Watch Now

Rosanna Roces commends young ABS-CBN stars for showing respect to veteran actors: "Yun ata ang una nilang tinuturo sa ABS."

by Bernie V. Franco
Jan 20, 2021
Rosanna Roces is all praises to young stars of ABS-CBN for being respectful to senior actors. "Sa ABS, ang unang itinuturo sa kanila kung paano talaga bumati sa mga senior."
PHOTO/S: @therealrosannaroces on Instagram

Hanga raw si Rosanna Roces sa mga batang artista ng ABS-CBN dahil marunong magbigay-galang ng mga ito sa tulad niyang senior actor.

Nakatrabaho ni Rosanna, kilala rin sa kanyang palayaw na Osang, ang maraming batang Kapamilya stars dahil sa mga teleseryeng ginawa niya sa ABS-CBN.

Kabilang dito ang afternoon series na Pamilya Ko (2019) at Los Bastardos (2018-2019).

Kabilang sa mga pinapurihan ni Osang ay sina JM de Guzman, Jake Cuenca, Marco Gumabao, Diego Loyzaga, Albie Casiño, at Joseph Marco.

“Ang mga bata ngayon, hindi mo na rin sila kailangang sabihan. Kasi, like sa ABS, ang unang itinuturo sa kanila kung paano talaga bumati sa mga senior.

“Lahat ‘yan sila ganun,” sabi ni Osang sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Miyerkules ng hapon, January 20.

Dagdag niya, “Wala kang matulak kabigin sa kanila. Okay sila lahat.”

Kahit si Kiray, na dating Kapamilya at ngayon ay nasa bakuran ng GMA-7, ay pinuri ni Osang. Lumipat si Kiray sa Kapuso network noong 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat hindi sila pormal na magkakilala, nagbigay-pugay raw si Kiray sa kanya nang minsang magkita sila.

“Actually, si Kiray nga nakita ko sa restaurant sa [Tomas] Morato.

“Hindi pa kami nai-introduce, pero bumaba, bumaba siya. Bumati sa akin.

“Parang yun ata ang una nilang itinuturo sa ABS, kung papano gumalang, kung papano magbigay-pugay.”

Paliwanag ni Osang, ang ganitong ugali ng mga batang artista ay ikinatutuwa nilang veteran actors.

“So kami, ganun kami lalo, kapag may kasama kaming mga senior sa amin, like sina Tito Ronaldo Valdez, Gloria Diaz, super ano rin kami, asikaso.”

Sina Ronaldo at Gloria ay nakatrabaho ni Rosanna sa Kapamilya teleseryeng Los Bastardos.

DID SHE CALL OUT YOUNGER STARS?

Samantala, natanong din ng PEP.ph si Osang kung may recent experience ba siya kung saan may pinagsabihan siyang baguhang artista dahil sa hindi nito magandang asal sa senior co-stars.

Meron, sabi ni Rosanna, pero hindi raw niya ito pinagsabihan. Nangyari raw ito sa set ng upcoming movie na Anak ng Macho Dancer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang binigyang-pansin na lang daw ni Osang ay ang ibang young co-stars na nagpakita ng husay sa pakikisama sa senior stars kagaya niya.

“Hindi ko siya na-call out kasi napuri ko yung kasamahan niya.”

Pinuri ni Osang ang baguhang aktor na si Miko Pasamonte sa husay nito sa pakikisama.

“Yung Miko Pasamonte, super PR niya, so dun kami sa kanya natuwa.

“Nagkukuwentuhan kami nila Jaclyn Jose, si Allan Paule, Jay Manalo.

“Naghanap lang ako ng tubig. Aba, nawala siya.

“Biglang pagbalik niya, ang dami na niyang dalang ano… nilapag ice cream pa.

“Yung nakita mo yung pakisama, ganun, e.

"Na habang yung ibang marami nagrereklamo na hindi sila pinapansin ni ganito, ni ganito. Siya, hindi mo na siya kailangang sabihin ng ganun.

“Automatic siya na pag senior sa kanya, yung kasama niya, talagang may respeto, yung ganun.”

ROSANNA ON BEING A SEX SYMBOL, BEING LAOS

Namayagpag ang career ni Osang noong ‘90s, kung saan nakilala siya bilang isang sex symbol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalaunan, tumawid sa serious acting si Rosanna at gumawa ng dramatic movies gaya ng Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin, Ang Lalaki Sa Buhay Ni Selya, at Ang Babae Sa Bintana.

Pero hindi raw niya tinatalikuran na nagkaroon siya ng imaheng sexy noon.

“Hindi mo pwedeng kontrahin yun kasi part yun ng… ang tawag ba dun… yung imaging sa ‘yo.”

Nang sumikat si Rosanna, binansagan siyang TF (titillating films) queen.

Aniya, “Kinagat ng masa, so hindi dapat yun hindi lingunin.

"Nililingon ko yun kasi, siyempre, part ng kung bat ako nandito ‘yan, e.”

Nahirapan ba siyang tanggapin nang dumating ang panahong lumamlam ang kanyang career?

Sagot ni Rosanna, “Alam naman natin na what goes up, must come down lahat.

“Lahat ng nag-aartista na sumikat, hindi naman sila nanatili sa itaas. Merong darating na talagang papalit sa ‘yo.”

Samantala, tampok si Rosanna sa upcoming sexy-comedy film na Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar, na pinagbibidahan din nina Alma Moreno, Maui Taylor, at Ara Mina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nasabing pelikula ay an initial offering ng Vivamax, ang digital streaming service ng Viva Films.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rosanna Roces is all praises to young stars of ABS-CBN for being respectful to senior actors. "Sa ABS, ang unang itinuturo sa kanila kung paano talaga bumati sa mga senior."
PHOTO/S: @therealrosannaroces on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results