Meron silang tinatawag na Rise Artists. Galing sa amin yun.

"It was arranged between Star Cinema, si Inang, and then us.

"They felt they have to have a collection of artists exclusively for them. Kasi yung ibang artista, kinukuha ng ibang TV production, mawawalan sila ng artista kung gagawa sila ng pelikula.

Continue reading below ↓

"They have to wait for TV production to finish bago nila makuha yung mga artista na yun."

Dumaan daw sa Star Magic ang pag-train sa talents ng Rise Artists Studio.

"The idea is, we groom this collection of artists, male and female, para any time they [ABS-CBN Films] want to do something, meron silang internal set of artists."

Pag-aalala ni Mr. M ngayon, "Meron mga ilan dun na sana alagaan nila kasi mga stars yun, e."

Ayon sa isang taga-RISE, dagdag sila sa "nagbi-build up at nagda-drumbeat" ng talents para sa network. Pero ang lahat daw ng talents na ito—"mula kontrata, programa, offers, endorsements"—ay ipinapasa nila sa Star Magic.

Lumalabas na ang malaking kaibhan ng RISE at Star Hunt ay ito: Nagiging manager ng kanilang discoveries ang Star Hunt, habang nire-recognize ng RISE ang Star Magic bilang tanging manager ng kanilang discoveries.

BRINGING THE ISSUE TO HIGHER-UPS

Inakyat daw ni Mr. M sa higher management ang agam-agam ng staff at artists ng Star Magic na apektado ng "shadow talent center."

Continue reading below ↓

Lumipas daw ang dalawa o tatlong taon, pero nanatiling bingi raw ang ABS-CBN management sa kanyang idinulog na problema.

Sabi ni Mr. M: "We brought it up to highest management and nothing happened.

"I miss the days when FMG and Charo were around.

"Because of their high ethical standards, they would have done something about it."

Ang tinutukoy ni Mr. M na FMG ay si Freddie M. Garcia.

Si FMG, liban sa pagiging president at CEO ng ABS-CBN mula 1998-2003, ay siyang executive vice president at general manager mula 1987, nang maibalik sa Lopez family ang network na isinara ni autocratic President Ferdinand Marcos.

Si Charo Santos-Concio naman ay president at CEO ng ABS-CBN mula 2008-2015. Matapos magretiro at bumaba bilang presidente, naging Chief Content Officer ng network si Charo hanggang sa kasalukuyan.

Ang mga sumunod kina FMG at Charo bilang top management ng ABS-CBN ay wala raw ginawang hakbang para ayusin ang isyu ng "shadow management."

Continue reading below ↓

"They never addressed it. I don't think they ever listened to it," saad ni Mr. M.

Pagsuma niya, "They didn't understand the fact that it was a corrosive thing to do— having another talent management center there."

"CONFLICT OF INTEREST"

Ipinunto ni Mr. M na may "conflict of interest" dahil sa overlapping functions ng BUs sa ABS-CBN.

Paliwanag niya, "The primary duty of Star Magic is to see to the welfare of the artist.

"If there is a conflict of interest with TV production—as in determining roles or the amount of money due the artist—we usually side with the artist."

Bilang talent manager, masasabi raw ni Mr. M na noong panahon niya ay hindi lang basta "number one" ang kanilang prized stars pagdating sa popularidad at pagpapasikat ng isang show.

Sinisiguro rin daw niyang tapatan ng network ng patas na talent fee ang pinagpaguran ng isang artista.

Patuloy niya, "Now if they assume the role of managers and watch out for the welfare of the artist, what happens now if there is a conflict of interest?

Continue reading below ↓

"Who will step up in defense of the artist?"

Ganoon din daw ang isyu kapag management ng ABS-CBN ang magpapalakad ng Star Magic.

"There's Lauren Dyogi who took over the Star Magic. It's a bad thing," prangkang sabi ni Mr. M.

Paliwanag niya, "Quis custodiet ipsos custodes? Naks, Latin yun, a! Who's gonna watch the watchers? Sila-sila yun, e."

LACK OF CARE FOR star magic TALENTS?

Iyon daw ang bigat na dala ni Mr. M bilang top man ng Star Magic.

Retired na si Mr. M mula pa 2007, pero aktibo siya bilang chairman emeritus, hanggang sa naiulat ang tuluyang pag-alis niya sa ABS-CBN noong September 2020.

Pag-amin ni Mr. M sa PEP.ph, mas laking hirap ang maging talent manager kaysa maging direktor.

"Because, you keep talking to real people who have real concerns," paliwanag niya tungkol sa trabaho sa Star Magic.

"And especially, they're young, and you really want to help them, and you don't wanna make mistakes setting them up for some sort of career.

Continue reading below ↓

"They put their bets on me to help them do that."

Kaya masakit daw para kay Mr. M kapag sa tingin niya'y hindi nabibigyang-halaga ng Kapamilya management ang talents ng Star Magic.

"Sometimes, I hear comments about them from the higher management, who have lost their respect for human beings.

"They think of them as another cog in the machine. In they come, spit them out, next!

"They don't think of them as real-life human beings with real concerns about their futures, about their families."

Sabi niya, bilang manager, "You have to take that burden."

Bukod sa pagiging chairman emeritus ng Star Magic, direktor si Mr. M ng Sunday variety show na ASAP mula 1995 hanggang pangatlong quarter ng 2020. Hinawakan din niya ang Monday to Saturday lunchtime show na Wowowee ni Willie Revillame, at idinirek niya ang maraming specials at presentations ng ABS-CBN, liban pa sa live concerts ng piling artist-singers nito.

Continue reading below ↓

Pero, ang mga ito'y wala pa rin daw kasing-bigat sa responsibilidad niya bilang Star Magic boss.

"Pag nagdidirek ka, utos ka lang nang utos, e. Do it my way—or the highway," pabirong sabi ni Mr. M.

Sa talent management, matinding trabaho raw yung magplano ng career path ng artista at siguruhing makamit nito ang stardom na inaasam nito.

Bilang pinuno noon ng Star Magic, prayoridad daw ni Mr. M ang kapakanan ng kanyang mga artista.

Mula ito sa paghahanap ng magandang proyekto, pakikipagnegosasyon ng tamang talent fee, hanggang sa pagpapayo sa paghawak ng pera, at minsan ay pati sa pagreresolba ng personal issues, kasama na ang family troubles at usaping love life.

Mahirap, pero minahal daw ni Mr. M ang kanyang trabaho.

"Talagang nakakapagod. It's only now that I feel everything. Why did I get into this business?" napapahalakhak na sabi ni Mr. M.

Sabay sabi niya, "I really love it. But, I'm tired. Hahaha! I want to do something else."

Continue reading below ↓

ON LEAVING ABS-CBN

"ABS-CBN has been good to me."

Ito ang pagsusuma ni Mr. M sa kanyang relasyon sa Kapamilya network.

Puring-puri rin ng entertainment-industry stalwart ang ABS-CBN dahil kasado raw dito ang lahat ng "elements" at resources na makakatulong para makapagpasikat ng artista at makagawa ng magagandang programa.

Pero tunay na malalim ang dismaya niya sa kawalan ng aksyon ng ABS-CBN sa naging mga problema ng Star Magic.

Kaya raw sa huli, naging matinding dahilan ito sa desisyon ni Mr. M na bumitiw na sa puwesto at iwan ang ABS-CBN, ang kanyang home network for "35 or 40 years."

Bago siya umalis, nagsabi raw ang ABS-CBN management na nais siyang makausap.

Tumanggi na rito si Mr. M. Sabi raw niya, "Huwag na lang. No more."

Pagkatapos umalis ng ABS-CBN, plano raw talaga niyang magpahinga dahil "50 years" na siyang dire-diretsong nagtatrabaho.

Naudlot lang dahil tinanggap niya ang trabaho na maging creative consultant at director ng Sunday Noontime Live.

Continue reading below ↓

Ito ang blocktimer Sunday musical-variety show na nagsimulang umere sa TV5 noong October 18, 2020, pero biglang kinansela at huling umere noong January 17, 2021.

Paglilinaw ni Mr. M, hindi niya ito natanggihan dahil gusto niyang mabigyan ng trabaho ang staff ng ASAP na na-retrench dahil sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.

Ngayong kanselado na ang SNL, nasa "hiatus" muna raw si Mr. M.

May posibilidad bang sa huli ay sa ABS-CBN pa rin ang balik niya?

"Who knows?" simpleng saad niya. "But, right now, I can't see it."

Sabay prangkang hirit nito, "Not unless some people see the light. "

NETIZENS' REACTIONS

Maraming netizens ang nasorpresa sa mga rebelasyon ni Mr. M sa artikulong inilabas ng PEP.ph noong January 20, kaya naman sa pambihirang pagkakataon ay nag-trend siya sa Twitter kahapon.

netizens reaction on pep.ph article about Mr. M

Continue reading below ↓

netizens reaction on pep.ph article about Mr. M

May mga katanungan din ang ibang netizens sa tinutukoy ni Mr. M na pool of artists ng network na hindi mula sa Star Magic—bagay na naipaliwanag ni Mr. M sa panayam ng PEP.ph at Summit Media digital news sites.

netizens reaction on pep.ph article about Mr. M

Continue reading below ↓

Ang iba namang netizens ay hindi maiwasang maging nostalgic sa naaalala nilang ambag ni Mr. M sa ABS-CBN bilang pinuno ng Star Magic.

netizens show love and support to Mr. M

netizens show love and support to Mr. M

Continue reading below ↓

Bukod sa pagiging mentor daw ni Mr. M sa career path ng alagang talents, hindi kaila sa ibang sinisiguro rin ni Mr. M na makaipon ang mga ito at hindi lamang basta nalulustay ang pinaghirapang pera.

netizens salute Mr.M for being a reliable star builder

netizens salute Mr.M for being a reliable star builder

Continue reading below ↓

May mga nalungkot din para sa dinaanang suliranin ni Mr. M.

netizens sympathize with Mr. M

netizens sympathize with Mr. M

Continue reading below ↓

Sa kabilang banda, may mga netizens namang nagsabing baka ang pagbitiw ni Mr. M sa puwesto ay hudyat ng bagong pagpapatakbo sa Star Magic.

netizens discuss possibility of new management in Star Magic

netizens discuss possibility of new management in Star Magic

Continue reading below ↓

May iba ring netizens ang nagpaalalang huwag agad maghusga sa isyu.

netizen requests to avoid giving hasty judgements

Naghayag naman ng suporta ang iba kay Mr. M, at kabilang dito ang former Star Magic artist na si Matteo Guidicelli.

Si Matteo ay lumipat sa talent management ng Viva Artists Agency noong 2019.

Pero, base sa tweet ni Matteo ay nananatili raw ang malaking respeto niya kay Mr. M.

Continue reading below ↓

Matteo Guidicelli retweets pep.ph article, shows respect to Mr. M

HOT STORIES

Video: FM Ganal.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
When asked if it's possible for him to return to ABS-CBN after his current "hiatus" from showbiz, Johnny Manahan, aka Mr. M, replies: "Who knows? But right now, I can't see it. Not unless some people see the light."
PHOTO/S: Star Magic YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results